Chapter 4

94 8 17
                                    

Crave

Biyernes na at halos apat na araw na ako bilang working student. My schedule at school is from 8:00 AM until 3:00 PM, same as Arya's. Didiretso kami pagkatapos ng klase sa mansyon upang magpalit at agad na pupuntang Amaya's gym upang magtrabaho simula alas singko ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi.

Hindi naman mabigat ang trabaho ko, I just assist people who go to our gym, o di kaya'y naglilinis tuwing uwian. Hindi na rin ganoon ka strikto sa akin si Ma'am Jean, sabi ni Arya ay dumoble raw ang dami ng customers simula nang dumating ako. Young lads go to the gym every night, well, pansin ko rin na ang iba sa kanila ay nandoon lamang para magpacute sa akin. I don't mind. At least, napapasaya ko sila, hindi naman sila ang tipong nambabastos, mostly, they were just starstrucked kapag kinakausap ako. Most of them will just smile na para bang nakakita sila ng anghel galing sa langit.

Tamad kong inihilig ang ulo ko sa aking libro upang gawin iyong unan. Ipinikit ko ang aking mga mata, habang sina Arya at Lester ay abalang-abala sa pagrereview.

Kasalukuyan kaming nasa library, pare-pareho kaming na dismiss ang klase kaninang ala una, at imbes na umuwi ay gusto ng dalawang ito na mag-aral dahil midterms na sa Lunes.

"Ashanti, di ka ba talaga magrereview? Ang dami mo kayang na miss na lessons, mumsh. Baka itlogness ang score mo niyan sa exam!" Hirit ni Lester habang winawagayway ang fabulous ballpen niyang may feathers sa dulo.

"Review? Duh, hindi ko na kailangan 'yun. Para saan pang naging katabi kita?" Umupo ako ng tuwid at pilyang nginitian ang dyosa.

"Oo nga pala. Seatmate mo ang dyosa. Pero mumsh, may mga enkanto tayong Prof. Daig pa nila CCTV makabantay!"

I just smirked again.

"Ateneo nga nalusutan ko. Tsaka may stock knowledge naman ako." Mayabang na pagkakasabi ko.

"Kapag iyan na stock, señor— Akie." Nakagat ni Arya ang pang ilalim na labi dahil sa kamuntikan niya akong matawag na señorita.

"Don't worry, I got you mumsh."

"I got you too." A familiar husky voice came from Lester's back. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa lamesa at napagitnaan si Lester.

Dahan-dahang iniangat ni Lester ang kanyang ulo upang silipin ang nagmamay-ari ng boses.

Muntik na akong humagalpak ng tawa ng makita ang reaksyon ng dyosa. Para siyang nakakita ng kahon ng ginto nang makitang si Jin iyon.

Jin playfully smiled at Lester. He smirked then looked at me.

"Hi, Akie!" Bati nito. Nilingon niya rin si Arya at kinindatan.

"Hello, Jin."

Umupo ito sa tabi ko at iniwan si Lester na nakaestatwa.

"Tapos na ba ang klase mo?"

"Yeah. Sinamahan ko lang sila magreview."

"Ikaw? Hindi ka nagrereview? Balita ko exams niyo na next week?" Tanong niya. Sa pagkakaalam ko'y graduate na si Jin ng Political Science at kasalukuyang nag-aaral ng Law.

"Hindi ko na kailangan 'yun. Stock knowledge is life!" Tumawa pa ako.

"Wow! Parehos pala tayo eh!" Masaya nitong itinaas ang kanang palad sa ere. Nakipag-apir ako sa kanya at tumawa kaming pareho.

Nilingon ko si Lester at nakitang parang halos tumulo ang laway nito na nakatitig kay Jin, pati ang mga mata niya'y pumupungay.

"Gusto rin daw sayong makipag-apir ng dyosa, Jin." Ininguso ko si Lester na natauhan. Mabilis niyang pinunasan ang gilid ng labi, making sure that he wiped his drooling wisely.

Chasing PavementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon