Ang Nakaraan...
Lim Residence. Sa Salas.
Sir Chief (nakapamulsa wearing color blue plo shirt, may natanggap na bad news from Lisa kaya nagfusion na naman ang mga eyebrows)
Mapapansin iyon nina Maya at Rafi.
Rafi (mapapangiti): Chard! Are you okay?
Chard: Not really! May problem sa Office. A deal na hindi nakuha ni Lisa.
Maya (lalapitan si Sir Chief): Sir Chief, alam nyo po cute sana kayo kapag nakatiger mode kayo pero mas gwapo kayo kapag (hihilutin ang hilatsa ng noo ni Sir Chief para mawala ang tiger mode nito, halos magkadikit na ang katawan nila) ayan!
Sir Chief (matatawa sa ginawa ni Maya)
Rafi: Ehem!
Maya (matatauhan, biglang mahihiya kasi halos magkalapit na ang mukha nila ni Sir Chief pero kunwari patay malisya): E di mas gwapo kayo kapag nakangiti. Di ba Mam Rafi?
Rafi: Oo naman Maya. Chard is always good looking kaya marami ang may crush dyan. Kaya swerte ang makakabingwit dyan.
Maya (matatawa): Si Mam Rafi talaga, ginawa nyo naman pong isda si Sir Chief.
Chard: Ganyan naman lagi yan ee.
Rafi: Why? True naman ah! Lucky girl ang makakabingwit sayo kung sakali. Kung pwede nga lang e si (mapapatingin kay Maya) Maya na lang makabingwit sayo e.
Maya (manlalaki ang mata)
Manang Fe (biglang sisingit): Ehem! Rafi, pwede mo ba kong tulungan sa kusina. Magpapatulong sana ko gumawa ng cookies para kay Maya.
Rafi: Of course Manang Fe. Ikaw pa.
Chard (mapapataas kilay, iiling-iling)
———————————————————————————————————————
Sir Chief: Would you like to go somewhere, Maya?
Maya: Saan po tayo pupunta, Sir Chief?
Sir Chief: Anywhere. Name your place.
Maya (mag aalangan): Sir Chief, hwag na lang po muna tayo magbakasyon. Gastos po yun. Dito na lang po tayo sa bahay nyo.
Sir Chief: Okay. You're the boss.
Dinner time. Nauna ng maupo sina Luke, Nikki. Sa tabi ni Abby naupo si Maya. Sabay bumaba sina Sir Chief at Rafi. Biglang kumunot-noo si Sir Chief.
Rafi: Why Chard?
Sir Chief (hihilahin ang katabing upuan): Bakit nandyan ka sa tabi ni Abby? Sit here, Maya.
Rafi (matatawa): Akala ko naman kung napaano ka na Chard. (lilingon kay Maya) Maya, sundin mo na si Chard bago pa mag ala tigre yan. Ikaw lang naman at si Abby ang nakakapagpatigil sa mood swing nyan.
Maya (lilipat na ng upuan): Opo, Mam Rafi.
After makalipat ni Maya ay biglang smile ni Sir Chief.
Rafi: Kitams! I told you Maya.
Sir Chief (mag smile at lilingon sa kanya)
Maya: Si Mam Rafi talaga.
Sir Chief: Guys, I'm thinking about taking a vacation. Kaso ayaw ni Maya kasi magastos daw. So what do you think guys?
Nikki: Really Dad?! Bakasyon ulit?
Luke (kunot-noo): Niks, kasasabi lang ni Dad. (lilingon sa Dad nila) Punta ulit tayo Dad kina Maya sa San Nicolas.