Kaibigan
by: korningmaisSino ka nga ba kaibigan?
Hindi ba't ikaw ang sandalan ko?
Kilala mo ko higit sa ibang tao
Alam mo ang pinagdaanan ko
Pero bakit ganito?
Bigla mo na lang akong iniwasan
Bigla mo na lang akong iniwan
Iniwan sa ere habang nagmumukhang tanga
Nagmumukhang tanga dahil hindi ko masagot ang tanong na bakit
Bakit mo ako iniwasan?
Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako iniwasan?
Bakit mo ako iniwan?
Dalawang tanong na gumugulo sa isip ko
Tanong na tanging ikaw ang makakasagot
Tanong na kahit ako hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot
Hindi ba't nangako tayo sa isa't-isa?
Na kahit ang bagyo ay hindi titibag sa atin
Pero anong mayroon ngayon?
Para tayong may malaking ilog sa pagitan
Pagitan na hindi na pwede pang ibalik sa dati
Ano kaibigan?
Sawa ka na ba sa mukha ko?
Ayaw mo na bang makita ang mga ngiti kong labas gilagid?
Ayaw mo na bang marinig ang wagad kong tao?
Ayaw mo na ba sa akin?
Nakahanap ka na ba ng bago?
Pinagpalit mo na ba ako?
Sana
Sana
Sana
Sana
Ako
Pa
Rin
Kaibigan***