Chapter 27: Together

41 1 0
                                    

Maxine's POV...

Umaga na at nanatiling walang ekspresyon ang muka ko.

"Bessy, ayos ka lang? Kahapon ka pa, ganyan eh." bungad ni Isha pagkababa ko.

"Ayos lang ako.." dumiretso ako sa labas at iniwasan silang lahat.

Nasasaktan pa rin ako sa desisyon ni Dad.

Kaibigan ko kasi si Justine eh. Sya yung nagbigay ng pangalawa kong buhay na kung hindi sya dumating baka siguro nagaagaw buhay na ko ngayon.

30 minutes bago mag-alas otso.

Naglakad ako dahil malapit lang naman yun at siguro 15 minutes lang.

Kailangan ko rin ng exercise para sa sarili ko. Tumataba na ko eh. Kailangan fit ako.

Magle-leave muna ako sa trabaho at maglilibang.

Gusto kong makalimutan si Justin.

Feeling ko sya na kasi yung Ultimate Crush ko. At ewan ko kung mahal ko na sya.

"Ayy sorry.." mahina kong tugon ng maramdaman kong may nakabunggo ako.

Tumingala ako para tignan kung sino yun.

And I'm just like O_O.

napaluha ako ng makita sya.

Tinanggal nya ang Cap at Sumbrero nya.

Niyakap nya ako ng mabilisan at napapikit ako.

"I missed you." bulong nya.

Tumingkayad pa ko para yakapin sya kasi matangkad sya.

"Ako rin, Justin.." ngumiti ako saka kumalas sa pagkakayap namin.

"Kamusta ka na? I thought pinapalayo ka ng Dad mo sakin, kasi alam nya na anak ako ni Carmina Pimentel." mahina nyang sambit.

"Yeah, I know. Pero, ikaw.. kala ko ba nasa L.A. ka?" tanong ko.

"Hinanap kita dito.." sagot nya.

"Talaga?? Pano naman si Carmina Pimentel, baka lalong lumaki ang gulo. Naiipit na ko eh." sambit ko.

"No, don't worry, Maxine.. Hindi kita papabayaan." niyakap nya uli ako unti-uni nang pumatak ang luha ko.

And I'm right, sya nga.

"Justin.." bulong ko.

"Oh, anyway.. san ka pupunta?" tanong nya muli.

"Sa mall sana, eh kaso nakasalubong kita.." natigilan sya at pinahid ang mga luha sa mga mata ko.

"Sana? edi sama ako." aya nya.

"A-ahh, sige." nauna na kong naglakad, at di na tumuloy sa office.

---

"Sige, treat ko." napangiti naman ako ng bahagya at pumayag naman.

"Pizzzaaa!" pagke-crave ko.

"Wow, pareho pala tayo ng favorite." naglakad kaming pareho papunta sa Pizza Hut.

"Good Morning, Ma'am and Sir! any order?" bungad samin nung waiter.

"Ahmm, can I have the Menu Book?" tanong ni Justin.

"Ikaw ba, anong gusto mo?" baling ko naman.

"Ham and Bacon!" sagot nya.

"Wow. pareho talaga tayo, ako rin eh!" nagapir kaming dalawa.

Kinikilig ako! ano baaaa.

"Sir, eto na po."

"Ahh, Miss. eto ngang, good for 30 person na Pizza, ham and bacon." OMOOO

Accidentally In Love with a Mafia Boss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon