ISLY 25

132 6 0
                                    

#Spin the bottle

KATHRYN'S POV

Lunes na ng umaga kami dumating sa Maynila. Ligtas naman kaming nakauwi lahat, sympre sobrang saya.

Dahil ngayong araw na 'to, simula ng sembreak namin. Dalawang linggo kase kasama na 'yong all saint's & soul's day.

Pagdating ko sa bahay, may nakita akong isang BMW na sasakyan at iisa lang naman ang nagmamay-ari nito yon ay si Shasha.

"KATH!!!!" salubong nya sa'kin.

"Oh Sha! Ang aga mo ata ngayon? Anong meron?"

"Oh well! Tita Min said na, pumunta ka raw sa Tagaytay with DJ & his companion. So, how's is it? Anyare ha?" Napangiti ako. Si mama ang daldal talaga.

"Wala Sha!. May kailangan ka? Gusto muna kasing magpahinga, pagod ako sa biyahe." Iniwasan ko s'yang sagutin.

"You're vacation will be extended. Do you know why? Dahil pupunta tayo ng U.S at libre ko na sa inyo ni Gi, Kryzel, Lorraine at Issa yun. Don't ever say no Kath...Pinaalam na kita kina Tita. So be prepared, bukas na alis natin. Ayoko nang pahabain 'tong usapan natin dahil magpapahinga ka pa. Kung may gusto kang itanong sa'kin, just call ahead. Byee Kath!!! See yah tommorrow!" Shasha.

Naglaho sya ng parang bula. Walang akong nasagot at naiwan akong tulala sa labas ng bahay namin.

"Anak... nandito kana pala! Nag-usap kayo ni Sha? Naabutan mo ba sya?" Mama.

"Opo ma. Pumayag ka?"

"Oo anak... Kase minsan lang kayo magsasama magkakaibigan. Alam ko naman na magiging maayos kayo. Halika na sa loob at ng makakain ka at makapagpahinga narin."

Pagkatapos namin kumain ni mama, nagpahinga na ako agad kasi sobrang pagod at bukas aalis ulit ako,  but this time sina Gi, Shasha, Kryzel, Lorraine at Issa naman kasama ko.

---

"Kath...gising kana diyan." Si mama pala akala kong sino.

"Hmm, po. Anong oras na po ba?"

"Gabi na anak, alas otso nang gabi" napatayo ako agad.

"Ho?! Grabe ka naman ma! Ba't hindi nyo po ako ginising?"

"Himbing ng tulog mo e. Kain na tayo, si papa mo bukas pa makakauwi dahil out of town din sya. Tamang-tama lang aalis ka din bukas kaya may kasama na ako."

Niyakap ko si mama ng mahigpit. "Ma, salamat po sa lahat ng sakripisyo nyo po ni papa. Hayaan nyo po, tutuparin ko pa din ang pangarap natin. Ilang buwan nalang din po, gragraduate na ako."  Niyakap rin ako ni mama ng pagkahigpit-higpit. Sabay sabing...

"Alam ko anak, malapit na matupad lahat ng 'yon. Ang isa kulang hiling na sana magkatuluyan din kayo ni Oliver, dahil kitang kita ko naman kung gaano nyo kamahal ang isa't-isa. Tandaan mo lagi nandito lang ako susuporta sa'yo kung saan ka masaya doon din kami ng papa mo."

Boom Panes! Sabi nga ni Vice Ganda. Heto ako at naiwang tulala sa sinabi ni mama. Hindi ko sukat akalaing botong-boto at sigurado na syang si Oliver ang makatuluyan ko. Natameme ako...

(All of me... Calling: Julia Montes..)

"Hello Juls, bakit?" Ako

"KATHRYN!!! How are you?"

"Ayos naman. Ikaw ba musta?"

"Heto busy ulit. Nasa ibang bansa kami ni Quen ngayon, nabasa ko kase post ni Shasha sa FB at Twitter punta kayo ng New York bukas na alis nyo, di'ba?"

I Still Love You [GMAIG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon