Siksikan sa canteen. Recess kasi at sa dami ng stupidents hindi na magkandaugaga si Ate Eva kung sino ang uunahing bigyan ng order.
"Sheeeez! Nandiyan na ang KBGGH." takot na takot na sabi ng isang stupident.
'"Kulang pa sila. Wala pa si Lolong, ang bobo naman kasi nun siya lang ang nalipat ng section sa barkada nila." sagot ng isang hindi kagandahang stupident sa kaibigan niyang chaka din.
"Oh bakit? Kinaganda mo ba yang pagsasabi mo ng bobo ako? Tigilan mo yan, di ka kagandahan." Nagulat ang dalawa sa biglaang dating ni Lolong. Ngali ngali silang tumakbo sa takot kay Lolong. Ikaw ba naman ganyanin ng crocodile di ka matatakot?
Lumapit si Lolong kina Shubayo, Unggoy, Honesto, Polident, Mama-pro, William at Aso. Shet! Ampapanget pa din nila!
"Ano? Hindi niyo nanaman ako dinaanan sa room ko? Tampo is me huh?" pagrereklamo ni Lolong habang nakanguso ang lapad ng nguso may braces na kasi. Syempre di pa din siya gumanda dun.
"Hindi ka pa din gaganda kahit daanan ka namin dun. Ngipin mo nga nagkakahiwalay, room pa kaya natin? As if naman na ang lapit namin sa iyo." sabay irap ng malanding baklang shubayo. Inirapan na lang din siya ni Lolong habang nagtatawanan ang iba.
"Nga pala, super lapit na ng graduation. Mamimiss ko talaga kayo friends." - Mama-pro
"Pwes, hindi ka namin mamimiss kaya wag ka magdrama." mataray na sagot ni Honesto.
"Prom muna, excited ka masyado?" - William
"Nako, naiinis ako jan sa prom na yan. Lagi na lang namin pinag-aawayan ni Mama yung mga gagamitin ko." iritadong sabi ni Lolong. Paano kasi ang sabi ng mudrabels niya si Lolong na daw ang bahala sa mga gagamitin niya. Ay day! Nung planado na sabay ayaw daw ng mudra niya nun! Kalerkey!
"Friend kahit ano pang gamitin mo, wala ka ng igaganda. Mga ilang filters ba ng camera 360 ang i-aapply sa pes mo?" tanong ni Aso na akala mo eh ang ganda ganda niya. Miss World nga daw siya...sa mundo ng mga aso.
"Kung ikukumpara sa iyo, napakalaking ganda ko naman noh!" at tumango ang buong barkada. Chosss lang!
"Speaking of prom..kabahan ka na Honesto para sa pageant. Ewan ko ba at no choice na talaga kami sa iyo. Ikaw na lang talaga ang ilalaban namin. Labag man sa amin." - Unggoy
"At sa iyo pa talaga nanggaling yan? Baka gusto mong i-backward ko yang mga ngipin mo?!" - Honest
At dahil daw maganda ang author ng storya nila, lumabas na sila ng canteen dahil ampapanget daw ng mga nasa loob nun. Aba! Ayaw sa kalahi? Pumunta sila sa Math Garden para tumambay, hindi lang yun dahil tanaw na tanaw nila dun yung mga crushes nila na asa naman silang magustuhan sila. Ang chachaka kaya nila! Kung nagagandahan/nagagwapuhan ka sa kanila sa book cover ng kwentong ito? Wag mo na lang hilingin na makita sila sa personal...dahil magaganda at gwapo talaga sila. Echos!
"Bakla! Nanjan nanaman crush mo." kinikilig na sabi ni Mama-pro kay Lolong.
"Enebe weg keyeng megele nekekeheye keye!" Asus! Pa-virgin pa ang peg ni Lolong akala mo naman eh gaganda siya dun.
"Bakla, papunta dito! GMMMM!! Si Lolong oh!" sabay turo ni Polident kay Lolong na agad namang nagtago sa likuran ni Aso.
Ngumiti lang si GM sa kanila. Alam niyang may crush sa kanya ang babae kaya nga feel na feel niya at parang f4 na ngumiti sa kanila. Hihimatayin naman sa kilig si Lolong kaso hindi siya kagandahan para mag-inarte ng ganon.
