Chapter 1

14K 330 7
                                    


Chapter 1

Dare


May isang oras na akong nakaupo sa mahabang silya  katabi ang kapwa aplikante. Sampung katao pa ang hihintayin bago ako tawagin.

Haayy...

Kumakalam na ang sikmura, at uhaw na uhaw na rin.

Kailangan kong pagtiisan ang lahat ng hirap at pagod. Wala akong karapatang magreklamo. Hindi ako pupuwedeng umuwi sa probinsiyang walang dalang magandang balita. Sobrang nakakaahiya kay Nanang. Kahit pamasahe ko inutang niya lang sa tsismosa naming kapitbahay  makaluwas lang.

Nadagdagan ang pagod ng maalala ang tsismosang kapitbahay. Napapaismid.

Inilibot ko ang paningin sa mahabang pasilyo. Mayroong ilang empleyadong mabilis na naglalakad, tila naghahabol ng oras. May matandang hawak sa kanang kamay ang mop. Napatango-tango pa ako. Makintab pa naman ang sahig na inaapakan maglilinis na naman ba siya ulit?

Isang linggo na ang lumipas ng lumuwas ng Maynila. Isang linggo na ring pabalik-balik na naghahanap ng matinong mapapasukan.

Ka-ka-graduate ko lang, fresh graduate kumbaga. Associate in computer secretarial ang natapos ko. Sana matanggap na ako sa kompanyang to, kahit na hindi sa posisyong papasukan. Kahit na,  janitress na lang okey na, susunggaban ko na. Ayaw ko lang talagang umuwi sa probinsiya ng walang napapatunayan.

Nakita kong bumukas ang pintuan at lumabas ang isang sexy at magandang babae. Napanganga ako sa tindig at ayos noong babae. Isa rin ba siya sa mga aplikante?

Bakit ganun?

Bakit ang iksi ng palda niya?
Tapos, bukas pa ang tatlong botones ng blouse niya, halos makita na yong kaumbukan niya.

Kasama ba yan sa pag-aaply?

Kung 'yan ang batayan upang makuha ang ninanais na posisyon...

Napabuntong-hininga ako.

Lihim na sinisipat ang sarili..

Puting long sleeves ang kasuotan.Nakasara ang lahat ng butones ng blusa, mahaba rin ang paldang suot, umaabot ito sa aking tuhod.

Pero pansin ko, bakit iyong ibang aplikante animo'y mag-aaply sa modelling agency?

Makakapasa kaya ako?

"Next!"

Sigaw nung buntis na babae. Halata na ang kaumbukan ng kanyang tiyan.  Siya marahil iyong sekretaryang papalitan.

May pumasok ulit, sexy din. Bago tuluyang pumasok sa silidi kung saan nagaganap ang interview nag-ayos muna ito. Halos maligo na siya sa dami ng pabangong inilalapat sa katawan. Napangiwi ako sa iniasta noong matangkad at magandang babae. Kulang na lang ibuhos niya sa buong parte ng katawan ang pabangong dala.

'Diyos ko parang lahat sila, handang-handa ako lang yata ang hindi..'

Napabuntong-hininga ako siyam na lang..

After thirty minutes sumigaw ulit ng next!

Kinakabahan kong itinuro ang sarili. Ngumiti ang babaeng buntis. Tumango at iminuwestra ang nakabukas na pinto.

Wala pa bang natatanggap na bagong sekretarya o janitress? Sa dami ng nag-apply wala pa rin ba?

'Di kaya pihikan iyong may-ari?

Anu-ano kayang mga qualifications ang hinahanap niya?

Kabado akong tumayo. Pilit iniignora ang kabang lumulukob. Pakiramdam ko hinahalukay din pati ang sikmura sa sobrang kaba!

MY BOSS AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon