"Okay class, dismissed." sa sinabing iyon ng aming guro ay agad kaming lumabas. Dali-dali naman akong umakyat upang tignan ang kanyang paglabas ngunit nadatnan ko siyang nakaupo sa may hagdan. Tinignan ko siya na may lungkot sa aking mga mata.
"Oh, kumusta ang klase mo?" tanong niya, napakaganda niya talagang titigan.
"Uy! Sabi ko, musta ang klase mo?" pag-uulit na tanong niya. Ngumiti lamang ako sabay alis upang makauwi na.
Siya si Lacee Mendes, ang babaeng unang nakitaan ko ng interes, siya rin ang dahilan kung bakit ako'y nahuhuli sa pagpasok sa klase at sa pag-uwi sa bahay. Mabait siya, matalino, maalalahanin, at maganda kaya ganito ko siya kamahal, eh.
Nagising ako ng maaga, hindi dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, kundi dahil sa kalabog ng mga kaldero kung kaya't dali-dali akong lumabas ng kuwarto.
"BAKIT WALA PANG PAGKAIN DITO? HA?" sigaw ng nanay ko habang isa-isang binabato ang mga kawali at pinggan. Buti nalamang at isang kaldero lamang ang nakasagi sa akin.
"Nay pasensya na po, ipagluluto ko na po kayo." sambit ko ngunit hindi ata nakontento't pinalo ako ng walis tingting.
"BWUSET KA! NATALO NA NGA AKO SA PASUGALAN! HINDI MO PA MAGAWA NG MAAYOS ANG TRABAHO MO!" sa bawat salita niya ay may palo, galit na galit ata si nanay dahil nagawa pa niya akong sampalin at sabunutan.
Humingi ako ng paumanhin dahil sa nagawa kong katangahan at dali-daling nagbihis para makapunta sa paaralan. Akala ko magiging madilim ang araw na ito ngunit nakita ko nanaman siya, lumapit siya...
"Oh! Napano ka?" tanong niya at napangiti ako habang tumutulo ang mga luha ko. Gusto kong sumigaw at sabihing masakit ngunit nanatili akong tahimik at nagpatuloy nalamang sa paglalakad.
Parang gusto kong tumigil ang oras ngunit malabo. Patuloy itong tumatakbo, kapag nakikinig ako sa guro namin ay mas lalo itong bumibilis at kapag wala naman akong ginagawa, ay bumabagal ito
Sa pagtatapos ng mga klase sa hapon ay patakbo akong nagtungo sa field, doon ay nakita ko nanaman siya.
Ngumiti siya at kumaway, ayoko tuloy na umuwi, gusto kong manatili rito at pagmasdan siya ngunit lalo lamang bumilis ang oras at napagdesisyunan niyang umuwi. Pumunta siya sa parking lot at sumakay sa isa sa mga sasakyan pauwi. Mayaman siya? Oo, sobra. Walang wala ako sa kanya.
Sa aking pag-uwi'y nagluto ako't naghain, hindi na rin ako kumain dahil baka magalit si inay na kaunti lamang ang pagkain. Kumain pa naman si itay kaya ang pangtatlong tao'y naging dalawa nalamang, napagdesisyunan kong matulog na kumakalam ang tiyan.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok habang puting-puti na ang mga labi ko dahil sa gutom pero wala akong magagawa.
Nakita ko nanaman siya, nakangiti itong lumapit at nagbigay ng pagkain at tubig.
"Here, eat na po." nakangiti niyang sabi, ngumiti lamang ako't umalis.
Pumasok ako nang dahan-dahan sa klase at gulat naman akong tinignan ng lahat.
"Mr. Gomez, are you okay?" tanong ng guro namin, tatango na sana ako ngunit unti-unting nanlabo ang aking mga mata at naramdaman ko ang malamig na sahig sa aking likod habang naririnig ko ang mga sigawan nila.