FASTFORWARD
Lolong's Point of View
Ang tagal maguwian. Naiinip ag kagandahan ko dito sa room. Bakit naman kas nalipat pa ko? Matalino kaya ako! Matalino sa kagagahan. XD
"Lolong, ganda mo ngayon." ngiting aso namang bati sakin ng kaklase ko. Di ko na sasabihin yung pangalan, napadaan lang yan. Walang kinalaman sa kwento.
"Gago ka ah. Ano yan? Lait o puri?" and I rolled my eyes upside down. Like DUH! Hindi ako maganda! Magandang magandang magandang magandang maganda ako! Oo na, gandang ganda ako sa sarili ko. Totoo naman kasi. Nagsasawa ka na bang mabasa na maganda ako? Pwes, ngayon pa lang pinapaalis na kita at wag mo ng basahin to.
JOKE LANG! Dito ka lang. Baka mawalan pa ko ng existence sa kwentong ito, sayang ang beautiful presence ko. -______-
*Krriiinggg*
Oh? Nagclaim lang ako na maganda ako biglang uwian na? Anyway, kanina ko pa nga pala hininhintay mag-uwian. Nagbabalak kasi kami ni Honestong tumambay saglit sa starbucks. Mayaman kasi kami, maganda pa. Kems! Makiki-wifi lang talaga kami dun noh! Tsaka baka tubig lang orderin namin.
Honesto Calling...
Speaking of the chakang devil. Chos lang! Baka patayin ako nun pag nalaman niyang sinabihan ko siya ng chaka. Teka nga, dami ko nanamang kuda sasagutin ko muna.
"Maganda ko? Oo naman!" agad kong pambungad sa kanya.
"Punyeta ka! Nasan ka ba?" bambastos talaga ng bunganga neto oh!
"Wag mo ko minumura! Ang daming readers baka sabihin wala kang manners! Ay oo nga pala, it's not "baka" wala talaga! HAHAHAHAHAHA" and I laughed very hard.
"Humanda ka sakin pag dating mo di---"
I ended the call. Ang ganda ko kasi. Anong connect? Wala, dahil siguro sa kagandahan ko apektado na lahat ng bagay. Haaayyyy. Nakakabwisit! Keme lang. Oo na! Chaka na nga!
"Ang tagal mo! Bwisit ka!" reklamo ni Honesto. Eto kanina pa to eh. Pakisampal nga ng Bible to ng mabawasan ang pagkapalengkera neto!
"Ganda ko kasi. Tara na!" sabay flip ng tatlong piraso kong bangs.
STARBUCKS...
"Ayan friend connected na ko sa wifi! Picture tayo tapos upload ko sa instagram." pose naman kaagad ang gaga nung sinabi kong picture kami. Selfie lord din ito eh, lalo na pag may camera360 ka, itago mo na yang cellphone mo.
"Friend..may nasagap akong chika." biglang sabi niya tapos malungkot yung face niya.
"Ano yun? Wala ka na daw pag-asa gumanda kahit ipa-Belo kapa?" sagot ki naman
"Gaga! Kung di ako maganda eh ano ka pa?" sabay irap niya.
"Pero friend, mas hindi mo magugustuhan ang nakikita ko." at tinignan ko kung saan siya nakatingin.
Si GM may kasamang babae sa kabilang table. Nagsusubuan pa sila nung cheesecake na order nila. Tumayo agad ako at saktong isusubo ni GM yung tinidor sa haliparot binatukan ko yung babae at nasalaksak siya ng tinidor. Ayun, patay.
Joke lang! Nandito pa din ako, nakaupo pero ang sakit pala sa feelings, yung magseselos ka pero wala naman kayong commitment? Para akong binagsakan ng sampung grava at nalaglag sa 3456th floor sabay nasagasaan ng ten wheeler truck. Ganun kasakit!
Ikaw na magmahal ng 2 years??
----
Okay puro pagmamaganda. Nakakabwisit ano guys? HAHA :D Don't worry puro chaka pa din ang susunod na exposure. Shubayo, Polident, William, Unggoy, Mama-pro at Aso, wait for your next scene :))))
Ps. Vote naman jan! :D
BINABASA MO ANG
KaiBiGaGuHan (KBGGH)
Teen FictionOh ano? Choosy ka pa? Tigilan mo, hindi ka kagandahan.