Malanding Umaasa

9 0 0
                                    

MALANDING UMAASA
by: korningmais

Heto na naman ako nagmumukmok sa isang tabi
Umaasa na sana ikaw ay makatabi
Ngunit alam kong impossible
Dahil alam ko sa sarili ko na may ibang tinitibok ang puso mo
Ang sakit, sobrang sakit para sa akin nito


Luhaan na ang aking mata
Bigat ng aking nadarama
Para akong tinutusok
Para akong pinapatay
Hindi kita magawang kausapin
Andito lang ako sa malayo habang tinatanaw kang lumakad papalayo
Hawak mo ang kanyang kamay
Makikita sa'yong mga mata ang labis na pagmamahal mo sa kanya

Hindi ko ginustong umasa sa'yo
Ngunit sa bawat pag-ikot ng aking mundo
Mukha mo ang nakikita ko
Alaala ng mga salitang binitiwan mo
Umaasa ako, patuloy ito
Pero anong magagawa ko?
Mahal kita, 'yon ang totoo

Pwede bang kapag wala na kayo, ako naman?
Pwede bang ako na lang d'yan sa puso mo?
Pwede bang ako na lang?
Pwede bang wala munang sakit?
Pwede bang mahalin mo rin ako?

Nababaliw na ako
Nababaliw ako sa'yo
Bawat araw na lumilipas
Pag-ibig ko sayo'y walang bawas
Tanga ba ako?
Hindi naman kita binitiwan
Dahil una pa lang hindi naman natin hawak ang isa't isa

Gusto kong tumigil
Pero sarili ko'y hindi na mapigil
Hulog na atang talaga
Kaya patuloy na nagpapakatanga
Ayaw ko na
Dama ko ang mga tila karayom na nakatusok sa puso ko
Nagdudugo ito
Kasabay ng pagluha ng mga mata ko

Nabulag ako sa pagmamahal na sinabi mo
Naging marupok ako sa mga sandaling magkasama tayo
Ang hirap kapag walang label kahit parang tayo
Nasasaktan ako noon pero hindi ko masabi sa'yo

Ngayon alam ko, alam ko na kung bakit ayaw mo nga ba
Ayaw mong magkaroon ng tayo
Dahil umaasa ka sa iba na maging kayo
Kaya ngayon na mayro'n ng kayo
Nalimutan mo na ako.

---------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Masakit PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon