Chapter 1

522 12 7
                                    

Challenge

"You vandalized Ateneo De Manila's Art Pavillion. You sprayed a tear gas inside your classroom twice. You put frogs on the swimming pools. Nambabangga ka ng mga stall sa palengke. Ashanti Kenaniah Adiel Malvas, you really beat your Kuya Algorithm, huh?" Sarcasm was on her voice. She shrugged her shoulders in disbelief. Her smile was still classy, at the age of seventy nine, this woman is so extra.

"I'm just enjoying my life, grandma. I believe that time is gold, therefore I must do what I want. Nobody promised tomorrow." I showed her a small smirk sabay subo ng steak na nakahain sa long table.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan ngayon sa malawak na hapagkainan sa Mancion de Central kung tawagin, ang bahay ng lola ko. I was mesmerized when I stepped inside the ancient but elegant mansion. Ito ang unang pagkakataong nakatungtong ako dito sa probinsya ng Isabela kung saan ang probinsya ng lolo at lola ko sa side ni Papa.

Amaya Clarette Malvas is my grandmother. Sa kasamaang palad ay pumanaw na ang lolo ko noong bata ako. She lived here alone, daddy is her only son pero dahil sa Manila kami namamalagi ay halos fifteen years na siyang nakatira dito mag-isa.

"I admire how you stand on your own principles. You remind me of your stubborn grandfather Lucio, kung ano ang nais ay iyon talaga ang gagawin. Walang masama roon young lady, subalit hindi ganun ang buhay .." She paused for awhile to drink wine.

"Kahit gaano mo pa ka gustong gawin ang isang bagay, kailangan mong sukoan ito lalo na kapag nakakasakit kana, kapag hindi na tama ang nangyayari sa paligid mo."

Nahinto ako sa pagkain at napatingin sa magagandang mata ni grandma. She moved so soft pero halata mo ang pagiging strict niya. No doubt na siya nga ang nagpatino kay Kuya Algo.

Algorithm Obed Marc is my brother, he's three years older than me. Kilala siyang kilabot ng mga babae, playboy at dati ring walang plano sa buhay kaya nagpasya sila Mommy na ipadala si kuya dito sa Isabela at pinatira kay grandma. Daddy is the leaving example kung paano magpalaki si grandma. In order to discipline my brother, he was ordered to live with grandma for a year. Nagulat ako sa malaking pagbabago kay kuya, naging matino ito sa pag-aaral at nagsimulang mag-invest hanggang sa magkaroon na siya ng sariling bar.

And that's the same reason why I am here now in the middle of my semester. I'm studying BS Mechanical Engineering in Ateneo de Manila. I have no problems with my academics. My parents are both engineers, si Kuya ay Computer Engineer with highest latin honor na kakagraduate lamang nakaraang school year. My parents have an engineering firm here in the country, hindi sa pagmamayabang pero kaya kong e perfect ang exam ng hindi nagrereview sa lahat ng mathematics subjects ko at majors, ang mga minor naman ay hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin, hindi yun kailangan pagkagraduate ko.

"Why are you doing such things? Nag rerebelde ka ba sa iyong magulang?" Tanong ulit sakin ni grandma.

"No. I love my parents dearly. Well actually, I don't have any particular reason, grandma. It's just that .." I paused. "I'm living the time of my life." Ngumise ako rito.

Wala naman talaga akong problema, I have a loving and supportive parents, kahit makulit ang kuya ko'y magkasundo kami sa halos lahat ng bagay. We have the luxury that people in my age want. Talagang kapag trip ko lang gawin ang mga bagay na gusto ko kasama ang mga kaibigan ko sa Manila, Charles and Kerwin, ay ginagawa ko.

I always have that feeling that I might regret it in the end, kapag hindi ko ginawa ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa paligid ko. Gusto kong ginagawa 'yung bawal, mas may thrill, mas may challenge, mas masaya sa feeling.

Ayoko mang tumira dito kay grandma ay wala akong choice. Desidido na silang patinuin ako kesyo dise nuebe na raw ako at babae pa. Kaya tuloy maglilipat pa ako ng paaralan, dahil ang totoo rin kasi ay halos ma kick out na ako sa Ateneo, kung hindi lamang naging malaki ang ambag ni daddy na awards noong nag-aaral siya sa university baka napatalsik na ako noong first year college pa lang.

Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon