Chapter 7

116 7 7
                                    

Escape

"Hello?"

Iyon pa lang ang sinasabi niya. Isang salitang ilang beses ko ng narinig sa iba't-ibang tao, sa iba't-ibang pagkakataon, subalit ang bersiyon niya lamang ang nagpapatibok ng puso ko.

Kasalukuyan kong sinusuklay ang aking buhok, naghahanda sa pagtulog.

"Hello, Nikon? Nakauwi ka na?" Tanong ko, sabay upo sa malambot kong kama ng may ngiti sa mga labi.

"Yes, babe. Kakauwi ko lang galing school meeting. Sobrang sakit ng ulo ko." I could feel his tiredness in his voice. Nakaramdam ako ng awa, midterm week ngayon, kasabay pa ang nalalapit na college week at dahil si Nikon ang head ng student buddy at representative pa ng school sa isang robotics competition, alam kong walang araw na hindi siya pagod, both mentally and physically.

Gusto ko pa siyang makausap, ng mas matagal, hindi, ng buong magdamag. Nikon told me that his mom doesn't allow him to have a girlfriend, gusto lamang nito ay maging tutok siya sa pag-aaral kaya ang relasyon namin ay tago. Sa school ay kuntento na kami sa simpleng batian at tinginan, tuwing gabi ay tumatawag siya bago matulog, simple things, pero hindi ako nagrereklamo. He's a hard working student who's bound to success, sino ako para pigilan ang ikakabuti niya?

"Ganun ba? O sige, bukas na lang. Maglinis ka na at matulog. Last day ng exam bukas kaya dapat hindi ka puyat." I bit my lower lip, gusto ko siyang makausap ng matagal pero alam kong hindi pwede.

"But I want to talk to you. Your voice makes my day, Ashanti. Nawawala ang pagod ko."

Awtomatiko akong napangiti, ramdam ang biglang pag-init ng magkabilang pisnge ko.

"Kilig na kilig ka na naman. Tss." I could hear him giggle. I could vividly imagine his perfectly crafted face with that proud smirk na ginagawa niya tuwing kinikilig ako.

"Tumigil ka na sa pambobola, Nikon. Sige na, magpahinga ka na. Good ni—"

"Please, baby. Talk to me more. Gusto ko pang marinig ang boses mo."

I almost curse when I heard his sexy bed time voice begging. Napapikit ako at pinipigilan ang sariling mangiti, kahit kanina pa ako nakangiti.

"Eh ano naman ang sasabihin ko?" Inosenteng tanong ko.

"Uhmm. Just tell me about your day. Kamusta naman ang araw mo?"

Napakamot ako sa ulo ko. Trying to remember things happened for today.

"My day is okay. 'Yung exam kanina sa majors natin, basic lang sakin. Pero yung mga minor, hindi kasi ako nagrereview dun kaya hindi ko kabisado. Buti nga katabi ko si Lester eh, nakakuha ako ng sagot." I giggled. "Then, sa gym naman, ganun pa rin, marami pa ring tao."

"Marami pa rin ang pumuporma sayo?" Biglang tanong niya.

"Uhmm. Hindi naman gaano." I chuckled teasingly.

"Tss. Mahirap pala kapag kasing ganda mo ang maging girlfriend. Hindi kailanman mapapatanag loob ko."

I could hear his sigh. Butterflies in my stomach were busy partying. Hindi ko alam kung bakit ako tuwang-tuwa sa sinabi niya.

"Huwag kang mag-alala. Sayong-sayo lang ako." Nakangiti pa ring sagot ko.

Hindi ka agad siya sumagot, sa halip ay nakarinig ako ng mahinang paghinga sa kabilang linya.

I giggled when I realized he's snoring quietly. Halata mong pagod sa mahina at dahan-dahan niyang paghilik.

"Tinulogan mo na naman ako, babe." I whined poutly pero napangiti na naman ako. Until right now, hindi ko maipaliwanag na kami na. He's too perfect to be mine.

Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon