Chapter 3His Women
Marcelina's p.o.v
Sa dami ng mga information na ibinahagi sa akin ni Miss Natasha, pakiramdam ko hindi pa rin ito nag-si-sink in sa utak ko.
Mula sa do's and dont's.
Grabe kaya 'yon halos mapuno lecture ko sa mga bagay na hindi dapat at dapat na sundin ayon sa patakaran ng amo ko. Idagdag pa ang mga pangalan ng mga taong kasama sa business clan nito.
The given names were about thousands. Diyos ko, kung hundreds nga hirap ko nang makabisa yon pa kayang libo na?
Nagbigay din ng pangalan si Miss Natasha, mga pangalang hindi nararapat na pagkatiwalaan.
At isa sa mga pangalang tumatak sa akin ay ang pangalan ni 'Vladimir', ang pinsang buo ni Sir Clyde.Bakit nasama ang pangalan niya sa 'Most Avoided Person'? E, pinsan naman niya yon?
Pambihira talaga boss ko.Napabuntong-hininga ako.
At panghuli mga babae ni Sir Clyde. Ang dami-dami nila..
Sa sobrang dami nila wala akong matandaan ni isa man sa mga nabanggit na pangalan.
May models, actresses, business associates 'daw',.Naku don't me Sir, e lahat naman yata nang babaeng nasa listahan niyo e, pinaglalaruan niyo lang.
"I want to see Clyde.."
Speaking of.
Ito na yata ang trahedya na hinihintay ko. Nagsisimula nang magsidatingan ang mga babae ng boss ko, actually nabalaan na ako nito ni Miss Natasha kaya hindi na rin ako nabigla.
Bahagya kong ini-angat ang ulo ko..
"Good morning ma'am! How may I help you?"
Kunwari masaya ko siyang binati.Pinag-aralan ko ang mukha ng babae. Sobrang ganda niya. Makinis at maputi ang kulay ng balat niya. Sexy, matangkad, malalaki ang 'ano', ang hinaharap niya.
Pero nadismaya ako sa kasuotan niya, halos lumuwa na kasi ang 'ano' niya sa sleeveless blouse na sout niya.
Napailing ako, lalo na ng masilayan ko ang suot niyang short shorts. Diyos ko naman kulang na kulang sa tela e,
Kinuha ko ang lecture ko at binuklat ito..
"Pangalan po ma'am?" Nakangiti kong sabi.
"I beg your pardon?"
Taas ang kilay na tanong niya.Ang taray naman nito.
Kailangan kong malaman ang pangalan niya bago ko siya papasukin sa loob ng opisina ni Sir Clyde. Hindi ko siya pwedeng papasukin ng walang valid reason. Ako malalagot sa boss ko nito pag nagkataon.
"I'm his fiancee, so why bother?"
Nag-flip pa siya ng buhok niya.Pangalan lang naman ang hinihingi ko mahirap bang ibigay yun?
At saka fiancee?
Ang sabi ni Miss Natasha walang balak patali si Sir sa kahit na kaninong babae.
"Pangalan po ma'am,"
Ulit ko.Nanatili akong nakaupo sa puwesto ko.
Ramdam kong nakatingin na rin sa amin ang ilang empleyado.
Pambihira mapapasubo pa yata ako ngayong araw.
"Damn it!"
Sigaw nito sabay hampas ng mesa ko.Malakas pagkakahampas niya dun a, hindi kaya siya nasaktan? Sa nipis ng balat niya tiyak mamumula ang palad niya.