Chapter 17: Pagbabalik

47 1 0
                                    

Madine's POV...

"Anak.. Halika, pumasok ka." Di ko maaninag ang muka, pero mahaba ang buhok, kasing tangkad ni Mommy at kaboses nya.

"Anak.. Ako to, si Mom." Lalo akong napaiyak ng magpa-kilala sya bilang Mom ko.

"Mom ??" Niyakap ko sya.

Di ko sya ganon maramdaman, kahit na alam kong wala na syang katawan dahil kaluluwa nalang nya ang kumakausap sakin.

Napakasakit isipin.

"Mom.. Sorry po, sorry po.. Di ko alam kung anong gagawin nung mga araw na yun.. Mom, please.. Sana mapatawad mo ko. Ako ang mismong pumatay sayo.. Mom.. Parusahan mo na ko, kahit ano." Tuloy-tuloy akong umiyak.

"Anak. Matagal na kitang napatawad. Anak, alam ko ang dahilan mo. Anak, kahit anong mangyari, mahal pa rin kita. Anak pa rin kita, Madine Gail." Naka-ngiti nyang sabi.

"Halika, dadalhin kita sa Dad mo." Hinawakan nya ang kamay ko, ang lamig nya.

"No, Mom. Baka galit pa rin sila sakin.. and baka pag-tabuyan lang nya ako.. Mom, I'm Guilty." Iyak na ako ng iyak, at napatigil sa pag-hila sakin. Tumingin sya ng mahinhin sakin.

"Anak.. Hindi yun ang pagmamahal. Naalala mo ba ang huli kong sinabi ko sayo? Bago ka umalis at talikuran ang pamilya mo?" Naka-ngiti pa rin sya.

Tumango nalang ako.

"Anak.. Ang pagmamahal ay hindi binabase sa kanyang ginawa o kasalanan. Ang pagmamahal, Anak.. Isa itong pagsa-sakripisyo. Alam kong hindi ko ito nagawa, pero.. Ngayon.. Ginagawa mo na." Ngumiti sya sakin at napa-tigil ako sa pag-iyak. "Kaya anak. Halika na, nakikita naman ako ng Dad mo. Mag-uusap tayo." Dugtong pa nya.

"Mom.." Ako

"Anak.." pagpilit pa nya.

---
Ng makapasok na uli ako sa Mansion ay maraming nag-bago.

"Ay, Sir! May bisita ho, kayo!" Sigaw nung Yaya, ang tinis ng boses.

Tumingin muna ako kay Mom.

Nasa harap lang kami ng pinto.

"Manang, sino daw?" rinig kong bungad ni Dad.

"Mga babae ho, Sir ehh.. Di ko kilala, dalawa po sila. Parang si Maxine po ehh.. Kamuka nya kasi. Tapos, magandang babae po, naka-puti." Yaya

Tila, naramdaman namin ni Mom na nagulat at natigilan si Dad.

Dahan-dahan syang lumapit samin.

"Dad?" Mangiyak-ngiyak kong bungad sakanya.

"Honey.." naka-ngiting bati sakanya ni Mom.

"Kayo?!" Medyo gulat nyang sigaw. Medyo kinabahan ako.

"Honey? Madine Gail?" Tumango nalang kami ni Mom.

Mayamaya ay nakita ko si Isha.

"Madine Gail? Mrs. Hanford?? Ikaw!?! Walangiya kang babae ka !! Ang kapal ng muka mong tumapak dito! Pagkatapos mong iwanan ang pamilyang Hanford?! Tapos ano?! Ha!? Uulitin mo ??" Sinabunutan nya ko. At inawat kami ni Dad.

Di ko sya pinigilan at alam kong I Deserve it.

"Isha.. Isha.. Isha.. Isha, tama na.." Pinigilan sya ni Dad. At ako naman, pinrotektahan ni Mom.

"Tito.. Yan! Papa-pasukin nyo dito?!" wika ni Isha na tila nagpipigil bg galit sakin.

I did not regret to enter AGAIN this house. But, I used to build my own strength.

Maxine's POV...

Habang nasa Eroplano ako, ay tinitignan ko ang unti-unting pag-akyat ng Airplane sa himpapwid at simulang hindi tumapak sa Pilipinas.

Accidentally In Love with a Mafia Boss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon