ISLY 19

147 5 1
                                    

--------------

NEWYORK

OLIVER

Na enrolled kami agad sa N.Y.U kaya naman pumasok na kami.

"New environment..." Ranz.

"At malaya tayo. Walang media na sunod ng sunod.." Ully.

"Paano na yan. Iba-iba building natin, kaya kitakits nalang mamaya mga tol." Sabi ni Biboy at handshake namin.

"Tatawag nalang ako mamaya sainyo..." Sabi ko. Nagsialisan na din sila.

Tinignan kulang ang wallpaper sa phone ko kasama si Kath.

sabay bulong ng. "I miss you."

Then I went to my classroom.

Usually, first day of school walang kausap. Culinary Arts pala kinuha kong kurso, yun kasi gusto ko.

Short course lang sya. Pagkatapos nito, sa Manila ko na itutuloy para mag-aral ng Chef.

Si Biboy at Ully magkaklase dahil parehas sila ng gusto ang pagsasayaw.

Si Ranz naman tinuloy na ang Filming Arts, gusto nyang maging direktor.

Si Owy naman business major in Marketing ang kinuha, magtatayo nga kami ng Restaurant.

Si Cav naman hindi pa nakapagdecide pero gusto ng parents nya business kunin nya para sa kompanya nila.

"Hey.." Napatingin ako sa babae.

"Yes.. What can I do for you?" I answered.

"You're so quite. Is there something wrong? By the way I'm Nice and you are?"

"Nothing. I just missed my girlfriend. Nice to meet you Nice! I'm Oliver.."

"I see. So your pure pinoy?" Nice.

"Yes I am. Hindi ba halata? I came from Philippines.."

"Yeah, ako din. Thank you Lord! Maykalahi na ako." Sabi ni Nice, sabay tawa.

"Oliver, you look so familiar..."

"Huh?" Nagtaka naman ako. Ngayon lang kami nagkita nito.

"Naalala ko na. Chicser member ka, Omg! Ika--" tinakpan ko agad bibig nya.

"Sssshhh..." tumahimik naman sya.

"Dito kayo mag-aaral. Ang swerte ko naman, kaklasi pa kita. Sila Ranz ba kasama mo?"

Ayun, tanong nang tanong si Nice. Tumatango lang ako lage, pati ba naman dito sa newyork umabot kasikatan namin.

"Hey Oliver, mauuna na ako. See you tomorrow!" Palaam ni Nice sabay wagayway.

At umalis na sya.

Umuwi na rin ako agad. Nakakapagod din kasi unang araw palang tambak na ang gawain.

Pagdating ko sa bahay. May kanya-kanya na silang ginagawa.

"Oliver, kumain kana ba?" Sabi ni Ully.

"Oo bro, saan sila?"

"Nandoon, may kanya-kanyang ginawa." At bumalik na si Ully sa ginagawa nya.

Pumunta muna ako sa kusina, uminom ng tubig bago pumasok sa kwarto.

Nadaanan ko si Ranz, nakatulog na sa study table nya. Si Biboy naman mahibing narin ang tulog sa kwarto nila ni Ranz.

I Still Love You [GMAIG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon