ASO'S POV
"Ano ba namang katangahan yun friend?" Sermon ko kay Lolong. Naibalita niya kasi sa akin na balak nga kaming idamay nung chakabels na Leigh Adoracion sa suspension ng gaga.
"Ehh! Ewan ko. Tulungan mo naman ako paano ko ba sasabihin sa kanila? Pero di bale, binantaan ko naman yung si Leigh ewan ko lang kung natakot."
"Ah malamang lamang yun! Chura mo e." Banat ko sa kanya. Makabawi bawi man lang ako minsan dabuuhh?
"At sa iyo pa talaga nanggaling yan huh?" At umirap naman ang bakla. Lagi na lang ba pag-irap ang role nito?
"Tsaka na yan bumaba ka na lang kanina pa nakahinto itong kotse dahil sa iyo."
"Sige bye. Manong pakidaan na sa Dog found itong si Aso, salamat ho!" At isinara niya na ang pinto ng kotse. Aba't ang gaga yun ah! Tumingin naman ako sa driver namin at nakitang tumatawa siya.
"Ano yon Manong Arjie? Wag mo kong matawanan jan baka mawalan ka pa ng role sa kwentong ito. Pasalamat ka't napasama ka pa dito." At inirapan ko siya. Hay nako di ko pag-aaksayahan ng panahon tong buwan sa bakbak ng mukha niya no! Lord, wag nyo sana kami hayaang masuspend. Ako magpapakabait na po, ewan ko lang po sila.
SHUBAYO'S POV
Kauuwi ko lang ng bahay at inilapag ko muna sa sofa ng sala yung Hermes kong bag. Mapalitan nga ng Gucci bukas. Nagsawa na agad kasi ako sa isang araw kong paggamit nito. Uupo pa lang sana ako ng biglang nagdatingan din yung mga kapatid ko. Ay nakooo! Magulo nanaman ang mansion neto!
"Kuya.." biglang nag-init ang ulo ko sa pagtawag sa akin ni Raven.
"Ano ba?! Sabing wag mo akong tinatawag nang kuya eh." Sabay upo sa sofa, feeling ko pagod na pagod ako ngayon. Ewan ko ba, lagi naman eh. Ipinaglihi siguro ako sa batugan. Hahaha! Kems. XD
"Bakit di ka naman babae para tawagin kitang ate ah?!" Sagot niya naman. Naku! Nakakagigil talaga to eh. Bakit ba hindi nila matanggap na ako ang ate ng pamilya?
"Ok fine!" Umakyat na lang ako sa kwarto ko baka kasi pag nagbangayan nanaman kami may isang itali si mudra sa puno at sunugin niya eh. Muntikan niya na kasing gawin yun sa isa naming kapatid dati.
Mabuti naman at tapos na ang exams. Naalala ko pa kanina mukha nanamang mga gago sa kahihiyan ang mga bakla. Hablutin ba naman si Jarus papunta sa akin. Super kilig naman ako pero kunyari nahihiya. Syempre pa-virgin ako. Nekekeheye kese telege tepes eng gende gende ke pe.
Ang sarap talaga sa feeling tapos ngingiti ngiti siya sa akin. Pero keri lang kung di niya ko bet. Ganon naman talaga kaming mga magaganda, hindi nagugustuhan. Kung sino pa yung chaka sila pa ang bet. Diba Honesto? Tignan mo ikaw, bet na bet ka ng mga mukhang akyat-bahay, magnanakaw, rugby boy, tambay sa kanto at mga miyembro ng budol budol gang.
HONESTO'S POV
Ang kapal lang talaga ng mukha netong si Shubayo eh. Atlit naman guys ako gustuhin diba? Eh sa kanya? WALANG NAGKAKAGUSTO. HAHAHAHA!
Back to reality, kakabreak lang namin nitong si Baba Shawarma ng buhay ko. Yuck lang! Eeww. So eto ang drama ko, di ko na alam kung saan pupunta. Pang-ilang beses niya ng ginawa sa akin yun ako naman si tanga paulit-ulit din siyang pinapatawad. Bakit nga ba ang tanga ko? Do I really love him? Yuck! Eew lang talaga. Sa ganda kog ito? Bakit sa itsurang ganon ako nainlove? Come to think of it ako na 3rd runner up ng Ms. Senior sa school? OMG lang!
Ang sakit sakit talaga! T________T Lalo naman ng malaman kong hindi kagandahan ang ipinalit sa akin. Nasaan ang hustisya?! Malapad din naman ang noo ko eh. And speaking of the chakang devil. Oy Lolong ito talaga ang chakang devil!
"And look who's here." Sabi pa ng bruhang may ngiting aso sa mga labi. Napakapanget talaga!
"Oh bakit? Bulag ba sila para di ako makita agad?" Pagtataray ko naman. Ang kapal talaga ng mukha.
"Hah! Ayaw na kitang makita sa susunod huh? Dahil ang panget mo." Sabi niya at tinaasan ako ng kilay. Nagtawanan naman yung mga kamukha niyang clown na alipores, ganyan nga talaga ang magkakamukha laging magkakasama. Wala man lang bang nahalong maganda sa kanila?
"Oh edi pumikit ka. And please lang ha, hindi ako salamin para sabihin mong ang pangit ko. Ganda ko lang sa iyo no!" Sagot ko ng TAAS-NOO noohan ata ang labanan namin sa puso ni Baba Shawarma ah?
"Aba't talaga namang!" Susugod sana siya pero pinigilan siya ng mga kapwa niya clown. Nilagpasan ko na lang siya pero binalikan ko din ng tingin.
"Sa susunod, wag mo kong haharapin kung wala ka namang binatbat. Try harder Sharn." And an evil grin formed in ny lips.
"Bitch!" Sigaw niya sa mukha ko. Tsk natalsikan pa ko ng laway. Umakto akong pinunasan ito at isinampal sa mukha niya.
"Ibinabalik ko lang sa iyo ang hindi ko kailangan. Ang baho eh!" And I turned my back at naglakad na palayo. Magbebreak din yun hula ko, ang baho ng laway niya eh.
-------
Yan na ang request mo Yza. Ganda mo e.
BINABASA MO ANG
KaiBiGaGuHan (KBGGH)
Teen FictionOh ano? Choosy ka pa? Tigilan mo, hindi ka kagandahan.