Chapter 4Rule
Nang pumasok ako sa opisina ni Sir hinintay ko munang alukin niya akong umupo sa isang mahabang couch na naroon.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bigat ng kamay ng babaeng yon.
Medyo mahapdi rin ang ibabang labi ko. Tiyak kong nasugatan ako, doon kasi tumama ang matutulis na kuko ng babae.Huminto sa kinauupuan ko si Sir Clyde at tumabi sa akin?
E?
Tumabi sa akin?
"Let me see.." aniya.
Lihim akong lumunok..
Habang tinitingnan kasi ni Sir Clyde ang sugat sa labi ko, hindi ko ring maiwasang mapatingin sa mga labi niyang sing pula ng makopa.
Diyos ko, ang pupula ng mga labi niya. Para namang hindi lalaki ito.
Pumikit na lamang ako upang alisin ang pagnanais na ma- hawakan ang kanyang mga labi.
Naramdaman kong may malambot na bagay na lumapat sa labi ko. Bigla akong dumilat. Sa ginawa ko nagtama ang mga mata namin ni Sir Clyde.
Naman o!
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, sing bilis ng takbo ni muning sa tuwing nahuhuli ko siyang nagnanakaw ng pagkaing nakahain sa mesa namin noong mga araw na nasa probinsiya pa ako.
Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng hapdi. Yung bulak pala na nakalapat sa gilid ng labi ko, nilagyan ni Sir ng alcohol.
Ginagamot niya ako?
"S-sir a-ako na lang ho.."
Akmang kukunin ko sa kanya ang bulak na hawak niya pero mali yata ang ginawa ko dahil mas lalong nagkadikit ang mga katawan namin habang magkalapat ang mga mata namin.Tila ako nayayanig sa lakas ng tibok ng puso ko na mas lalo pang lumakas ng maglapat ang mga mata namin.
'Inaakit niya ba ako?'
Diyos ko, ano ba itong pinag-iisip ko?Ako na ang nagbawi ng tingin at marahang inilayo ang katawan ko kay Sir Clyde.
"That bitch..," usal nito."Aside from this, ano pang ginawa niya sayo?"
Nalanghap ko ang amoy ng hininga niya.
Ang bango!
Omg!
Naliyo ako sa na amoy ko. Ang bango! Parang nagising ang lahat ng natutulog na ugat sa katawan ko..
Ang bango, bango talaga!
Bukod sa mamahaling pabangong naaamoy ko sa boss ko, amoy ko din ang natural na amoy niya.
Oh men! Lalaking lalaki!
Masarap kaya ang mahalikan ng isang Clyde Dela Cerna?
Ano kayang pakiramdam nun? Kahit siguro hindi ko na i-claim ang napanalunan ko sa Lotto panalong-panalo na ako..Haay..
Kawawa naman tong boss ko hina harass ko na sa utak ko.
Dahil sa babaeng yun, kung anu-ano nang kamanyakan ang pumapasok sa utak ko.
Seryoso, tinatanong ko talaga ang sarili ko sa bagay na yon?
Napakagatlabi ako..
Sobrang hapdi nung alcohol.
Pumikit na lang ulit ako. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng boss ko. Ako na nga itong nilalapatan ng lunas ako pa itong nag-iinarte.
Narinig kong bumuntong-hininga siya.