Chapter 15

28 1 0
                                    

AFTER 6 MONTHS...

Kanina pa hawak-hawak ni Patricia ang cellphone nya habang nasa conference hall.Di niya mapigilan ang sarili na di mapakali habang nagpipindot sa keypad nito at paulit-ulit na pagtawag sa lalaking kanina pa gumugulo sa huwisyo nya.Paano ba naman kasi kanina ay nagtext itong kailangan daw siya nito ngunit dahil naka-silent ang cellphone niya during the meeting ay di niya ito nareplyan agad. Nag-aalala siya rito ngayon dahil parating bukam-bibig nito ay ang dating ex nitong si Ally for almost a month already. Noong nakaraang araw nga ay nasundo na lang niya ito sa isang bar sa Ortigas dahil lango sa alak. She was really hurt while looking at him lying on the bar.Minsan naman napapadpad na lang sa unit niya na lasing na lasing Napag-alaman niya kasing sinusuyo ulit nito ang dating girlfriend,sinusuyo para magkabalikan ang mga ito.

Napukaw ang atensiyon niya ng biglang may tumawag sa kanyang likuran.

"Ma'am Patricia,magsisimula na po ang open session sa mga upcoming projects." imporma ng secretary

"Okay I'm coming.Just a minute." she replied back.

'IF YOU READ THIS,PLEASE CALL ME.ASAP.'

Agad-agad niyang sinend ang message sa lalaki bago pumasok.

Gabi na nang matapos ni Patricia basahin ang lahat ng mga napag-usapan kanina sa meeting.Maraming siyang dapat irebisa na mga suggestions under their firm. Ramdam na ramdam na niya ang antok pagkatapos niyang mag freshen up.Gustong gusto nang pumikit ng nga mata niya.Nang makahiga ay agad din naman siyang nakatulog ngunit di pa nga nakakalipas ang higit isang oras sa pagkakatulog ay may naglakas loob na sunod-sunod na pagkakakatok ang gumising sa ulirat niya mula sa kanyang pagkakatulog. Di niya lubos maisip kung sino kayang poncio pilato ang naglakas loob na bulabugin siya sa ganitong oras.

"Teka nga, sandali lang." aniya habang itinatali ang kanyang roba. Tiyempong pagkabukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang miserableng mukha ng lalaking minahal na ata niya for almost six years mula nang makilala niya ito.

'Oh,oh not again' ani niya sa sarili

"Patty." ani nito at agad dumaosdos sa kanya.

"Hoy, teka Drew tumayo ka nga .Hindi kita kayang buhatin." Himutok niya rito habang sapilitang itinatayo at sinimulang akayin sa kanyang sofa.

"Mahiga ka muna jan' at kukuha lang muna ako ng maligamgam na tubig at bimpo." ani niya rito.Pagkabalik niya ay agad niya itong pinunasan at agad ring naglintana.

"Ano na namang nangyari sa'yo at nagkaganito ka na naman?" tanong niya rito habang ito'y nakapikit.

"Si Ally kasi naki..." hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil inunahan na niya ito.

"Yan si Ally na naman na nakita mong may ibang lalaki kasama. Putcha naman Drew can't you just wake up ang move on. Kailan mo pa matatanggap na ayaw na sa'yo ni Ally." galit na sabi niya rito.

"You're almost like this for a month already, di ka pa ba nagsasawa?" saad niya habang padaskol na pinupunasan ang mukha nito.

"Ikaw Patty, n-nagsasawa ka na bang alagaan ako?" tanong nito sa kanya while she can really see the sadness written all over his face ngunit nakapikit pa rin ang mga mata.

"T-Talaga bang tinatanong mo ko niyan Drew, eh tuwing nagkakaganito ka ay dito ka palagi napapadpad sa condo ko. Sa tingin mo sinong di magsasawa nun, pero yun nga lang kahit magreklamo ako ay wala namang mangyayari, diba?" Kasi hanggang ngayon ay. . ." hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil umalingawngaw na ang paghihilik nito na palatandaan na nakatulog na.

'Iyan, diyan ka magaling ang tulugan ako.Pero pasalamat ka dude,di kita kayang tikisin'

Kinumutan na niya ito at hinimas ang medyo nagulong buhok. Hindi niya maiwasang titigan na naman ang maamo nitong mukha habang natutulog.

Bukas kailangan na niyang tuldukan ang kahibangan nito. Puwes di naman sila bumabata sa isip niya tama na ang panahon para sa kanyang desisyon.May he take it or not she's willing to take the damage kaysa naman makita niya itong parating ganito. Malalalim na buntung hinga ang pinakawalan muna niya bago tinalunton ang kwarto niya para matulog.

'It will maybe crashed me down but I'm willing to take the chance."  sabi niya bago tuluyang ipinikit ang mga pagod na mga mata.

----------------------------
Salamat sa pag-aantay.Nadepressed kasi si Author.Pero anyways pagsusumikapan kong makapag-update.

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon