Chapter 13: Getting Closer

57 1 0
                                    

Maxine's POV..

Kinaumagahan ay bumisita si Candon sa bahay namin.

"O.. Candon, halika pasok.." Inaya ko syang pumasok sa Mansion namin.

"Hijo.. Andyan ka pala." Biglang dating ni Dad.

"Ahh.. Opo, may pasalubong po kasi ako." Sabay abot sakin ng isang box ng Cupcakes ata.

"Ayy.. S-salamat."

"Nako, nag-abala ka pa hijo. Halika, maupo ka." Aya ni Dad.

"Hindi na po, Tito.. Alis na rin po ako agad."

"H-ha ?? Bakit ?? Kakarating mo lang aalis na ka na agad ???" Pag-tataka ko.

"Oo nga, hijo." Pag-sang ayon rin ni Dad.

"Hindi po, may kailangan pa po kasi akong puntahan." Dahilan nya.

"S-sige.. Ingat ka, bye."

"Ingat ka, Candon." Paalala naman ni Dad.

Nang makaalis na ang kotse nya ay sakto namang dumating si Isha.

"O.. Sino yun ?? Si Candon ??" Singit ni Isha, kaya napalingon kami pareho ni Dad.

"Oo." Sagot ko, napansin naman nya yung hawak ko.

"Uyy.. San galing yan ?? Kay Candon noh ??" Tukso pa nya.

Hindi naman umiimik si Dad at nakiki-sosyo nalang samin.

"Luhh.." Iniwasan ko sya, dahil baka mainis na naman ako sa Tukso nya.

Sumunod pala si Dad at Isha sakin.

Umupo ako sa Couch at nilapag sa lamesa yung Cupcakes.

Tumabi naman si Isha.

"Uyy.. Bigyan mo naman ako nyan." Pang-aasar nya.

Naka-cross arms ako at naka-cross legs.

"Pwede ba, Isha ?? Ang aga-aga, aasarin mo ko dyan sa Candon na yan."

"Alam mo, hija.. Anak, may gusto ata sayo yang si Candon ehh.." Umupo sya sa kabilang Couch.

"Luhh ?? Dad, don't tell me, nakikisakay ka rin sa Kulelat na to."

Sabay tingin ng masama kay Isha.

"Maxine, Anak. Napapadalas na rin kasi ang pag-puna ni Candon dito, he always brought you an Food or Flowers, or any gifts." Dad

"Dad, wala lang yun. Best friends lang kami nun. Bati na kasi kami, kaya todo suyo." Palusot ko.

"Uy.. Best Friends to Boy Friend.. Ayyiieee.." Panubukso pa ni Isha. Kinurot ko naman yung maputi nyang Legs.

Buti nga.

"Anak. Baka naman, he's Secretly Scourting you." Sabay ngiti ni Dadna nakakaloko.

Candon's POV..

"Ano, Bro.. Tinanggap ba ni Maxine ??" Tanong ni Miguel.

"Oo." Saby ngiting nakaka-kilig.

"Wooss.. Ligawan mo na kasi.." Panunukso pa nya.

"Hindi pa ba yung ginagawa kong yun ??"

Nagulat na naka-ngiti si Miguel.

"Bro ?? Talaga ??!" Napatayo sya at niyakap-tapik ako.

"Bro, pano ?? Hindi naman nya alam yun. Bro, This is what you called 'Secretly Courting' bro, congrats."

"Pero, Bro.. Mamaya, sa opisina.. May surprise ako kay Maxine. Gusto ko, kausapin mo yung mga ka-opisina ni Maxine. Bili mo ko ng 5 ft na Teddy Bear, eto.. 2, 500 lang yun." Sabay abot ng pera sakanya.

"Bro, ibang klase ka manligaw." Gulat nyang sabi.

"Tsaka, 20 single Red Roses. Tapos, Perero Chocolate, isang Tobleron, tsaka Kitkat lima. Tapos, yung Polaroid na latest Version. Alam ko kasing mahilig sya dun." Binigyan ko sya ng dagdag na 5k.