Sa aking pagmulat, mukha ni inay ang aking nakita.
"Mabuti naman at natapos na ang kaartehan mo, aalis na ako." sambit nito at lumabas. Matapos ang ilang minuto ay pinalabas na rin ako ng nurse na nasa clinic at dahan-dahan akong naglakad para makauwi ngunit napatigil ako sa kumpulan ng mga tao kung kaya't dumaan ako roon...
At nakita ko nanaman siya... nakangiti at maluha luha....
Yumakap siya...
"Mahal na mahal din kita..." napaluha ako sa kanyang sinabi at biglang humakbang paatras.
"And yes, I want to be your girlfriend.. Yuan Lopez" sinagot na niya ang lalaking kasama niya sa araw-araw. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang masayang nagsisisigaw ang lalaking kanyang minamahal, habang nagpapalakpakan ang mga tao. Sinagot na niya ang lalaking araw-araw niyang nakikita at nakakasama.
Oo.. tama kayo... hindi ako yung maswerteng lalaking yon na siyang kaibigan ko.
Sobrang swerte niya... Hindi na niya ako kasakasama dahil kasama niya ang babaeng mahal ko...
Hindi ako katulad ni Yuan na mayaman at minamahal ng pamilya niya dahil...
Hindi ako ang gusto ng mga magulang ko, hindi ako yung mabait at gusto ng mga magulang ko, hindi ako si Jace.
Hindi ako yung nginingitian ni Lacee kundi si Yuan, hindi ako yung inaalala niya kundi si Yuan, at hindi ako yung mahal nya kundi si Yuan.
Malungkot akong umuwi at umiiyak, nakisama ang panahon dahil umulan. Wala si inay at itay kaya nagpunta akong sementeryo...
----
Jace L. Gomez
Born on: January 1997
Died on: September 2013
"A loving son and a thoughtful brother"
----
Sana ako nalang si Jace para natanggap ako ng mga magulang ko...
Siguro kung ako si Jace, magugustuhan ako ni Lacee.
At sana kaya kong ibalik ang lahat at ako sana ang nakipagkita kay Lacee...
Siguro hindi ako manghihinayang ngayon.
At sana hindi ko siya itinulak palayo at sinabi ko nalamang ang totoo,
Hindi sana sila nagkakilala ni Yuan...
Sa pagsapit ng umaga ay para akong patay na naglalakad papuntang paaralan at doon, nakita ko nanaman siya ngunit nakatingin na siya sa akin.
Nilapitan ko siya na ikinagulat niya...
"Congrats ah. Sana maging masaya ka, katulad ng tayo pa ang magkasama." sinungaling. Si Jace ang nakasama niya at hindi ako.
"Salamat. Pero sana sa susunod na magkausap tayo, gusto ko naman na makilala ang tunay na Race." sambit niya na ikinagulat ko.
"Papaanong?—"
"Sinabi lahat ni Jace sa akin kapag siya ang kasama ko at hindi ka nakikipagpalitan sa kanya. Noong pilit kong inaayos yung tayo, hindi si Jace ang gusto kong makasama kundi ikaw. Kasi Race, sayo ako napamahal... Malambing ka't maaalahanin, lalaking lalaki ang dating mo sakin dahil si Jace ay isang kaibigan kong bakla na palagi kang ikinukwento sa akin. Pero hindi mo ata napagtanto iyon at siguro napagod na rin ako. Mag-ingat ka palagi at salamat sa lahat." matapos non ay umalis na siya.
Unti-unting tumulo ang mga luha ko at napangiti..
Sana pala nakinig ako sa mga paliwanag ni Jace, hindi sana siya namatay.
Hindi niya ako trinaydor...
Sana pala nakinig ako sa kanila...
Sana pala nalaman ko, para hindi ako nasasaktan at nagsisisi ngayon..
![](https://img.wattpad.com/cover/96549493-288-k420849.jpg)