ISLY 17

125 5 1
                                    

Daniel's POV

Sobrang ganda ng pinanuod namin sa sinehan.

May kirot sa puso ko ng narinig ko ang kantang "Sana'y maulit muli."

Naalala ko nung mga oras na kasama ko si Kath.

Na hanggang ngayon, umaasa pa din akong babalik sya sakin.

Umakbay si Kats. "Dude?, bakit ka napahinto? May problema ba?"

"May naalala ako sa kanta dude. Kumirot puso ko eh."

"Anong kanta?" Kats.

"Bingi ka bro? Sympre itong sana maulit muli." Ako.

"Oo alam ko. Naalala mo si Kath mo?" Kats.

"Oo na... Tara na nga! Nauna na sila doon oh." Ako.

Sinundan lng namin sila. At pumunta sila sa isang recording shop na pinuntahan ni Kath noon at naging stalker pa ako noon.

Ano na bang nangyayare sakin. Pangalawang beses na'to mga singns na gusto ibalik ang dati.

Na kahit anong gawin ko parang impossibleng maibalik pa ang dating kami.

Kahit kasama ko sila, lumilipad naman ang utak ko.

Sa palagay nyo?

Mababawi ko pa kaya si Kath?

Maibabalik pa kaya namin ang dati?

Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko?!

Nag surf muna ako sa net. Chineck ang mga accounts ko.

Nagulat ako sa post ng OfficialFanpage ng Chicser.

"Maglilive muna sa showbiz ang Chicser for some reasons; 1. Mag-aaral ulit sila. 2. Iiwan muna nilang ang career for their studies. 3. Tatapusin muna nila ang pag-aaral ng isang taon. At 4. Babalik sila ulit soon..."

Napanga-nga ako. Totoo ba 'to?

Hindi naman sinabi na saan sila mag-aaral kung dito ba sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Ang daming nalungkot sa post na un at marami ding natutuwa dahil panahon narin siguro na mag-aral sila ulit.

Kami nga magbabarkada isang hakbang nalang matatapos na din kami. Oo nga pala! Hindi sinabi na kailangan sila maglilive.

Ito na ba ang isang sign ulit na may chance kaming ibalik ang dati?

Hindi parin ako susuko.

Oliver's POV

Pinaalala sa amin ni Ranz ang tungkol sa pinapost nya sa fanpage namin na huwag munang magsalita kung kailan or totoo ba ang post na yun.

Nakaplano na talaga yan. Hinihintay lang namin ang kompirmasyon ng management. Pumapayag namin si sir Cruz sa gusto naming mangyare.

Ang hindi pa alam sa plano e ang mga girlfriend namin. Yung parents namin e pumayag na. Actually doon kami sa mga magulang ni CAV titira sa N.Y.

Mahirap ipaliwanag pero alam kong panahon na siguro para sabihin namin ang katotohan sa mga syota namin.

"Mga tol, handa na ba kayo?" CAV.

"Oo tol..." Ako.

"Tara na, nadun na raw sila lahat sa meeting place."

"Sana maiintindihan nila tayo." Biboy.

"Aba! Sympre noh?! Para sa future din natin toh." Ully.

Pumunta kami agad sa isang themepark dun naghihintay sila Kath, Shasha, Gioli, Lorraine, Kryzel at Issa.

Pagkatapos namin magpark ng kotse, hinanap namin agad sila.

I Still Love You [GMAIG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon