Lolong's Point of View
"Aba! At sino ka para tarayan ako?!" tanong sakin ng pangit kong kaharap na mukhang cashier sa Parco dahil sa kapal ng make up at blush on..teka! Ang blush on nga pala kasama na sa make up. Tanga nyo din ano?
"At sino ka para kausapin ako? Aba, swerte mo na lang at pinag-aaksayahan kita ng panahon." taas noo kong sagot sakanya. Nagpipigil lang ng tawa ang nga friendships ko. Gusto atang makakita ng masasampolan ko.
"Ako si Leigh Adoracion. May reklamo?" pagmamaganda pa nya. Oh please!
"Oo, yang mukha mo. Kaya naman pala kamukha mo ang bangs ni Miley Cyrus sa Adore You." sagot ko naman sakanya. Si Lolong? Kakalabanin mo? Ang reyna ng kamalditahan?
"Aba. Kanina ka pa ha?"
"Oh bakit sinong pangit ba ang unang lumapit dito? Una sa lahat, ang pangit mo. Pangalawa, ang pangit mo pa din at pangatlo, pangit ka talaga! Hindi kita kilala kaya lumayas ka na." sabay irap ko sakanya from head to toe. Mukha talaga siyang toe-od! Okay, ang corny ko dun.
"Aaaarhgghh! Kainis ka talaga!" bulyaw niya sa akin.
"Oh, you're good in describing huh? You know what? Me too. Kaya nga kanina ko pa sinasabing ang pangit mo. Layas na, kasira ka ng araw. Ang sakit mo sa mata." pagmamaldita ko. Agad na humagalpak ng tawa ang buong barkada at sabay sabay na tumayo para lumabas ng canteen. Naiwan yung pangit na di ko naman kilalang babae dun at yung mga pangit niyang alipores na inis na inis.
Pag labas namin ng canteen ang daming stupidents na naghihintay sa labas. Mga hindi pa kumakain.
"Oh, wag na kayong tumunganga jan. Pumasok na kayo." sabi ni Aso sa mga stupidents. Pumunta na ulit kami sa Math Garden, ang sosyaling tambayan namin.
"Bakla, parang kilala ko yung girl na yun. Di ko lang maalala kung saan." - Polident
"Hmm, yun yung kabit ng ex ko dati. Ang chaka ano?" -Honesto
"Akalain mong may ex ka?" pang-aasar ni Shubayo.
"Oo naman oh! Di tulad mo. Walang nagkakagusto." sagot ni Honesto. Ayan, nagsisimula na ang bangayan nila. Gustong gusto ko yan. XD
"Aba eh kesa naman sa may nagkakagusto nga gustuhin naman ng mga mukhang adik, tambay, akyat-bahay at miyembro ng martilyo gang?" humagalpak nanaman kami ng tawa pati si Honesto. Somehow, kahit nagkasagutan kami ni Shubayo kanina, dedma na lang dahil friendship pa din namin ang nangingibabaw sa amin.
Third Person's POV
Walang kamalay-malay ang magkakaibigan na ang binara bara ni Lolong kanina ay ang the famous and gorgeous Leigh Adoracion na anak ng may-ari ng school nila. Pwe! Kung hindi lang ako bayad para sabihin yun eh. Teka, peymus ba talaga siya? Bakit di siya kilala nina Lolong?
OMG! Hindi kaya mapaltalsik si Lolong nito? Napakamaldita kasi ng gaga. Ano kayang balak ni Author?
"Paging Lolong, go to the Principal's office NOW." sabi sa mega phone. Taray, akala mo may rally makapag mega phone.
"Hoy Lolong, pinapatawag ka sa office." sabi nung isang kaklase niya
"Oo tanga. Alam ko, kaya nga lalabas na ako eh. Tabi nga, hinaharangan mo ang daanan ng maganda."
"K." sagot ng kaklase nito. Aba'y bastos na bata yun.
Pagdating ni Lolong sa office...
"Suspended ka." bungad ng Principal.
"Okay? Mga ilang araw?" bored na sagot ni Lolong. Okaaay, dedma lang sa suspension? Aba'y matindiii!
"I guess...Ms. Leigh! Ilang araw mo gustong ipa-suspend to?" tawag ng Principal kay Leigh. Nagulat naman si Lolong sa pagdating ng chakang si Leigh Adoracion sa harapan niya.
"Oh? Nagulat ka ata?" and an evil grin formed in her chakang face.
"Oo naman, sinong hindi magugulat sa buhay na libag sa harapan ko? Oh? Anong karapatan mong ipa-suspend ako?" mataray na tanong nito.
"Dahil ako ang anak ng may-ari ng school na ito?" patanong na sagot pa nito. Malamang! may (?) nga diba?
"Ah, anak ka lang pala eh. Hindi ikaw mismo." bored na sagot ulit ni Lolong.
"Kanina ka pa talaga!" bulyaw nito sa kanya.
"Yeah. I know. Don't be such a stupid! You're stating the obvious, tanga ka ba talaga?"
"Shut your mouth off you two!" singit ng principal sa sobrang inis at idinuro sila.
"It's shut UP not shut OFF. Principal po ba talaga kayo?" and Lolong rolled her eyes for the nth time.
"2weeks suspension! You may now leave my office!" sigaw ng Principal. Eh hindi naman natakot si Lolong, ang ganda daw kasi niya.
"Okay, thankyou for a short vacation Ma'am...and also to you Buhay na Libag." and she turned her back para lumabas ng office.
"With your friends.." pahabol ni Leigh. Hinarap ulit ni Lolong si Leigh at nilapitan. Kinwelyuhan niya ito. Oh diba astig?
"You can mess up with me. BUT.DON'T.YOU.DARE.TO.GET.MY.FRIENDS.INVOLVE.HERE." at binitawan na niya si Leigh. Nadumihan lang ang kamay ni Lolong. Tsk!
-----
Ganda ko. XD
Pagmamaganda 6 ------>
BINABASA MO ANG
KaiBiGaGuHan (KBGGH)
Fiksi RemajaOh ano? Choosy ka pa? Tigilan mo, hindi ka kagandahan.