Mama-pro's Point of View
Hello friends! Shutanginerns neto ni Author bakit kaya Mama-pro ang ipinangalan sakin dito? Tsk, di bale na nga. Una sa lahat, hindi ako nagmamaganda katulad ng mga kabigan ko. KONTI LANG! Mga feeler kasi ng sobra yun. -______- Saming lahat, ako lang ang walang lovelife dito. Eh wala eh, ganon talaga pag medyo maganda. Sabi ko naman sa inyo hindi talaga ako feeler eh.
"Mommy, aalis ako mamaya ah? Kasama ko sina Lolong." pagpapaalam ko kay Mommy habang nakaupo ako sa oh-so-expensive kong trono. De joke lang, sofa lang.
"San nanaman kayo pupunta?" tanong ni mudra.
"Basta jan lang." sabi ko. Undecided pa nga kasi diba?
"Ge." sagot niya. Ang dali talagang kausap netong mudra ko eh. Kaya mahal na mahal ko yan eh.
At exactly 2PM wala pa din sila. Mga gago talaga, sabi na walang pupunta ng maaga dito eh.
"Tao po."
Lumabas ako sa mansion namin para tignan kung sino ang kumakatok. Mansion talaga ito, promise! Nakalimutan lang namin palagyan ng doorbell.
"Manonolicite lang po sana para po ito sa mga nabiktima ng Yolanda."
Siraulo talaga to si Lolong eh, akala ko naman kung sino. Pinapasok ko na siya sa mansion namin at nang nakita niya na wala pa sila...
"Ay nako! Yung ine-expect ko na ako ang hihintayin tapos ang ending ako pa pala ang maghihintay?!"
"Hayaan mo na, maganda ka naman eh." sabi ko na lang. Pampalubag loob ba?
"Hihi. Thankyou! :">" tuwang tuwa naman ang gaga. Uto-uto din ito eh.
So ayun na nga, as of 2:53 PM dumating sila. Aba uki ah! Isang oras ang pagitan ng call time at ng pagdating nila.
Polident's Point of View
So ayun nga, laboy na nauwi sa tambay sa bahay nina Mamapro. Naisipan naming magmovie marathon na lang. Movie marathon ba talaga? Eh bakit puro selfie sila? KBGGH yan eh! Yung tipong pag nagselfie ka biglang nagsisiksikan sila sa likod mo makasama lang sa picture?
Ayako, bahala sila magdaldalan. Basta ako, text ko lang si BebeKo <3 <3
Ako: Nasan ka?
BebeKo: School pa. Ikaw?
A: Nandito pa kasama ko kbggh. Ingat ka ah?
B: Ikaw din :) Labyu.
Kinikilig ako. :">
"Hoy Polident! Tahimik ka nanaman jan. Lagi kang ganyan kahit kasama mo kami." sabi ni Lolong
"Katext nyan si alam nyo na." sabi naman ni Unggoy.
Supportive talagang mga kaibigan. -_____- Palibhasa kasi ako, may jowa kesa sa kanila. Wala. HAHAHAHA!
------
Okay. Corny and short updates muna, kabwisit yung connection ko binabadtrip ako.
Pagmamaganda 4 ------>
BINABASA MO ANG
KaiBiGaGuHan (KBGGH)
Novela JuvenilOh ano? Choosy ka pa? Tigilan mo, hindi ka kagandahan.