Chapter 30: Changes (Part 1)

48 0 0
                                    

Maxine's POV...

Makalipas ang isang araw, madami ring nagbago between Me and Candon.

I don't know kung ano yun, siguro Friendship? Pakikitungo or anything.. I don't know.

Basta ang alam mo tinutukso kami palagi ni Isha.

"Hoy! Mahal na Reyna, may baon pong pagkain ang iyong Mahal na Hari." binuksan ni Isha ang pintuan ng opisina ko at bumungad sa harap ko si Candon.

Naka-amerikana syang grey at nakaneck tie. Aba, saan ang lakad ni koya? CHAROT!

"C-Candon?" medyo nagulat pa ako sa pormahan nya ngayon ah?

Ang pogi nya ngayon HIHIHI.

Luh. Bat ko ba sinasabi yun? Ok, let it out of your mind, Maxine.

"Ha? A-ano yun, Max?" nako. napalakas yata pagkakasabi ko ahh. Tsk. Tsk.

"Wala! Ano.. WALA." palusot ko.

Si Justin naman, pinabalik na ng L.A. and syempre miss ko na sya. Sana bumalik pa sya.

"Flowers oh." sabay abot ni Candon ng bulaklak at napatigil ako sa pagiisip.

"Th-thank you." inabot ko ang bulaklak galing sa kamay nya at tinabi sa lamesa ko.

"Ahmm, pwede mo ba akong samahan? Labas tayo?" aya nya.

"Sure?" pagsangayon ko sabay tayo at kinuha ang bag ko. "San ba tayo? At bakit nakaporma ka yata dyan ngayon." pagbibiro ko.

"Syempre noh. Ilalabas yata kita." nagulat ata ako sa sinabi nya at bigla nya akong hinila papuntang parking lot.

"San tayo pupunta?" tanong ko. Habang pinapaandar nya yung kotse.

"Secret." mahina nyang tugon.

"Luh? Ikaw ha!" pang-aasar ko habang nakatingin sakanya.

"Max. I'll tell you later." kumindat sya ng nakakaloko sakin at nagdrive na uli.

May kakaiba talaga sa lalaking toh ngayon eh. Ano ba kasing meron?

Di ko maisip eh.

Candon's POV...

Nandito kami ngayon sa Restaurant na palagi naming pinupuntahan ni Mom.

piniringan ko sa mata si Maxine bago kami pumasok sa loob.

"Candon. Nasan ba tayo?" tanong nya. Nanatili akong tahimik hanggang sa nakaupo na kami pareho sa table.

Puro roses and balloons ang setting ng date namin ngayon.

Tanging kandila lang ang liwanag namin ngayon dito. Binayaran ko ang buong Restaurant para sa date namin ngayon ni Maxine.

"Ready ka na ba?" tanong ko.

"Mm. Sige!" excited na sambit ni Maxine.

Sinenyasan ko ang waiter na tanggalin ang piring ni Maxine.

Halata sa mga mata nya ang excite at saya.

"Halaa, Candon.. ginawa mo ba talaga toh lahat?" tanong nya.

"Oo naman. Para sayo, Maxine." sambit ko.

Accidentally In Love with a Mafia Boss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon