Sana
by: korningmaisSana mas nauna kitang makilala bago siya
Sana hindi ako ngayon nalilito
Sana totoo bawat letra na bumubuo sa mga salitang binanggit mo
Sana totoo ang nararamdaman mo
Sana iba ka sa kanila
Sana hindi mo ako paglaruan tulad ng ginawa nila
Sana hindi na ulit pumatak ang kahit na isang butil mula sa mata ko dahil sa sakit na dulot mo
Sana hindi dumating sa punto na malalaman ko na sa sampung sinabi mo lahat hindi totoo
Sana maging tapat ka sa'kin
Sana totoong tanggap mo ako tulad ng sinabi mo
Sana, sana, sana ikaw na nga