Chapter 8

57 2 0
                                    

Drew's POV

Ang ganda ng araw ko ngayon.Sinagot na ako ni Ally.Hindi ko malaman kung anong gagawin kanina sa sobrang nerbiyos pati kamay ko nga pinagpapawisan.Sa sobrang lutang ng pakiramdam ko nakalimutan ko tuloy si Dude.Teka nasaan na kaya 'yung babaeng iyon.Hindi naman kaya nagtampo na 'yun sa akin.Sobrang hirap pa man kaya nun suyuin kailangan ko pang punuin ang ref nun ng sangkaterbang toblerone.Naku butas na naman 'yung bulsa ko 'pag nagkaganoon.Pero di bale atleast may magandang balita naman ako sa kanya.Teka matawagan ko nga.

"Hello?"

"Dude,asan ka may ibabalita ako sa iyo."

"Ahm,Excuse me?"

Nabigla siya sa tono ng kausap.Kaya tuloy hindi niya napigilan na magsungit.

"Wait, who are you?Nasaan si Patricia?Bakit na sa iyo ang cellphone niya?"

Sunod-sunod na ang pagtatanong niya rito.Hindi siya agad napalagay baka kasi napano na ang matalik niyang kaibigan.

"I'm her friend and to answer your question.She passed out.Nandito kami sa Redrocks ngayon.Pwede mo ba siyang kunin at ihatid sa kanila?"

"What?Bakit siya naglasing?"

Nawindang na lang siya sa sinabi nito. Ang laki ng pagtataka niya sapagkat kailanman hindi niya nakitang uminom ang naturang babae.Tiyak malilintikan ito ng mga magulang nito kapag nalaman nilang nagpakalasing ito.

"Actually niyaya ko to para magcelebrate kaso may pinagdadaanan ata.So ano na?susunduin mo ba o hindi?"

"Okay I'm coming.Just give me 15 minutes malapit lang ako jan." saad niya sa babae at saka dali-dali lumabas ng bahay.Hindi na nga niya pinatapos sa pagsasalita ang babae dahil binabaan na niya ito.

Habang nagmamaneho pilit hinahalungkat niya sa kanyang isipan ang dahilan kung bakit nagpakalango sa alak ang kaibigan.Wala naman itong nobyo na pwedeng paglasingan niya ng ganito. Panigurado hindi rin dahil sa pag-aaral dahil magtatapos naman nga ito ng magna cum laude.Napapailing na lang siya sa di malamang dahilan.

"Teka? hindi naman kaya, may tinitibok na ang puso ng naturang kaibigan?At baka, nalaman nitong hindi siya gusto ng gusto niya?"

Napapalo na lang siya sa manibela ng sasakyan sa naisip.

"Nunca,magiging puti na lang siguro ang uwak bago pa maging babae ang bestfriend ko at mahulog ang puso nito sa kabaro ko." napapalatak na turan niya sa sarili.

Nang matanaw na niya ang Redrocks agad siyang naghanap ng mapagparkingan ng kanyang sasakyan.Hindi rin siya agad pinapasok ng bouncer dahil kailangan daw ng entrance fee na 300 pesos . Agad naman siyang nagbayad kahit sinabi na niyang may kukunin lang siya.Pagpasok niya sa naturang club, hinanap agad ng kanyang mga mata ang babaeng nagpapasakit ngayon ng ulo niya dahil sa pag-aalala.

"Patricia?" himas niya sa buhok ng babaeng nakatungo na sa mesa.Kitang kita niya ang ilang boteng naubos nito.

"Damn!ang dami naman ata ng nainom nito." padaskol na saad niya sa kasama nitong babae.

"Ah-eh kaya nga.Mabuti at tumawag ka kanina.Hindi ko na nga malaman kung ano ang sasabihin ko pag-uwi namin. At isa pa mabigat pa yang bruhilditang iyan.Di ko kayang pasanin papuntang labasan.So okay lang ba na ikaw na ang bahala sa kanya.Maa-out way rin kasi ako pag ihahatid ko pa siya unless sa bahay ko nalang siya patutulugin." mahabang lintana ng babae sa kanya.

"Okay lang.Ako ng bahala sa isang ito pakitulungan nalang akong magdala ng bag niya sa kotse ko." Sabi niya rito saka hinay hinay niyang binuhat ang kaibigan na balak pa atang malumpasay sa sahig.

"hanu bah gustoh ko nah matulog!" iwas ni Patricia sa pagkakahawak niya.

"Hey,hey easy.Oo na uuwi na tayo.Huwag ka ngang magulo.Ang bigat mo kaya."  nagtitimping saad niya habang mahigpit na hinawakan ng kanyang kamay ang mga hita nito na animo'y bagong kasal sila na papalabas ng club.

"Ikaw na magbayad miss!" dali-daling utos niya sa babae na agad naman nitong ginawa.

Nang marating na nila ang kotse dahan-dahan niyang inilapag si Patricia sa passenger seat at maayos na kinabitan ng seatbelt bago pa mapasubsob ito sa dashboard ng sasakyan.Patungo-tungo na kasi ang ulo na pawang electrifan kung gumalaw. Nagpasalamat na rin siya sa kaibigan nito bago sumakay at pinsibad na ang kanyang kotse.Nang nasa Ortigas highway na sila napagdesisyunan niyang sa condo na lang niya ito patuluyin kaysa naman magisa siya sa sariling pamamahay nito ng wala sa oras.Biglang bumalik ang isip niya sa katabi ng bigla itong umungol.

"Hey Patty?Malapit na tayo.Huwag kang magbabalak na sukahan 'tong kotse ko kundi malilintikan ka sa akin. At saka..." banta niya.

Pero hindi pa man natatapos ang sasabihin niya parang bibigay na ang sikmura nito kung kaya't dali-dali niyang hininto ang kotse sa may gilid ng highway at binuksan ang pinto.Tinulak niya ang ulo ng babae paharap sa labas upang doon magpalabas ng suka nito.Nang mahimasmasan ay pinahiran niya ang bibig nito ng panyo niya saka pinainom ng tubig.Napansin niyang tila iniiwas nito ang mukha ng mamukhaan siya.

" Anong problema nito?" tanong niya sa isipan at pinagpatuloy ang pagpahid ng panyo.

Bigla na lang siyang natigalgal sa binitiwan nitong salita na hindi niya alam kung bakit nasasakatan siya ng todo.

"I hate you Drew!"

And she passed out again.

____________________________
A/N:
"When it comes to being happy, there's no right or wrong. It's just a battle between your happiness & THEIR JUDGMENT." Thank you po sa pagvote at pagbabasa ng story ko. Actually matagal ko nang tinigilan ang pag update ng story pero ng buksan ko ulit ang account naging masaya po ako dahil may mga tao po palang nakakapansin at nagpatuloy pa ring nagbabasa.Sa nagcomment salamat dahil binuhay niyo po uli ang kakayahan kong magsulat ng kwento.Salamat dahil nagtiwala kayo at patuloy na sumusubaybay ng storyang ito.Aasahan niyo po ang ilang rebelasyon sa buhay nila Drew at Patty.Godbless po and happy reading!!!

Friendship often ends in Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon