ISLY 13

187 4 2
                                    

Lahat ng italic e flashback.

Oliver's POV

Hindi ako makapagsalita sa surprise nila sakin kahapon. Tapos nagkaroon pa kami ni Kath ng time na mag-usap at magbonding ng sandali.

"Love, salamat sa ginawa mo kanina. Yung surprise, hindi ko'to makakalimutan." Sabi ko. habang yakap-yakap sya.

"Okay lang. Pambawi ko lahat un sa ginawa mo saken." Sagot nya. Niyakap rin nya ako pabalik. Alam kong bumabawi sya, pero kahit hindi man sya bumawi. Ayos lang naman.

Nagkwentuhan lang kami buong gabi. Hanggang sa naramdaman kong nakatulog na sya. Hinatid ko nalang sya sa kwarto nila, at pumasok narin ako sa kwarto namin ni Owy.

kring!!!!kring!!!kring!!!

7:00 am

Hala! Umaga na pala! Hindi na ako nakatulog. T.T

"Kuya!..."

"Oh?... Bakit?"

"Aba! Abot tenga yang ngiti mo ah. Anong nangyari gabi ha?" Anong pinagsasabi ng isang 'to? "Kwento kana dali!!!" Baliw yata to'ng si Owy e.

"Anong pinagsasabi mo? Nababaliw kana ba! Sympre, WALA! Nagkwentuhan lang kami buong gabi at labas kana dun."

"Okaay... mag eempaki nalang ako at matulog nalang ulit."

"Ako nga di na nakatulog e."

*knock*knock*knock*

Binuksan agad ni Owy ang pinto. Si mommy pala. "Owy at Lance, mag empaki na kayo. Maaga tayo aalis ngayon." Kaya nag empake kami agad ni Owy.

Paano ako makakapagdrive nito kong inaatok ako.

"Mom, pwede si daddy nalang magdrive ng kotse ko?"

"Bakit anak?"

"Dinalaw na kasi ako ng antok. Si tito Teddy nalang po magdrive sa van..."

"Napagod ka siguro kagabi..."

"Sige Lance, ako namagdri-drive ng makapagpahinga ka." Sabi ni tito Teddy.

Kath's POV

Napagod si Lance, kaya ito sya sa tabi ko ang himbing ng tulog. Nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Tapos nagsalita sya bigla. "Mahal na mahal kita Kath..." Tumulo ang luha ko sa mga salitang sinabi nya. Alam ko sa sarili kong sino ba talaga ang tunay kong mahal.

Hindi nagtagal dinalaw narin ako ng antok. Pero bago un, biglang nag vibrate ung telepono ni Lance. Hindi ko napigilang pakialaman kong sino ba ang nagtext, at baka importante.

1 message received

from: Rojean delos Reyes;

"Brad, ingat kayo pauwi ha. Kita nalang tayo sa Manila. Text mo'ko kapag dumating na kayo. Love you brad! Mwuah! :-*..."

Ankapal nya!

Hindi na ako nagreply. Matapos niyang solohin si Lance nung sabado ng umaga.

"Hey! Kath, pwede ba mahiram to'ng boyfriend mo?..."

"Sure... hiram lang pala. Basta't ibabalik mo sya saken."

Natawa sya. Akala nya siguro nagbibiro ako... "Oo naman. Ikaw talaga Kath, mahilig karin pala magbiro."

Makatulog na nga! Silang lahat e tulog din...

"Kath, gising kana..." mama.

"Nandito na po ba tayo?" ako

I Still Love You [GMAIG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon