Chapter 9

49 4 0
                                    

Mabigat ang pakiramdam at masyadong masakit ang ulo niya iyon agad ang unang pumasok sa utak ni Patricia pagkagising niya.Sigurado siyang iyon ang tinatawag na hang over ng ilan. Pero nang maimulat na niya ng tuluyan ang mga mata saka lang niya napagtanto na hindi pamilyar sa kanya ang naturang silid. Masyadong panlalaki ang dating. Amoy lalaki rin ang paligid.Nang makapag-adjust at tumatak sa isipan ang salitang lalaki ay agad niyang tiningnan ang sarili sa ilalim ng kumot.

"Shet,bakit iba na ang damit ko!" litong lito siyang napapakamot sa ulo at pilit inaalala ang nangyari kagabi.

Ngunit bigla na lamang may dumantay sa hita niya't naging sanhi ng kanyang pagsigaw. Pero ang isinukli naman ng naturang tao'y isang malakas na hambalos ng unan sa kanyang ulo.

"What the hell, sino ka?Anong ginawa mo sa akin?Rapist  ka ba?Kidnapper?Drug Lord?Sadista?Add...." Naputol ang pagiging aligaga niya ng bumangon ang naturang taong katabi nya sa kama.

"What the f*ck is wrong with you,woman?" lutong na lutong na sabi nito sa kanya na may busangot na mukha at nag-aabot na kilay.

Gulat na gulat siyang masilayan ang mukha ng lalaking kagabi pa niyang iniisip at pinagluluksaan.Ang lalaking naging dahilan ng kung  bakit nasayaran ng alak ang lalamunan niya for the first time.Ang lalaking una niyang pinaglaanan ng atensyon. At ang una't huling lalaking mamahalin na ata niya sa buong buhay niya.But what the heck anong ginagawa nito ngayon sa tabi niya.Bakit magkatabi silang natulog at magkatabi ring nagising.Dahil sa sobrang pagtataka at pag-iisip na wala naman siyang maapuhap na kasagutan sa lahat ng tanong sa isipan ay bigla na lamang niyang hinawakan ang unan at hinambalos din sa mukha nito.Gigil na gigil siya dito.Hinampas ng hinampas niya ito ng sobrang lakas dahil sa di maipaliwanag na emosyon na kanyang nararamdaman sa puntong iyon. Siguro pagkakataon na niya iyon para maipalabas ang lahat ng hinanakit at frustrations kahit ngayon lang.Kahit sa pamamagitan lang ng paghambalos.Ngunit natauhan lamang siya ng daganan siya ng naturang lalaki at sigawan.

"Ano ba?Nakakasakit ka na ha.Alam mo napipikon na ako sa'yo kagabi ka pa.Ano bang problema mo't nagkakaganyan ka?" Pulang pula ang mukhang sabi nito sa kanya.

Natameme na lang siya, di dahil sa sigaw nito kundi dahil sa tanong nito sa kanya.Pwede niya bang sabihin na ito ang problema niya.Pwede niya bang sabihin dito na dahil mahal niya ito kaya siya naglasing.Pwede niya kayang  sabihin na sana siya na lang ang mahalin nito at huwag si Ally.Kasi putcha naman eh may nakauna na.May nakakuha na  ng puso niya at ang mas masakit hindi siya iyon kundi ibang babae.

" Oh ano natameme ka. Alam mo pasalamat ka bestfriend kita kung hindi baka nakatikim ka na sa akin.Kagabi pa ako walang tulog sayo dahil suka ka ng suka. Ayaw mo agad matulog.Kapag nasa kama naman palagi kang nahuhulog.Sana ha kung di mo kayang maglasing wag mong gawin.Kasi Patricia sobrang nakakahiya ka I swear." Mahabang lintana nito saka binitiwan siya at bumangon na ng kama.

Hindi naman siya nagpatalo rito agad naman niyang sinagot ito.

"Bakit sino ba ang may sabing alagaan mo ko at dalhin ako rito sa bahay mo.Hindi naman ikaw ang kasama ko ha."

"Oh yes, so you're talking about "kasama".Pasensya na ha kasi iyang sinasabi mong kasama ay nagpatulong lang naman kasi sa akin na iuwi ka dahil ayaw managot sa pagkakalasing mo.At pasensya na rin ha dahil dinala kita rito sa condo ko na sinukahan mo lang naman at pinagkalat mo ang mga gamit kong wala namang ginawa sa iyo." lintana nito saka sabay lakad papuntang pinto.Napaliksi na lang siya sa lakas ng pagkakasarado nito.

