Chapter 11

47 2 3
                                    

"Stop it." naaiiritang saway niya kay Drew.

Gigil na gigil na siyang pukpukin ang ulo nito sa katigasan nito ngayon.Kanina pa siya iniinis nito habang abala siya sa pagsusulat ng draft ng isusumite niyang proposal project. Naguguluhan nga siya kung bakit nakadikit pa rin ito sa kanya kahit may girlfriend na ito ngayon. Matapos ng nakakahiyang paglalasing niya ay iniwasan niya ito ng halos dalawang linggo.Oo dalawang linggo nga siyang di maka move on pero dahil rin sa sadyang makulit ang kaibigan ay di nito natiis na di sila mag-usap. Pinuntahan talaga siya nito sa bahay nila. Noong una ayaw pa niya itong kausapin dahil sa nasasaktan siyang isipin na taken na ito at pangalawa pa'y nahihiya siya sa pagkakababae niya. Pero anyways mahaba pa rin ang buhok ko. Siya pa rin ang nagwagi at sinuyo niya daig pa nga niya ang girlfriend.

" Kain na kasi tayo.Kanina ka pa nakayuko diyan.Eh samantalang mag aala-una na ng hapon." napipikon na ring lintana nito.

" Ba't ba kasi ang engot mo? Kung gutom ka na yayain mo ang girlfriend mo.Himas ka ng himas sa tenga ko." padabog na sabi niya at itinuon na lang ulit ang pansin sa ginagawa.

" Porke't ba may girlfriend di na ba pwede makasamang kumain si bestfriend?"

" Ayy lechugas. Wag ka ngang paawa epek jan. Doon ka na sa Ally mo dahil may ginagawa ako." malapit na talaga siyang magalit dito konting-konti na lang. Patawarin nawa siya ni Papa Jesus kung makabitiw pa man siya ngayon ng di maganda.

" Teka bakit ba ang init ng ulo mo? Mayroon ka ba?"

Thats it, he definitely hit it. Binitiwan niya ang ballpen at tumayo.Naalarma ito ng makitang pulang-pula na ang mukha niya sa galit.

" Oy oy teka. Alam ko na kung anong gagawin. Sige ka h-hinding hindi na t" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pinagpapalo na niya ito ng notebook at ano ano pa.Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng ilang mga estudyanteng napapadaan sa bench. Galit siya ngayon sa lalaking ito.Gustong gusto niyang kalbuhin at kalmutin ang pagmumukha nito dahil sa inis.

" aray...aray...ano ba stop!stop!" sabi nito habang umiilag sa mga hampas at batok niya.Nang makakita ng tiyempo ay agad nitong hinablot ang bag at agad tumakbo palayo sa kanya.

" Psshh... " sabi nito habang inaayos ang nagusot na damit at nagulong buhok.

" Topakin ka talaga Patricia.Pero sige lang papalampasin lang kita. Sige una na ako kung ayaw mong kumain bahala ka." pasigaw nito sa kanya.

" Evaporate." pasigaw rin na balik niya sa nakatalikod nitong pigura papalayo sa kanya.Inayos rin niya ang sarili at ang mga gamit na nalaglag sa sahig.

Inabala na niya ulit ang sarili sa pagsusulat at pagtatapos sa mga kulang pa sa kanyang ipapasa sa major subject niya.Nang muntik na niyang matapos ang ginagawa ay may biglang tumawag sa kanya.

" Patty, may pinabibigay pala sa'yo." sabi ng isang kaklase niya. Nagtatakang inabot naman niya ang isang supot ng kilalang fast foodchain.

" Salamat."

Ngiting tugon lang ang natanggap niya mula rito.Agad namang kumulo ang kanyang tiyan ng maamoy ang pagkain sa loob ng supot agad niya iyong kinuha ngunit laking gulat niya ng may sulat na nalaglag.Pinulot niya ito at binasa.

'Dude kain ka nang marami.Wag ka nang galit. 😊'

Hindi niya napigilan na mapangiti at sinimulan ng kainin ang dala nito.

" Hay nako Drew ang sakit mo talaga sa heart." ani ng isipan niya.

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon