Chapter 14

38 2 1
                                    

Drew's POV

" What are you doing here Patricia?"umiiyak pa na tanong niya sa babaeng nakatayo ngayon sa kanyang harapan.Nakakakita kung gaano siya kamiserable.

" Tumayo ka dyan." utos nito habang nakatigtig sa kanya ng seryoso .

Ewan ko ba't sa halip na sundin ang utos nito ay tila di ko magawa.Ako'y nanghihina. Hinang-hina ni ultimo ang huminga ay gusto ko ng tigilan.Ang sakit ng dibdib ko. I got my greatest rejection in life coming from the woman that I really loved for the longest time.Siguro iniisip na siguro ng kaharap ko na ang tigas tigas talaga ng ulo ko.Pinagsabihan na't pag-isipan ng mabuti dahil di basta-basta ang gagawin ko pero heto nga't sumige pa rin.

"Just leave me." balik utos niya naman rito at napaiyak ulit ako.

"Para saan?Para maglupasay kang mag-iiyak dyan? Mahal mo si Althea di ba? Ba't di mo hinabol?Bakit mas pinili mong lumuhod at tingnan lamang siyang lumayo sayo? Bakit hinayaan mo siyang lumayo sayo na di mo man alam ang tunay na dahilan kung bakit? Ganyan ka ba magmahal? Agad-agad ka lang susuko.Putcha ang duwag mo naman!" napapadyak pang alintana nito sa kanya.

Bigla niya itong tiningnan.Nagulat na lang siyang makita ang umiiyak na nitong mga mata.Bigla siyang natauhan at tumayo.Napahinto siya sa pag-iyak at agad hinaplos ang mga pisngi nitong napuno na sa mga sagana nitong luha.

Napapangiti na lang siya sa inaasta ng naturang kaibigan.

" O ba't ka umiiyak.Wag ka  na nga umiyak.Alam mo namang ayaw kitang nakikitang ganito." dali-daling pinahid niya ang mga luhang  nag uunahang tumulo sa mga mata nito.

" Huy tama na."

Ngunit sa halip na tumahan ay humagulhol pa ito ng labis.

" Ikaw kasi eh ang tanga tanga mo.Di ba sabi ko sayo wag muna.Ang tanga tanga mong engot ka.Sino bang babae ang tatanggap ng ganyang proposal pagkatapos pa lang nilang grumuwadweyt."  pahikbing sabi nito.

This woman really amazed him.Kahit tibo man itong tingnan na ni animo'y walang kaartehan sa katawan pero kung magsasalita na't hayun na't punong-puno ng nilalaman.

" S-Sorry na, alam mo namang matigas lang talaga ang ulo nitong bestfriend mo.Nagmahal lang.Masama bang pakasalan at isipin na magkaroon ng future sa aking minamahal." nasasaktang sabi niya habang di maiwasang mamasa ang kanyang mga mata.He still hurt.Really hurt ngunit tinitibayan lang niya.

She's still sobbing.

"Wui, tahan na.Ito naman oh akala mo ikaw ang nareject at nawalan."

" Ikaw kasi eh, t-tingnan mo tuloy nasira na ang make up ko." naiiyak ulit na sabi nito.

" Kaya nga tahan na.Okay na ako.Dapat masaya tayo diba.Graduation natin di ba." pampasiglang sabi niya at tsaka niya niyakap ito.

It was the least thing he can do for himself and she really eased the pain that he was feeling at that moment.

" Thank you for coming." he whispered in her ear.

--------------------------------

HAPPY READING😊

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon