Umalis
by: korningmaisIkaw man ay nawala
Sa puso ko'y nakatala
Ikaw man ay magtagal
Ako'y patuloy na susugalAlam kong magbabalik
Kapag wala na ang sakit
Dulot mo man ay luha
Ngunit dahilan mo'y mahalagaSanhi ng labis na kalungkutan
Na pilit mong iniiwasan
Iyo na ngang tinakbuhan
Ngunit patuloy kang inaasamUmalis ka man, maglaho ka man
Andito lang ako nagmamanman
Bigyan ka ng gaan ng kalooban
Upang 'di ka na patuloy na masaktanHinihiling sa mga bituin
Na panalangin ko ay dinggin
Sana ikaw ay muling makita
Lumitaw sa gitna ng putik
Dala ang iyong mga titik---------------
On the spot. Napahugot ako ng mag-hiatus (not sure sa spelling) si kib.