"Bro !! Di kita kinaya !" Nanlaki ang mga mata nya sa mga Sinabi ko.

"Secretly Courting nga diba ?? Haha.." Mayamaya, ay di ko namalayan 7am na pala.

6am palang kasi, nandun na ko. Inagahan ko, para makapag-handa nung Surprise sa Office nya.

Pagka-alis ni Miguel, para bumili ng inuutos ko ay tinawagan ko naman agad si Tito Marcus at si Isha.

Tito Marcus Dialling...

"Hello po, Tito Marcus ??"

(O.. Candon, napatawag ka ??)

"M-may.. May.. Si Maxine po kasi, may inihanda po akong Surprise para sakanya sa Office nya, f-fa-favor lang po."

( ahh ganun ba ?? Anong gusto mong gawin ko, Hijo ??)

"Gusto ko po sanang pakisabi nyo kay Maxine, 9am nalang sya pumasok."

(Ahh.. Sige, sige. Ako na ang bahala hijo."

"Maraming salamat po, Tito Marcus."

(No problem, hijo.)

Call ended...

"Hhayyss.. Hoo !" Excited na singhal ko, tinawagan ko naman si Isha.

Isha Dialling...

(Bakit ??)

"May papagawa sana ako.."

(Ano yun ??)

"Gusto ko sanang, ayusan mo si Maxine. Gusto ko yung maganda suot nya, naka-braid ang buhok, at simpleang make-up lang."

(Ano na naman bang balak mo, Candon ??)

"Basta, mauna ka na dito, pag-usapan natin sa Office. Alam na yan ni Tito Marcus."

(Sige.. Bye.)

Call ended...

Excited na excited na ko mamaya.

Naligo na ko at nag-bihis agad.

Dinala ko yung Necklace na ibibigay ko sakanya.

Ngayong araw, May 10, 2017. Ay liligawan ko na sya. Mag-tatapat na ko.

Pero, bago yun. Sasabihin ko muna ang plano ko.

Kukuha ako ng 20 employies na ka-close ni Maxine, kasama na dun si Isha.

Mag-bibigay sila isa-isa ng Red Rose. Pagka-tapos nun ako ang huli. Teddy Bear ang ibibigay ko sakanya, pati Necklace, Chocolates, and Roses.

And after that, gusto ko mapa-sagot ko sya. Not the event na magiging kami na, yung tipong papayag lang sya na ligawan ko.

Mayamaya, ay naka-rating na ko sa Office at nandun na si Isha.

"Antagal-tagal mo !" Sabay irap ni Isha.

"Nagpa-pogi pa ko ehh." Sagot ko, sabay ayos ng buhok.

"Alam ko na plano mo.." Singhal nya.

"Liligawan mo Best Friend ko noh ??" Sabay taas ng kilay nya, tumayo na sya at kinuha ang phone nya.

"Ano bang balak mo ??"

After a while, ay nakuwento ko na kay Isha yung dapat nyang gawin, at sakto dumating na si Miguel, kasama yung mga Employies na kasama sa Surprise.

"Alam nyo na gagawin nyo ha ??" Tumayo ako at sinabi yun lahat sakanila.

Mayamaya at napansin kong pumasok si Tito Marcus.

"Tito.." Bati ko.

"Alam ko na ang plano mo, hijo. Liligawan mo ba ang anak ko ??" Nagulat ako sa tanong nya.

"Ahh.. Ahh.." Di ako maka-sagot.

"Opo. Mr. Gregorio." Sagot ni Miguel.

"Ayyiiee.." Singhal ng mga Employies.

---

Naayos na namin ang Surprise Setting sa Opisina ni Maxine.

"Ako ang bahala, Hijo." Sabay tapik sakin ni Tito Marcus. Lalong lumakas ang loob ko.

Mayamaya ay napansin kong parating na si Maxine.

Accidentally In Love with a Mafia Boss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon