Ligaw
Parang tanga akong nakangise habang sinusubo ang lomi na kinakain ko. I wasn't really expecting him to put some effort para hanapin ang pagkaing hinahanap ko.
Mag-isa lang akong kumakain sa kwarto. Grandma's not here, nasa Davao siya para sa isang Agricultural conference.
Halos nangalahati na ako sa kinakain ko, pero ang ngiti sa aking labi ay hindi mawala-wala. This feeling towards him is making me damn crazy, pakiramdam ko'y sasabog ako sa tuwa kahit sa kaunting kibot na ginagawa niya.
I felt my phone vibrated, at ganoon nalang kabilis na nawala ang ngiti sa labi ko ng nakita ko ang caller id.
Although hesistant, I swiped my screen towards the right. Hindi ko naman matatakasan ang mga bagay kahit anong gawin ko.
"Ashanti, how could you do this? I only went for a vacation but it doesn't mean that you must stop your medication too! Hija, when will you understand that your condition is so dangerous?" Biglang may bumara sa aking lalamunan. Hearing Doctor Isay Belmonte's voice makes me frightened once again.
"But I don't want to do it. I want to live my remaining breaths doing the things I want to do. Please, Doctora. Masaya ako rito."
Tumahimik siya sa loob ng ilang minuto bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga.
"I heard that your grandmother doesn't know anything about your condition. Kung gusto mo diyan manatili, do tell her. Para gabayan ka niya."
But it will only make me caged again.
"Okay." I lied.
"Take care of yourself there, Ashanti. Tawagan mo ako kapag may nararamdaman ka. Good night." Kahit na minsan ay strikto si Dr. Isay sa akin ay parang ina ko na ito kung ituring. She's in-charge of my medication since I was young, kaya naman parang kapamilya na ang tingin namin sa kanya.
"Sure, doctora. Thanks." I ended the call.
Napabuntong hininga ako, muli ay nakaramdam na naman ako ng lungkot. Tama si Doctora, I'm fragile, at delikado na ang lagay ko kaya hindi na dapat ako magsayang ng oras.
I quickly grabbed my hoddie and went outside. Sumakay ako ng jeep at tinahak ang lugar papuntang The Zees.
Dahil Biyernes ngayon ay maraming sasakyang nakapark sa tapat ng bar. Hindi na rin ako nagulat ng makita ang dami ng kabataang nandoon, dahil nga siguro late na ay nasa gitna na ng dance floor halos lahat.
"Akie." The familiar bubbly face of Jakim Lemuel welcomed me. Nakangiti ito habang ang kamay ay nasa baywang ng babaeng si Lyka, na sa pagkakaalala ko ay ang girlfriend nito.
"Hi!" Bati ni Lyka sa akin. She's beautiful and sweet. Maswerte ito kay Jakim, dahil ayon sa kay Vernon, ito lamang ang loyal sa kanilang mga Zulueta, maliban kay Nikon na wala naman daw hilig sa mga babae.
"Hello!" Bati ko rito.
"Buti naman at pumunta ka ulit dito. Everyone's asking kung kailan ka babalik." Sabi ni Jakim habang inaakay ako papunta sa couch kung saan sila nakapwesto. Nandoon na rin ang ibang mga pinsan niya at ang kapatid niyang si Ezrael na natutulog.
"Na bored lang ako kaya naisip kong pumunta dito."
"You're always welcome here, Ashanti. Espesyal ka sa amin." Jakim smiled sweetlty.
"Thank you!" Nakangiting sagot ko.
"Ashanti!" Jeon and Jimin said in unison. Mabilis itong tumayo at lumapit sa akin.
Their strong, addictive, and manly scent suffocated my nostrils. Halatang iisa lamang sila ng perfume na ginagamit dahil iyon lamang ang naamoy ko. Jeon chase gave me a fast hug while Jimin kissed my cheeks again.
BINABASA MO ANG
Chasing Pavements
FanfictionZulueta Series 1: "Ashanti Kenaniah Adiel Malvas (Jennie Kim) is chasing the remaining time of her life. Kaya naman ginagawa niya ang lahat ng bagay na naisin niya to enjoy her youth. Dahil sa pagiging pasaway she was forced to live with her luxurio...