MALANDING UGNAYAN

34 1 0
                                    

Malanding Ugnayan
by: korningmais

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan
Mula sa munti at papalaki kong katangahan
Ako ba ay talagang may aasahan?
Sabi mo ako ay iyong gusto
Pero bakit hindi na natuto?
Paulit-ulit ko na 'yang narinig na sinambit
Pero bakit hindi ko magawang magalit?
Lagi akong naloloko
Tinatanggap ang matatamis na salita mo
Mga hawak mong kaysarap sa pandama

Hindi ko alam, hindi ko alam
Saan ba ako dapat lumugar?
Pero bakit sa tuwing tatabi ako sa'yo pakiramdam ko wala akong karapatan sa'yo
Dahil nga wala namang 'tayo'
Hanggang dito lang ba talaga ang ikaw at ako?
Hindi ba pwede ang salitang 'tayo'?
Landian? Landian lang ba talaga?
Parehas ba talaga tayo ng nadarama?
O ako lang ang sa atin ay umaasa?
Dahil sa binigay mong motibo at pag-asa.

Ang hirap nga pala talaga
Ang hirap ng hindi mo alam kung ano 'kayo'
Sabi nila ayos lang na parang tayo kahit hindi
kaysa tayo pero parang hindi
Nakakalito, nakakalito 'yon

Sa tuwing nakikita kita na may kasamang iba
Sa loob-loob ko'y may sumisibol bigla
Gusto kong magalit, pero sino ba ako?
Isa lang naman akong kalandian mo
Na walang karapatan sa'yo
Gusto ko, gustong-gusto ko na magkaroon ng tayo
Pero ang mga kataga mo ang
bumasag sa mundo ko
"Hindi pa akong handang pumasok sa relasyon, sana manatili na lang muna tayong ganito"
Ako'y nasaktan
Pero 'di ba nga?
Wala naman akong karapatan
Isa lamang akong pansamantalang kasiyahan

Naakit na naman ako sa mga salitang kay tamis
Mula sa mga lalaking walang kasing lupit
Mga karanasang kay pait
Na ayaw ko nang maulit
Paulit-ulit na sinasambit
Di na 'ko muling iibig
Di na ako muling papasok sa masalimuot na relasyon
At walang kasiguraduhan sa paglaon
Ang gulo ng ikaw at ako
Hindi ko na alam kung saan tutungo
Ang kung anuman ang mayroon tayo
Minsan napapaisip na rin ako
Bakit ako pumayag sa ganito?
'Yong set-up natin na magseselos ka dahil may kachat akong iba
Gano'n din naman ako
Pero ang hirap pa rin
Kasi kahit anong pilit ko
Hindi ko maintindihan
Hindi ko maintindihan kung may patutunguhan pa ba ang kung anong mayroon tayo
Kung sa bandang dulo, handa ka na ba?
Handa ka na bang maging ikaw at ako
Makabuo ng salitang tayo?

Minsan napapasobra na ata ako sa paghigpit sa'yo
Pero ano namang karapatan ko na hawakan ang mga kamay mo
At ikulong ka sa mga bisig ko?
Kung ang puso mo ay hindi ko makuha ng buo

Hindi ko gustong magduda
Pero anong magagawa ko?
Nanghihina ako tuwing maaalala ko na hindi ka pa handang pumasok sa relasyon
Gusto kong ako muli ang maging dahilan noon
Pero anong nangyayari sa atin ngayon?

Hindi ko naman hinihingi na unahin mo ako
Dahil hindi naman tayo
Pero sana kasama naman ako sa priority mo
Tulad ng sinabi mo
Sinabi mo na sana totoo
Dahil ayaw ko nang muling maging uto-uto
Sana ay ito na ang huling pagkakaton

Hindi ko alam kung paano ko 'to tatapusin
Tulad ng gusto kong pagtapos sa anumang mayroon tayo ngayon
Dahil pagod na ako
Pagod na akong masaktan
Pagod na akong umiyak
Pagod na akong maloko
Pagod na ako
Pagod na ako
Tatapusin ko na ang tulang ito
Tulad ng pagtapos ko sa malanding ugnayang mayroon tayo.

Masakit PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon