ISLY 26

120 6 0
                                    

DANIEL'S POV

May pasok ulit. Dalawang linggo kaming hindi nagkita, nagusap at kahit text o tawag wala akong natanggap galing sakanya.

"KUYA!!!!!" JC

"Ah-hh bakit?" Tulala ako eh. Lutang na lutang.

"Si Ate Kath nandoon. Humahabol ata sa enrollment eh, e di ba scholar sya?"

Tumingin ako agad sa registrar office to know if its really true, at nakita ko naman sya.

"Pupuntahan ko muna JC, mauna kana sa klase mo ngayon."

Pinuntahan ko agad si Kath, saktong papatapos na sya sa pag-eenroll.

"Kath...kamusta? Bakit hindi mo ko tinetext? May problema ba tayo?" Kinagulat ko reaction nya dahil hindi man lang sya kumikibo at parang may bumabagabag sakanya.

"Daniel, we need to talk."

Napangiti ako. "Sure, what's all about Kath?"

She took a deep breath and said; "about us."

"And what about us? Is there something wrong between us?"

"Wala. Gusto kong tapusin na natin 'to dahil hindi tama. Maling-mali Daniel...Ayoko nang dagdagan pa ang masakit na ginawa ko kay Oliver, tigilan na natin 'to."

"ANONG SABI MO? ANO BANG NANGYARI SAYO KATH? GANUN NALANG BA KADALI ANG LAHAT? AKALA KO BA MAHAL MO'KO? Kasi kung mahal mo talaga ako, iiwanan mo si Oliver. Bakit ha! Hindi mo ba sinasaktan ang sarili mo sa ginagawa mo?

"Basta. Tsaka, simula ngayon wag mo muna akong lalapitan, kakausapin at itetext." After that, she walked away. Naiwan akong tulala at naluluha sa mga sinabi niya.

Sa lahat ng mga sinabe nya sa akin, pinakamasakit 'yong sasabihin nyang hindi na nya ako mahal.

Pumasok naman ako sa lahat nang mga klase ko ngayon at kahit anong gawin ko lutang parin ako hanggang ngayon.

"Sir, uwi na po ba tayo? Si sir JC po ba hindi pa po tapos ang pasok nya?" Tanong ni Manong Ed.

"Hatid nyo nalang po muna ako sa bahay at balikan nyo nalang si JC mamaya, may pasok pa po yun."

Sumang-ayon at tumango si manong sa akin at pinaandar na nya ang sasakyan.

Pagdating namin sa bahay. Nakita ko si mommy sa may kusina, naghahanda yata.

Binate ko muna sya at hinalikan. "Hi ma."

Aakyat na sana ako nang marinig ko syang kausap si manong Ed."Manong Ed, napaaga ata uwi ni Deej today? Si JC nasaan na po?"

"Ewan ko po kay sir Daniel. Si sir JC naman po, susunduin ko pa. Yun kasi sabi ni sir Daniel, babalikan ko nalang daw."

Pagkatapos sumagot ni manong, umakyat na ako ng kwarto at humiga sa kama tinabunan ko ng unan 'tong mukha ko. Naiiyak ako sa sobrang sakit, hindi ko na kayang itago pa ito.

(simpleng tulad mo) ringtone...

Calling; Seth Gothico

A; Hello tol, bakit ka napatawag (sniff*sniff)

S; Pupunta ako diyan sa bahay nyo. Teka nga Daniel, umiiyak ka ba? Wag mong sabihing ***---

A; Hoy! Seth Hugh Gothico, tumigil ka dyan! Pepektusan kita e! Di porket umiiyak, BAKLA! BAKLA AGAD? PUMUNTA KA NGA DITO, PAG-UUSAPAN NATIN. SIGE NA! BYEEEE

I Still Love You [GMAIG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon