Chapter 12

45 1 0
                                    

Halos di na magkaundagaga si Patricia at pati na ang lahat ng mga 5th at 4th year sa pagsusumite ng mga kakailanganin nila bago ang graduation. Ngunit ang mas malaking bagay na napapagulo sa kanya ay ang tanong ng kaibigan niya sa kanya kaninang umaga.

Habang nagmamadali siyang naglalakad papuntang registrars office ay di niya alintana na nagkukumahog din sa paghabol si Drew sa kanya.Matagal-tagal din kasi silang di nagkita sa dahilan na ngang malapit na silang magtapos.Nitong araw lang niya ulit itong nakausap ng harapan.

" Patricia, wait for me!"

Napalingon naman siya bigla.

" Oh dude, tapos mo na bang masubmit lahat ng kailangan ng registrar balita ko'y nagkaproblema daw sa records nyo." imporma nya rito habang patuloy pa ring naglalakad.

" Ayy oo pero naayos na heto nga't magsasubmit na nga ako ng papers ko.Ikaw rin ba?" tanong nito.

" Oo.Ngayon ko nga lang nakumpleto lahat matagal kasi nagbigay ng grades yung isang prof ko."

" Yan talaga ang laging dahilan kaya natatagalan yung ibang student sa pagsubmit." napapalingo na turan nito.

"Sinabi mo pa."natatawang tugon naman niya.

Habang pumipila na sila ay naging abala siya sa paghahanap ng documentary stamp niya na nasa loob ng bag nang biglang nagsalita na naman ito ulit.

" Ahm ...Patty do you have plans already after the graduation?"

" Ahh wala pa naman.Bakit?"

Nag-aatubili pa itong sumagot sa kanya na wari may inisip pa.

" Bakit nga?" pangungulit niyang sabi habang abala pa rin sa paghalughog sa bag niya.

"Kasi... kasi I have plans na to proposed na kay Ally."

Biglang tumigil ang kanyang mundo ng oras na yun.Yung tila ba nawala lahat ng lakas niya at nilipad na lang kung saan.

" A-are you talking about
M-MARRIAGE?ENGAGEMENT?FIANCE?" sunod-sunod at pautal-utal na tanong niya rito.Hindi niya nga alam kung saan nanggaling pa ang boses niya.Kasi pakiramdam niya  parang namamaos siya at nanghihina.

Sino ba naman kasi ang hindi?Huh?Kasal?Anong tingin niya dito porke't mahal mo ang isang tao papakasalan agad.Kasiguraduhan na bang matatawag kung may " KAYO"  sa loob lamang ng ilang buwan. Siguro di dapat sukatin ang oras o buwan kung kailan naging "KAYO". But what the heck! if his talking or planning about marriage with that girl.Siguro  masyado pang maaga para doon. Ang sakit na ngang isipin na mayroong
"sila" lalo na't mas magiging masakit kong mayroon na talaga silang matatawag na kanilang " pamilya".

" Yes. Why not? I love her and I'm so excited with the idea that I can start my future already with her." madamdaming paliwanag nito sa kanya.

Really? But how can he assures that Ally was also thinking about his idea.Paano kung masasaktan lang siya sa bandang huli What if she will reject him.

'Hoy Patricia maghunusdili ka.alam ko yang iniisip mo.Bakit if nireject siya susunggaban mo? Sasaluhin mo? wag ka ngang tanga ,siguro that will be the last thing that Drew will ever do to his life. Ang gawin kang panakip butas at patulan ka dahil definitely and surely you will and ever will be his great best friend.You should remember that.' saway ng isipan niya.

" A-Ang sa akin lang n-naman dude eh masyado pa atang maaga p-para dyan sa bagay na yan.I-iyong kasal kasi di yan pang agaran tulad ng pagsyosyota na kung gusto mo go!but kung ayaw mo na then you will let go.Di ba investment yan na dapat sure ka na kahit may ups and downs.Ika nga through sickness and in health.For richer and poorer dapat kayong magkasama. K-kaya payong kaibigan lang makailan mo sanang iisipin kasi ang pag-aasawa di madali." mahabang paliwanagan ang ginawa niya bago ulit tinalikuran ito at diretsyo nang naglakad sa window dahil siya na ang sunod sa pila.

" Basta Patty pag kailangan ko ng tulong tungkol sa bagay na ito.Tatawagan kita ha." sabi ni Drew sa kanyang likuran na hindi na lang niya nilingon dahil ramdam na niyang namamanhid na ang buong katawan niya sa pangyayaring iyon.

Halos matatapos na ang araw pero ang isipan niya ay patuloy pa ring nag-iisip sa kung anong mangyayari.Ba't ba kasi sa lahat ng dapat sabihin at maisip nung isang iyon ay 'yun pa talaga.

'Hay buhay para talagang life'ani nang isipan niya bago umuwi na't lumabas ng unibersidad.

-----------------------------
A/N: Salamat po sa mga nagbabasa nitong story ko nagulat na lang po ako't 1k+ na pala. Napapasaya nyo po ako ng sobra kahit baguhan pa po akong magsulat pero salamat dahil naglaan po kayo ng oras at panahon para subaybayan pa po ang kwento nina Drew at Patty.Ngayon po sa chapter na ito magsisimula na ang mga rebelasyon na di nyo aasahan.Happy reading!!!

Your VOTES and COMMENTS were really my inspiration.😘😘😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon