Chapter 2Celine
Clyde's p.o.v
"Kumalma ka nga Clyde, hindi bagay sayo 'yang ganyang arte. At saka hindi pa naman talaga siya late a? May fifteen minutes pa namang nalalabi para sa paghihintay sa kanya." Si Natasha. Sabay sipat sa wristwatch niya. Busangot ang mukhang denedepensahan ang hahalili sa kanya.
But damn!
Hindi porke't sinabi kong eight a.m. sharp siya dumating ay papatulan din niya ang sinabi ko. Dapat mas maaga siyang dumating, dapat nagpapakitang gilas na siya sa akin sa unang araw pa lang ng trabaho. Hindi iyong ako pa ang naunang dumating..
This is stressful!
Marami pang ituturo si Natasha sa kanya, from do's and dont's.
To business partners, to my friends, to those who's not capable to give her trust, and most importantly to my women..
Ang aga-aga sumasakit na kaagad ang ulo ko. Napahawak ako sa sentido. Maya-maya'y may narinig akong kumakatok.
"O baka siya na 'yan." Umiiling na saad ni Natasha.
"She has a potential Clyde, alam kong nakita mo rin iyon sa kanya. Kaya mo nga siya tinanggap 'di ba? Kunwari ka pang nagdadalawang-isip"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Am I right?" Dagdag pa niya.
She knows me too well.
I shook my head. "Whatever Natasha."
Nagpatuloy ang kumakatok.
"Come in," Marahang bumukas ang pinto.
And there she was, standing in front of the door looking straight into my eyes and smile apologetically..
She's wearing a white simple long sleeves just like yesterday, but it wasn't the one she wore the day she came in.
Medyo maikli lang ang sout niyang palda ngayon, because it was two inches above her knee, but not as bad as those bitches who applied yesterday, she carried those clothes in her natural way..She moved like an innocent girl. Without knowing her charm.
Medyo tumangkad din siyang tingnan, I think she's wearing a two inches shoes.
"G-ood morning po Sir."
Nakangiti niyang wika."You're late." Agap ko. Hindi ko gusto ang presensiya ni Natasha. Halatang kanina pa nagmamatyag sa magiging interaksiyon sa bagong sekretarya.
Damn it!
I can't help but to stare at my new secretary. She isn't my type though.. but fuck! I really can't help it. Tapos nariyan pa si Natasha!
"Amm-- s-si ano h-ho kasi, hindi po ako kaagad pinayagan ni Manong guard, kailangan daw may appointment muna ako sa inyo bago--"
"Kaya naman pala Clyde."
Singit ni Natasha.
"At saka Sir, hindi po siya naniwalang pinababalik niyo ako ngayon." She's convincing me like she's a lost child. Did I really hired her?
This woman is funny para siyang bata kung magpaliwanag. Nagkamot pa siya sa batok niya. Yung ibang babae kasi kapag kaharap ako takot na takot na gumawa ng kapalpakan o di kaya, kailangang magandang-maganda sila sa paningin ko.
But this woman?
She really isn't my type.
She's not wearing make-up.
Lip gloss lang yata ang ginamit niya at pulbos.Well... She's different from my women. Fuck it! Why I'm even comparing her to them?
Of course she's different.. because she's a promdi. She came from a far-away land.
What am I thinking?
I'm not insulting her I'm just..
"Mabuti na lang ho dumating si-."
Muling bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangising si Vladimir, my cousin. Anong ginagawa ng lalaking 'to rito?
Mas lalong nag-iinit ang ulo ko.
"Mabuti na lang dumating ako Clyde, halos maiyak na itong si Celine sa labas, hindi siya pinapapasok ng mga guards.."
He call her, Celine?
Lumipad ang mga mata ko sa bagong sekretarya ko. She seems quiet the whole duration. Pinakatitigan ko ang maamo niyang mukha. Her almond eyes were expressive, may kalakihan pero bumagay naman sa malalantik niyang pilik mata.matangos din ang ilong niya.
What the fuck is this? Nameywang ako. Kunwari badtrip na badtrip sa presensiya ni Vlad.
"Masyadong mahigpit ang mga guards mo pinsan, mabuti na lang napadaan ako dito. E, sa tingin ko naman mapagkakatiwalaan siya, so sinabay ko na mukha naman kasi siyang nagsasabi ng totoo, di ba Celine?"
And then ngumiti ang gago kay Marcelina.
"You can go now, we have a lot of work here.."
"Don't worry aalis din naman kaagad ako, bibisitahin ko lang sana si---"
"I fired her--"
"Labo mo naman pinsan,"
Nagkatitigan kami ni Natasha at napailing ito..
"Because I saw her kissing another guy."Muli akong tumingin sa gawi ni Marcelina.. tahimik lamang siya at tila balewala lamang sa kanya ang mga nagaganap. This woman is really different.
"Don't you dare Vlad--"
Sinalubong ko ang mga mata ni Vladimir. Player at womanizer ako oo, pero itong pinsan ko kahit na may kinakasama na ang isang babae o may boyfriend pinapatos pa rin. Mas malala pa 'to kaysa sa akin, kahit sabihing adonis din to hindi pa rin magandang halimbawa ang mga kagaguhan niya.
Tumingin siya sa direksiyon ni Marcelina, na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin. Then afterwards muling ibinalik ang titig sa akin.
What?
Humakbang palapit sa kin si Vlad at ngumisi.
"You know what? She looks fresh, beautiful, and innocent.. very innocent. You know what I mean." Bulong niya sa akin.
The heck!
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.
"But.."
Kumunot ang noo ko,
"She's all yours,."
What the hell!
At itinaas ang mga kamay bago tumalikod. Nagpaalam siya kay
Marcelina bago isinara ang pinto.Damn you Vlad!