LUHA

43 3 0
                                    

LUHA
by: korningmais

Dahan-dahang pumapatak, tila pawis na tumatagtak
Tubig na wari mo ay nagmula sa talon
Tuloy-tuloy na agos at walang pagtigil
Tuloy-tuloy na sakit, 'di na alam kung paano titigil

Ako'y muli na namang sumugal
Ngunit ako ang natigagal
Akala ko sa pagkakataong ito
Totoo na ang makatagpo ko

Bawat hakbang ay siya ring paglaglag
Luhang patuloy kong pinipigilan
Ngunit paano ko ba ito mapipigilan?
Kung maging ang aking puso ay hindi ko nahadlangan para hindi na muling masaktan

--------------
Korni na nga mema pa. Kaiyaq b3h.

Masakit PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon