Chapter 31: Changes (Part 2)

105 2 1
                                    

Maxine's POV...

iniisip ko pa rin yung sinabi ni Candon kahapon eh. May nangyari ba talaga sakin? Nako ha! Pag ako lang..

AHHH! Ayoko na. Ayoko na talaga.

After all what happened, ang dami nang nagbago. Una, di na kami naguusap at nagpaparamdam si Justin.

Pangalawa, close na kami ni Candon, pero parang aso't pusa lang palagi.

Pangatlo, si Isha naman sumipag yata sa pagta-trabaho, isa pa na-promote na sya ni Dad as Editor-in-Chief ng company. Kaya magka-hiwalay na kami ng Office.

Pangapat, di ko na sinusungitan masyado si Candon, at... palagi nya akong sinusuyo.

Panglima, may lovelife na si Isha.

What's happening in the world!?

"Max?" okay, speaking off.

"Pasok na!" sigaw ko.

"Toh naman! Ang aga aga, ang init agad ng ulo ng prinsesa ko." WHAT DID HE JUST FVCKING CALL ME?!

PRINSESA KO?!

Namumuro na to eh. Naiinis na ako!

"Prinsesa ko?" napa-ngisi ako. "Prinsesa mo'to!" pambabara ko sakanya.

"Ayan na po, Prinsesa ko." may iniabot syang box ewan ko kung ano, cupcake yata.

"Ano naman yan?" naiinis kong sambit.

"Edi para sayo, Prinsesa ko." ngumiti sya at lumaba na ng Office ko.

HHHAY! FINALLY...

Nag-inat ako ng may bigla na namang kumatok.

"Sino na naman ba yan? Ang aga-aga mang-iistorbo." napa-nganga ako ng biglang bumukas ang pinto at si Julian ang pumasok.

"Ahyy, Ma'am Hanford sorry po sa istorbo. Ahhm, si Isha po ba, present ngayon?" sus hinahanap na naman nya yung forever nya.

"Hanapan ba ako ng nawawalang tao, Julian?" umirap ako at napa-ihip sa hangin.

Kakaiba na talaga mga tao ngayon eh noh.

"Ahyy, HAHA! hindi po Ma'am Hanford, di po kasi sya nagte-text sakin eh. Kagabi pa." napa-irap na naman ako sa hangin at tumayo.

"Halika. Sumama ka sakin." binuksan ko ang pinto at dumiretso sa opisina ni Isha.

"Hoy. May nag-hahanap sayo." iniwan kong nakabukas ang pinto at hanggang sa labas naririnig ko ang usapan nila.

Kala mo naman naka-kain ng MegaPhone eh.

"HHAYY! nai-stress ako ngayon ha!" sambit ko habang papaupo sa lamesa ko.

Tahimk na tahimik sa loob ng opisina ko habang nag-aayos ng papers ng biglang bumukas ang pinto.

"Ayy, mabahong palaka!" sigaw ko.

"Ang pogi-pogi ko, mabahong palaka?" ngumisi sya at umupo sa harap ko.

Inirapan ko lang sya at tinuon ang atensyon ko sa lamesa.

"Prinsesa ko." hindi ko sya pinansin at nanatili akong nakatingin sa lamesa habang pinipirmahan ang ilang papeles.

---

Habang nasa labas ako ng office ko ay hinihintay ko si Isha dahil sabi nya sabay daw kaming mag-lunch.

"Hoy! Ang tagal mo naman, pagod na pagod na akong tumayo dito." umirap ako sa hangin at nagsimula nang maglakad.

"San ba tayo kakain?" tanong nya.

"Aba! Ewan ko sayo." nanatiling naka-tuon ang atensyon ko sa nilalakaran ko.

Nang makarating na kami sa Mall ay agad kaming naghanap ng makakainan na restaurant.

"Dito nalang bessy oh!" turo nya sa Giligan's

"Ok." maikli kong sagot.

Habang naghihintay kaming dalawa ng order ni Isha ay may sumulpot na langaw kaya napaiwas ako ng tingin.

"Isha. ayoko na dito. Tara na." tatayo na sana ako ng hilahin ako ng langaw.

"Prinsesa ko." pilit nya pa.

"Bat mo ba kami sinusundan?" tanong ko.

"Eh nandito ang Prinsesa eh." pangungulit nya pa.

"Okay na. Ako ang Prinsesa, ikaw ang? Palakang Prinsipe?" umirap ako at natawa naman si Isha.

"Ikaw ang Prinsesa ako ang Palakang Prinsipe, at kailangan mo akong halikan para bumalik ako sa dati kong anyo."

"Wag na! Okay na yung palaka ka!" umiwas ako ng tingin at tila kinikilig pa saming dalawa si Isha.

"Ma'am eto na po yung order nyo." pagdating ng order namin ay umupo sa gitna namin si Candon.

"Miss. Yung order ko dito nalang." luh! makakasabay ko 'tong palakang toh kumain? YIKES.

"Ang baho naman!" angal ko.

"Bakit?" tanong ni Candon.

"Lumayo ka kasi para di bumago dito." nagtakip ako ng ilong na kunwari'y nababahuan.

"TSS.. ang sabihin mo naiilang ka kasi crush mo ko."

"Hoy! Mandiri ka nga!" singhal ko.

Inirapan ko sya at tumingin sa hangin.

Nakakainis na talaga tong lalaki na toh eh. Punong-puno na talaga ako dito.

---

"Ma'am?"

"Ay palaka!" nagising ako bigla ng may pumasok sa office ko.

Nakatungo kasi ako sa lamesa dahil inaantok na ako.

"Ma'am, may naghahanap po sainyo." sambit nung babae na si Ashrine.

"Papasukin mo." inaantok-antok kong sambit.

"Ma'am hininhintay nya po kayo sa lobby." lumabas na si Ashrine at nanatili akong nakatungo at iniisip kung sisiputin ko pa sya o hindi.

Nakapag-isip na rin ako at nagayos ng kaunti para I'm look refreshing.

Nag-elevator na ako papunta sa baba at hinanap yung naghahanap sakin.

"Nasan ba yun?" bulong ko habang nagpa-linga-linga sa loob ng lobby.

"Hi, Maxine." nagulat ako at napa-lingon sa likod ko ng may marinig akong boses.

Napanganga ako ng bahagya at di makapaniwala sa nakita ko.

Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ka lang bumalik? Na-miss kita!

"Na-miss mo ako noh?" pang-aasar nya ng nakaa-amerikana pa sya at may hawak na mga rosas na pula.

"Nakakainis ka!" nag-pout ako at niyakap na nya ako.

Nagsimula na rin akong yakapin sya pabalik.

Di ko naramdaman na may luha na pumatak sa mga mata ko.

"SSHH. baby, don't cry." LUH, ano daw? BABY! WAHHH!

ayoko na! ayoko na talaga! kinikilig ako ng bongga.

Natigilan ako sa pag-iyak, at napangiti ng literal.

"Flowers for you, baby!" ngumiti sya at di ko mapigilang ngumiti.

Iniabot ko ang bulaklak galing sa kamay nya at niyakap muli sya.

"Tara? Labas tayo?" aya nya sabay akbay sakin at lumabas na kami sa Building.

"San naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Yung tayo lang nakakaalam."

itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally In Love with a Mafia Boss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon