Samantala, sina Sir Chief at MAya. Magkakatitigan sina Sir Chief at Maya (with matching Please BCWMH music background sung by Juris and Sam). Hindi na mapipigilan ni Sir Chief ang kanyang nararamdaman kay Maya. Unti-unti at dahan-dahan nyang ilalapit ang mukha kay Maya. 5 inches na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Ipipikit bigla ni Maya ang kanyang mga mata. Dahan-dahan pang ilalapit ni Sir Chief ang kanyang mukha kay Maya. At 2 inches na lang ang pagitan ng kanilang mga labi ng matigilan si Sir Chief. Biglang imumulat ni Maya ang mga mata at makikita ang mga nangungusap na mata ni Sir Chief. Mag-stick-up ang kanilang mga mata na tila nag-uusap. Ilalapit pa sana ni Sir Chief ang kanyang mga labi ng……. biglang bumagsak ang napakalakas ng ulan.
Manang Fe (mainis): Wrong timing naman ang ulan na ito ohhohh! Tara na mga bata!
Sir Chief at Maya
Maya (biglang mapapapikit): Ay! Umuulan po Sir Chief!
Sir Chief (biglang tatayo at aalalayan si Maya makatayo): Let’s go home!
Tumakbo na silang dalawa. Pareho silang basang-basa ng ulan pagdating sa bahay.
Sir Chief: Okay ka lang Maya?
Maya (hindi makatingin ng diretso): O…opo Sir Chief.
Mga Bata at Manang Fe (lalabas mula sa room nila, nagpupunas ng tuwalya)
Maya (unang makakapansin sa mga bata)
Sir Chief (mapapansin ang mga bata): Why are you guys wiping your hair with towels? Nabasa din kayo ng ulan?
Nikki: Yes Dad! Remember, we are with you noong umuulan hanggang sa mahulog kayo ni Maya sa horse (wari’y nanghuhuli)
Sir Chief (magtataka na parang may ituturo): Don’t tell me —
Luke: Yes Dad! We’ve seen the two of you (tiningnan sina Sir Chief at Maya)
Sir Chief (mapapatingin kay Manang Fe)
Manang Fe: Pinigilan ko silang makalapit sa inyong dalawa ni Maya.
Sir Chief at Maya (magkakatinginan)
Maya (kakamot ng ulo): Sir Luke… Mam Nikki… Ano po kasi…
Sir Chief (sisingit): I’m just trying to comfort—
Nikki: No need to explain, Dad. It’s okay. It’s Maya’s first time to ride a horse so she’s been afraid to fall.
Sir Chief: Yes. She is.
Manang Fe: Maya, maligo ka na para makapagpalit ka na ng damit.
Maya (pupunta na ng kwarto): Opo Manang Fe.
Manang Fe (lalapitan si Ricardo at bubulungan): Ganyan nga Ricardo. Hwag mo ng pigilan yan.
Sir Chief (magtataka): What do you mean, Manang Fe?
Manang Fe: Alam mo na kung anong ibig kong sabihin Ricardo.
After 30 minutes. Nakapagpalit na rin si Ricardo ng damit.
Maya (mag-ring ang phone, lalabas ng bahay)
Sir Chief (susundan si Maya, kunwari may tatawagan din pero makikinig lang naman)
Maya: Hello po Sir James?
Sir Chief (kukunot ang noo after mabanggit ni Maya ang name na yun)
Maya: Talaga po Sir James? Nandito din po kayo sa Baguio. Ahm! Sige po. Pumunta na lang po kayo ni Mam Ina dito po sa resthouse nila Sir Chief. Okay po. Sige po. Babye po (papatayin na ang phone at magugulat pagkakita kay Sir Chief) papasok na po ako sa loob.