Chapter 5Si Mr. Quizon, Si Vladimir, O Si Boss?
Tahimik kong binabasang muli ang schedule ng meetings na kailangang madaluhan ngayong araw ni Sir Clyde. Naisulat ko na rin ng maayos, kung anong oras at kung sinu-sino ang mga taong kanyang pauunlakan. At sa lahat ng meetings na yun syempre kasama ako.
Ito ang unang araw ko bilang 'Personal Alalay niya.. este Assistant "daw" niya, at pangalawang araw ko naman bilang secretary niya.
Sa totoo lang, nakakapagod pa lang pagsabayin ang tungkulin ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako, masaya nga ako at sobrang malaki ang pasasalamat ko kay Sir kasi, tinanggap niya ako hindi lang bilang sekretarya niya ngunit maging P.A. na rin niya. Ibig sabihin, buong-buo ang pagtitiwala niya sa akin.
Subalit na-pi-pressure ako, natatakot akong di ko ma meet ang expectations ng boss ko sa akin.
Natatakot ako na baka isang pagkakamali ko lang patalsikin niya na agad ako sa puwesto ko. Madali lang naman kasi para sa kanya na gawin ang bagay na yun.
Napabuntong-hininga ako.
Ki-aga-aga puro negative agad ang sumasalubong sa akin.
Naku, wag lang talagang may pumuntang babae dito ngayon ni Sir, baka di ko sila ma tantiya at mapatulan ko pa.
"Any problem?"
"Ay problem..!"
Nagulat naman ako kay Vladimir.Ano na naman kaya ang ginagawa nang lalaking to dito? Wala ba itong pinagkakaabalahan at parating nagagawi rito?
Kung ang sadya niya ay si Sir, hindi ko naman siya pipigilan. Hindi naman kasi siya na ka "ban". Pero ayon kay Miss Natasha isa siya sa 'Most Avoided Person?
E?
Parang hindi naman. Wala akong makitang ganun kay Vladimir.
Sa katunayan nga, magaan ang loob ko dito e.. idagdag pang pinsang buo ito ni Sir Clyde.
Kaya, papaanong nasali siya sa 'Most Avoided Person List?
Naipilig ko ang ulo ko.
"Baka naman tumanda ka ng maaga diyan, panay ang buntong-hininga mo a."
Tumingin ako sa mukha niya.
Kung sa ka-gwapuhan lang naman, hindi naman magpapahuli itong si Vlad. Gwapo din siyang, katulad ni Sir Clyde.
Ang pinagkaiba nga lang, sa tingin ko lang naman. Bukod kasi, sa gwapo na si Sir Clyde..ay mali.. Sobra-sobrang gwapo pala ni Sir Clyde, ay malakas din ang sex-appeal nito.
Mayaman pa..
Binata..
Mayaman din ba itong si Vlad?
E?
Social climber lang?
Ano ba itong pinag-iisip ko..
No..no..no..no..no..no..
"Nasa loob si Sir, pasok ka na lang."
"Hindi naman siya ang pinuntahan ko dito,"
Maikling tugon nito at tumingin sa akin.Napaisip ako.
"Can we go out for a lunch? It's not a date, gusto lang talaga kitang makilala."
Kaya siguro ito nasali sa Most Avoided Person, duma-da-moves e..Napailing ulit ako..
"May lunch meeting si Sir,"
Walang ganang sagot ko, habang nakatutok ang mga mata sa laptop.