Honesto's POV
"CR lang ako guys. Mamaya na ako chichika." tumayo ako para sana pumunta ng CR pero pagtayo ko at pagharap ko sa likuran ko someone spilled me a chocolate shake. P*ny*t* kaya naman pala!
"HOY IKAW ANO BANG PROBLEMA MO HA?!" My goodness! Aatakihin ata ako ng high blood sa babaeng ito.
"You and your bitchyness." Ha! Akala mo kung sinong makapagtaray itong bruhang ito. Humanda ka sakin!!!
"You know what dear..." hinaplos ko ang buhok niya at inikutan ko siya. Halata sa mukha niya ang kabang nararamdaman dahil sa maaari kong gawin sakanya, kaya naman idiniin ko ang paghawak sa buhok niya na halos nasasabunutan ko na siya.
"WAG MO AKONG SINUSUBUKAN DAHIL PUNONG PUNO NA AKO SAYO. NAKAKALINTEK KA NA AH!" Atsaka ko siya binitawan. Tanga mo lang at nag-iisa ka ngayong babae ka.
Isa-isa akong inawat ng KBGGH pero hindi ko sila pinakinggan.
"Yza. Stop it! Wag mo na patulan yan manahimik ka na dito." sabi ni Unggoy. Makapag-stop naman ito akala mo ako si Aso na inuutusan ng amo?
"No. Nananahimik nga ako noon peeo naargabyado ako eh. Di naman ata ako papayag ng ganon?" and I gave her my sweetest smile.
"Hoy. Hindi ako natatakot sa iyo noh! Ayoko lang talagang nakikita ang pagmumukha mong pangit jan! Sinabi ko naman sa iyo diba? Wag kang magpapakita sa akin!" Wow ati, gigil na gigil?
"Oh bakit tinatakot ba kita? Oh sadyang natatakot ka na lang? Haaay, umalis ka nga jan ang pangit mo. At kung pangit ako? Ano ka pa?" I rolled my eyes wala talagang ka-challenge challenge awayin ang isang ito.
"Nakakainis ka na ah!"
"I know dear.." ngumiti lang ulit ako at kunwari'y may naalala.
"Oh William! May number ka ba ng mga piloto ng eroplano ko? Palalandingin ko lang sana sa NAIA ng babaeng ito. OMG, I'm sorry! NOO pala yan!" and everybody inside the cafe laughed.
"Aba. Nahiya ako sa noo mo ah? Sa iyo pa talaga nanggalig yan?!" hindi makapaniwalang sabi niya. Yes you heard it right. Sa akin nga nanggaling dahil kung tutuusin lalaparin naman talaga ang noo ni Sharn.
"Oy, may ruler nga pala akong dala. Magsukatab tayo? Stupid! Lumayas ka na. Naiinis na ako sa iyo! " sabi ko na lang.
" At mas lalo naman ako."
"Hindi ko tinatanong!"
"Tara na nga. Lumalala na ang eksena dito. Ma-youtube pa kayo jan e." - Shubayo
Nagsi-tayuan na sila at iniwan na namin si Sharn pero may i-reremind lang sana ako sakanya kaya binalikan ko siya.
"Anyway, kailangan ko ng takong para sa pageant tawagan kita minsan baka pwede mo i-sideline yang baba mo." And I spilled her a cappucino frappe. Sabi ko naman sa iyo, wag mo na kong ginagalit dahil babalik sa iyo ang kahihiyan.
-----
Oh ganda ni Yza oh. Bayaran mo naman itong chapter na to. XDD
Vote and comment. :)
BINABASA MO ANG
KaiBiGaGuHan (KBGGH)
Novela JuvenilOh ano? Choosy ka pa? Tigilan mo, hindi ka kagandahan.