"So kasalanan ko talaga.Putragis naman kasi itong si Yuri may paanyaya pa kasing nalalaman.Iiwan rin pala siya sa ere." himutok niya sa sarili at tumayo na rin sa kama.Tinalunton niya ang daan palabas ng kwarto at naghanap ng kusina dahil sa totoo lang gutom na gutom na siya.Bigla na lang siyang napahiya dahil bumungad sa kanya si Drew na naglalagay ng plato.

"Sit." walang lingon lingong utos nito.

"Oh akala ko ba galit siya sa akin?" takang-takang tanong niya ngunit umupo rin.

Agad rin namang umupo ang lalaki at nagsalin ng juice sa baso nito.Piling-pili ang bawat kilos niya habang kumukuha  ng pagkain sa hapag.Minsan ding sinusulyapan at pinapakiramdaman niya ang katapat.Wala itong kaemo emosyon habang prenteng nakaupo at sumusubo ng pagkain. Galit nga ito.Iyon ang nasisigurado niya.Minsan lang ito magtampo at magalit sa kanya pero sa puntong iyon ay iba. Pagkatapos kanina ito'y biglang nag iba. Pero kita pa rin ang pagiging maalagaain nito.

"Stop staring.Hindi siya nakakatuwa." pukaw nito sa kanya.Bigla siyang napahiya kaya tumungo na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpresenta siyang siya na lang ang maghuhugas.Wala naman itong kagatol-gatol na nagsalita.

"Okay suit yourself." sabay talikod.

"Suit yourself...suit yourself." panggagaya niya habang sinasabunan ang baso.

"Pektusan kita jan eh.Ba't siya magagalit eh sa totoo namang hindi ko kailangan ang tulong niya ha.Bakit ako ba ang nagpatawag sa kanya.Sinabi ko bang siya ang mag uwi sa akin.At saka dapat sana ako iyong magalit sa kanya dahil inindian niya para lang manligaw sa ibang babae.Grabe ha,ako na nga yung brokenhearted,ako pa ang may kasalanan." himutok niya.Dali-dali niyang tinapos ang ginagawa at saka hinanap ang mga damit at gamit niya.Hinanap niya rin si Drew para pormal na magpaalam.Natagpuan niya ito sa terrace na may kausap sa cellphone.

"D-Drew una nako.Salamat sa pagsagip at sa breakfast."

Biglang ibinaba nito ang cellphone at nagsalita.

" Ihahatid na kita.Hintayin mo  lang ako sandali."

"Ay eh wag na baka masyado na kitang naabala."

"Patricia pag-aawayan na naman ba natin ito?" seryosong sabi nito.

" Eh kasi baka..."

"Hintayin mo lang ako."
Wala na lang siyang nagawa at hinintay na nga lang ito sa may sofa.Ngunit naging alerto din siya kung sino ang kausap nito at iyon na nga at walang iba kundi si Ally.

Ilang minuto rin saka ito natapos at lumarga na sila pauwi sa kanila.Pansin niyang tahimik pa rin ito kaya siya na ang unang nagbukas ng usapan.

Sinimulan muna nya sa paubo ubo bago ibinuka ang mga bibig para magsalita.Natetense kasi siya sa paraan ng pagiging walang imik nito.

"D-Dude, ahm g-galit ka pa ba sa akin?"

Medyo natagalan bago ito sumagot.

"Kung sabihin ko sayong oo.May mababago ba?" seryosong ani nito sabay liko ng sasakyan.

" A-alam ko naman na ginalit kita kagabi dahil sa lasing ako pero yun lang kasing d-dumantay ka kanina sa ka-kama di ko n-napigilang mag-hysterical."pagsisinungaling niyang paliwanag.

Bigla na lang itong napahinto na naging sanhi ng pagkasubsob nya ng muntikan sa dashboard.

"Anak ng...ba't ba ganito ito pag nabibigla."

" What the heck was that ?Akala mo ba galit ako sayo dahil sa pinaghahampas mo ako ng unan  kanina o dahil sa naglasing ka kagabi.That' s bullshit Patty! I'm so worried about you yesterday because I thought nagalit ka na sa akin dahil nahuli ako ng dating sa usapan natin but the hell I was there.Pumunta ako pero wala na akong nadatnan kaya umuwi na ako.Nang tumawag ako sayo nalaman ko na lang na lasing na lasing ka na.At iyon na nga tinulungan kita at pinatulog pero nung malapit na tayong makauwi sasabihin mo sa akin na you hate me.You really hate me that you want me to rot in hell.Nasaan ang hustisya doon Patty?" Galit na galit na lintana nito.

Sa sinabi nito doon na bumuhos ang kanyang alaala kagabi.

--------------------------------

You're votes and comments are highly appreciated. Happy reading!

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon