BCWMH: Breaking The Rule Part 4

145 3 0
                                    

The next day. Tinanghali ng gising si Maya.

Manang Fe (gigisingin si Maya): Maya, gising na. Pupunta ka pa ng Time Airways di ba?

Maya (maaalimpungatan): Hala! Lagot! Late na ko. Sandali lang po Manang Fe.

Nagbihis na ng damit. Sa kusina.

Manang Fe: Si Abby Ricardo?

Sir Chief: Inihatid ko na Manang Fe. Si Maya?

Manang Fe: Ayon! Kung hindi ko pa ginising hindi pa magigising. Nagmamadali na. Isabay mo na.

Sir Chief: Okay.

Maya (pupunta ng kitchen): Sir Chief, si Abby po?

Sir Chief: Inihatid ko na. Let’s go. Luke, kunin mo bag ni Maya.

Luke (kukunin ang bag ni Maya)

Sir Chief (hahawakan bigla sa kaliwang kamay si Maya at hihilahin na papunta sa kotse)

Manang Fe (matutuwa sa inaasal ni Ricardo)

Maya: Sir Chief, baka po may pupuntahan pa kayo? Magcocommute na lang po ako.

Sir Chief: No. Ihahatid lang muna natin si Luke then I’ll drop you by na sa Time Airways.

Maya (hihirit pa): Pero Sir Chief—

Sir Chief: No buts, Maya.

Luke: Oo nga Maya. Hayaan mo na si Daddy. Makakapag-joy ride ka pa.

Maya: Sige po.

School nina Luke.

Sir Chief: Luke, be home early.

Luke: Yes Dad! Thanks for the ride.

Sir Chief: Your welcome .

Paaandarin na ang kotse papuntang Time Airways para ihatid si Maya.

Maya: Sir Chief, baka po ma-late pa kayo kapag idinaan nyo pa ko sa Time Airways.

Sir Chief: Maya, don’t you remember that I’m the President of Lim Aviation.

Maya: Sabi ko nga po.

Sir Chief: What time ang labas mo mamaya?

Maya: 4pm po, Sir Chief.

Sir Chief: Okay. Sunduin ka namin ni Abby.

Maya: Naku! Sir Chief, kahit hindi na po.

Sir Chief: I insist, Maya. I’ll be there at 4 sharp.

Maya: Sige po.

Dumating na sila sa Time Airways. Kararating din lang ni Mam Ina sa Time Airways.

Maya: Good morning po Mam Ina!

Ina: Oh! Good morning Maya! (mapapalingon kay Mr.Lim)Hello Mr.Lim! How are you?

Mr.Lim: I’m doin’ good. Thanks. Inihatid ko lang si Maya.

Ina (maiinggit): Ang sweet naman noon.

Sir Chief (magtataas ng kilay)

Maya (mapapatingin kay Sir Chief): Sige po Sir Chief. Baka po ma-late pa kayo.

Sir Chief: Okay. 4pm sharp. Sunduin na kita (nadulas)… I mean with Abby.

Maya: Sige po Sir Chief. Thank you po ulit!

Ina: Goodbye Mr.Lim!

Sir Chief (tatango kay Ina)

Umalis na si Sir Chief sa Time Airways. Saka dumating si Captain James Ventura.

BCWMH: Breaking The RuleWhere stories live. Discover now