ISLY 24

132 6 0
                                    

This chapter is for Parkers 5.

ENJOY readers! :*

~msshytherside

DANIEL'S POV

October 2014

Mahigit 2 buwan na kaming magkasama. Malakas ang paniniwala kong babalik siya sa akin at magiging kami ulit.

Kahit mahirap at matagal pa, kakayanin kong maghintay maayos lang ang lahat at malaya kaming magmamahalan.

Dahil sembreak na.

Nag-aya ang barkada na magbakasyon ngayong weekend, bago kami magkanya-kanya ng lakad.

"Kuya?" boses ni JC.

"Bakit?, aalis na ba tayo?" Ako.

"Oo. Diba nga, dadaanan pa natin si Kath sa may k---" at tinakpan ko ang bibig nya. Ang ingay e. Marinig pa ni mommy, patay ako!

"Ssshhh! JC, ilang beses ko ba sasabihin na basta kay Kath tumahimik ka."

"Sorry po. Tara na nga. Nasa resort na sila, pati si Barbie." Ngumisi sya.

Sumakay na sya ng sasakyan at dinaanan namin si Kath sa may kanto. Sa Tagaytay kami pupunta.

***

Ilang oras din kaming nagbiyahe bago nakarating sa Tagaytay. May resort kasi ang pamilya ni Kats.

"Hey broooo!" Sabay handshake at yakap magkapatid.

"Nasaan sila bro? Si Barbie?" JC.

"Yun oh! Hinanap agad ang girlfriend nya. Nandoon sa girls room, alam muna. Girl talked raw sila." Kats. Ilang segundo din bago nya napansin si Kath. "Kath, kamusta kana? Long time no see. Pahinga muna kayo at mamaya na tayo magkita-kita sa function hall." Paalam ni Kats.

"Okay. Mag che-check in lang muna kami"

"Wait. May reservation na akong ginagawa e. Hmm..." may tinawag syang staff. " Lisa, saan na yung 2 rooms na pinareserve ko? Luxury lahat yun, katabi ng sa akin?"

"Yes sir. Nandito po 'yong susi ng kwarto..." sabay abot ng susi.

"Heto bro... 'Yong isa para sainyo ni JC, tapos sayo naman 'tong isa Kath." Binigay na sa amin ni Kats ang mga susi. "Akyat na kayo at magpahinga. Kitakits mamaya!"

"Salamat Kats..." rinig kong sabi ni Kath bago umalis si Kats.

Umakyat kami agad para makatulog at ng makapag-pahinga ng maayos.

Magkakatabi lang 'yong mga kwarto naming lahat.

***

Pagkatapos namin kumain ng hapunan. Nagyaya si Katsumi at Seth na tumugtog kami dahil ilang taon na rin kaming hindi tumugtog at nagkasama sa isang prod.

----> play the music: Twist and Shout.

By: The Beatles & Performed by: P5

Natuwa naman lahat ng audience at mga girlfriend namin.

I consider Kath to call as my girlfriend dahil kahit hindi pa nya ako sinagot. Alam kong papunta din kami dyan at dalawang buwan ko na syang nililigawan. Naghihintay lang kami ng konting tyempo para sabihin at aminin sa lahat.

"Dj, ang galing nyo." Kath

"Salamat Kath" sabi ko.

"Guys, stargazing tayo sa labas." Sabi ni Ella, at tumango naman lahat.

I Still Love You [GMAIG Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon