Pagmamaganda 2

22 2 0
                                    

Shubayo's Point of View

Aga kong gumising kanina mga 7am siguro. Tapos naramdaman ko nasusuka ako, hala! Nabuntis na ata ako ni Jarus! Hala ulit! Wala nga pala akong kipay. Tapos naalala ko pa, di ako pumasok ngayon. Pinuyat kasi ako ni Jarus eh, hindi naman ako makatanggi. Tsk!

Keme lang guys! Masyado kasi akong maganda kesa sa mga kaibigan ko, yan tuloy...nagsisinungaling nanaman ako!

Habang nagtitimpla naman ako ng kape sa oh-so-precious kitchen namin biglang umeksena tong Nanay ko.

"Bakla, itimpla mo nga ako ng kape." pero dedma lang ako. Kunwari walang narinig. Maganda kasi ako.

Umupo na ako sa couch namin at nanood ng tv. Tinitigan naman ako ni mudra kaya sumipat din akes sakanya. Kunot noo pa ko.

"Talagang hindi ako tinimplahan?!" nanlalaking mata na talak ng mudra.

"Ay nako Ma, ang laki mo na para asikasuhin pa!" pagtataray ko. Binatukan lang niya ko at tinawag na lang ang isang katulong namin para magpatimpla. Yaman kami eh.

Ano kayang ginagawa ng mga bakla? Malamang nag-aaral diba? Tanga nyo din eh. Bakit kaya ako tamad na tamad today? OMG baka talagang bunis na ko?!

"Hoy kuya, ano't gulat kang nakahawak sa tiyan mo?" Nagulat ako sa presence ng kapatid kong si Raven. Bet na bet nina Aso at Polident yan, gwapo daw. Yuck! Sawang sawa na ko sa pagmumukha niyan!

"Buntis ata ako." sagot ko.

"KUYA tantanan mo nga ko ang aga aga ng kalokohan mo. Tabi nga!" sabay tulak sakin dahil uupo din siya.

"Hindi ko matanggap yang sinabi mo." maluha luha kong sagot sakanya.

"Huh?" naguguluhang tanong niya.

"Hindi ko matanggap na tinawag mo kong kuya!" sabay walk out. Makahiga nga ulit. Kaya nag-aamoy naihiang kama na ako eh. Ikaw na laging nakahiga?

William's Point of View

(A/N: Medyo huhulaan ko lang ang POV ni William. Hindi ko kasi talaga mabasa ang personality niya. -______-)

Wala nanamang teacher. Ano ba yan, nakakatamad! Ang gulo gulo ng klase, pero ayos lang kasi kahit magulo sakanya pa din nakatuon ang atensyon ko. Nasabi ko na nga bang siya talaga ang gusto ko? Kaso, may iba na siyang gusto. Nililigawan na siya kaya alam kong wala talagang pag-asa.

"Fafa Williaaaaammmm!!!" sigaw ni Aso sakin. Umalingawngaw sa buong room pero wala pa ding pakialam ang mga kaklase namin. Bakit? Kasi pogi ako. No, gwapo ako. Get that?

"Nakakagulat ka naman Aso, kailangan talaga sumigaw?"

"Wag ka na umusap pa, picture!"

Tumayo naman ako para kuhaan sila ng picture gamit itong iPhone 10 ko. Oo may iPhone 10 na wala pa mang 6,7,8 at 9 pumunta pa ko ng ibang bansa para ipagawa yan. Super upgraded nga eh. Eto yung cellphone na pag nagpicture ka automatic na papatungan ng madaming filter kapag pangit ka. Pero dahil po-- gwapo ako, walang filters pag nagpipicture ako. Nice! Bagay to kay Lolong, adik sa filters yun eh.

"Oh game, picture!" sabi ni Mama-pro. Wala, yun ang role ko dito. Photograper pero the best pa ding photograper si Author. *wink*

Thankyou Fafa William. Ahihihi! :"> Hart hart!

Natapos ang photoshoot kuno namin na sa cheap na classroom naganap at nag-uwian na. Lagi na lang uwian ang eksena. Nagyayaya silang lumaboy mamayang after lunch daw. Di ako sumama, bakit? Wala lang. Tinatamad ang kagwapuhan ko.

"Di ka talaga sasama kina Unggoy?" tanong ni Honesto. Umiling lang ako bilang sagot at humiwalay na sa kanila.

Aso's Point of View

Marahang naglalakad ang kagandahan ko... ahdskzh:::$7$8*gvdhdj

Punyeta Aso nasisira keyboard ko tigilan mo yang mga linyang yan!

Salbahe talaga ni Author parang hindi bestfriend since grade1. Akala mo kagandahan eh!

Kumpara saiyo talagang oo! Kbye. Eksena ko lang.

Aawra nanaman kami mamaya. Sasama kaya ko?

"Mag-isip kayo ng pwedeng puntahan." sabi ni Unggoy. Maisingit lang siya sa script.

"Bahala na mamaya, kina Mama-pro muna tayo. 2PM ha! Text niyo---tawagan niyo na pala si Shubayo. Leche kasi paabsent absent pa! Di naman maganda!" as usual...ang nagmamagandang si Honesto na puro talak.

"Siguraduhin niyong may pupuntahan tayo dahil ayoko sa bahay!" - Mamapro

"Oh eh bakit gigil?" -Lolong

"Wala lang!" - Mamapro

Tss, natapos din ang cheap na meeting tungkol sa laboy. Sana naman hindi cheap ang laboy mamaya. Sumakay na kami ng limousine na service ng barkada sponsored by Author na nagmamaganda. Unang inihatid si Honesto dahil trip lang! Pinagkaisahan namin, ayaw niya nga mauna eh. Gusto namin mag roadtrip nina Lolong.

Along the way malapit sa bahay nina Honesto nakita ko siya..ang one and only ko. *u*

Gusto niyo makikala? (*^﹏^*)

Siya si Lawrenceo..ang bigotilyo kong crush!

------

Inaantok na ko, sorry sa typos. Wag na lang tanga please?

Pagmamaganda 3 ------>

KaiBiGaGuHan (KBGGH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon