Chapter 7: Ms. V

62 2 0
                                    

Evaness's POV...

Di nyo pa ba kilala si Ms. V ??

Well, sige papakilala ko sya sainyo.

She's my Mom. Mommy namin ni Denver.

Galit na galit sya kay Maxine at gusto nya itong patayin.

Dahil.. Sa pag-tutol nya kay Marcus Hanford at kay Mommy para maging mag-asawa..

Walang nagawa si Marcus at di nya pinigilan si Maxine. 2 years ago palang simula nung mamatay ang mommy ni Maxine.

Gusto sanang pagsamahin ni Mommy ang Gang at ang Gang ng pamilya ni Marcus.

Sumusunod lang kami sa mga patakaran ni Mommy. Dahil kung hindi. Evil Grin.

Nasa burol na kami ngayon.

"Mommy." Hinawakan ko ang kamay ni Mommy para kumalma. Pero hinagis nya ako na dahilan para matumba at mapa-upo ako sa sahig.

"Leader.." Tinulungan ako ni Jennifer at ni Ella tumayo.

"Evaness." Hinawakan naman ako ni Denver.

Tinignan ko ng masama si Mom.

"Ms. V ginagawa naman namin ang lahat ahh !" Sumbat ko kay Mommy. Tumingin sya sakin na umuusok ang ilong.

"Ginagawa nyo lahat?! Ha?! Bakit di ko makita si Maxine dito na naghi-hirap!?" Hinagis ni Ms. V lahat ng gamit sa lamesa.

"Ms. V di naman ikaw ang nahihirapan ahh?! Bakit, ikaw ba ang nagpapaka-hirap.. Wag mo kaming sumbatan ng ganyan kung wala kang nai-tutulong kundi humilata o manladi ng iba dyan !" Sinampal ni Mommy si Denver. Nag-walk out kaming lahat at naiwan sya Sa Ground Floor ng Hide Out namin.

"Leader.. Denver.. Ayos lang ba kayo ??" Tanong ni Hanny.

Tumango nalang kami.

"Hanny.. Mag-handa ka ng mga armors natin. Papatayin natin ang pamilya ni Maxine. Gusto kong ipa-muka kay Ms. V na sapat lahat ng ginagawa natin.." Galit kong sabi sakanila.

Tumingin naman silang apat sakin.

"Bat kayo nakatingin ??" Pinagpapawisan ko ng tanong at hinihingal na.

"Leader diba sabi mo buk--" naputol ang sasabihin ni Ella ng bigla akong tumumba.

Denver's POV...

"Leader diba sabi mo buk--" naputol ang sasabihin ni Ella ng biglang tumumba at nawalan ng malay si Evaness.

"Evaness !" Pag-aalalang sigaw namin. Binuhat ko sya.. Dahil ako ang nagiisang lalaki at kapatid ko sya.

Dinala namin sya sa kabilang kwarto. Abandoned Building kasi to. Parang malaking bahay na abandonado.. Ewan, basta building na madilim. Pero, binuhay namin yun. Yung loob lang naman. :)

Makalipas ang isang oras wala pa ring malay si Evaness.

"Evaness ??" Sabay tapik ko sa pisngi nya.

"Van.." Tumulong din si Jennifer sa pag tapik kay Evaness.

Mayamaya ay unti-unti nang namulat ang mata ni Evaness.

"Evaness !" Niyakap ko sya. Malamang sa malamang, nagtaka kayo kung bakit ko sya niyakap?

Syempre, kapatid ko sya.. Mahal na mahal ko yang kapatid ko.

"Hhoy.. Ang drama mo.. Eww." Napaka-arte talaga netong si Evaness kahit kelan.

Tumayo sya at tinulak ako ng bahagya. Ngumiti naman ang ibang Gang.

Maxine's POV...

Minulat ko ang mga mata ko at nasilaw sa ilaw. Nasa bahay na pala ako, nakita ko sa tabi ko si Candon at si Isha.

"Maxine!" Nagising si Candon na naka-higa yung ulo nya sa gilid ng kama ko.

"Beshy ! Anong nangyari ? Bat ka nawalan ng malay ??" Nag-aalalang tanong ni Isha.

"Ehh kasi.. May panyong pinaamoy sakin yung lalaki." Medyo mapungay pa ang mga mata ko na nakatingin sakanilang dalawa.

Hinawakan ni Candon ang kamay ko at mainit ito.

"Mainit ang kamay mo.. *hinawakan pati ang noo at leeg ko* mainit ka Maxine."

Eww. Hinawakan ako ni Candon. Yikes lang huh ??

At dahil nanghihina ako may tsansa na syang hawak-hawakan ako. Di pa kami close noh!? Ewss lang. Sya sumira sa damit kong mas mahal pa sa buhay nya. '_'

Mayamaya, ay sumakit ang ulo ko at sa sobrang sakit ay nawalan ako ng malay.

---
Pagka-gising ko gabi na ata or madaling araw.

Joke, tanghali palang.. Nakuha ko pang mag-joke noh ?? Kahit may sakit pa ko.

"Anak.. Pagod ka siguro. Buong mag-damag nagta-trabaho ka. Tapos, wala ka pang tulog. Tapos, may la--" pinutol na ni Dad ang sasabihin nya ata baka malaman pa ni Candon na may Gang ako.

Narinig ko ang splash ng tubig, nagpi-piga ng tuwalya si Isha at nilagay sa noo ko. Nakaupo naman sa tabi si Dad sa may chair.

"Dad.." Nanghihina kong tawag.

"Ako muna, ang magaasikaso ng trabaho mo. Kami ni Candon. Si Isha muna ang mag-aalaga sayo." Sabi ni Dad.

"Maxine ??" Dumating si Candon na may dalang lugaw or soup ata. Umupo sya sa tabi ko at inupo ako ni Isha.

Dahil nanghihina ako at gusto ko ng gumaling agad para makapag-trabaho di na ko umarte pa.

Sinubuan ako ni Candon. Di ko alam kung bakit nya to ginagawa.

Candon's POV...

Pagka-tapos kong pakainin si Maxine ay agad na kong lumabas. Di ko alam, nakasunod pala si Tito Marcus.

"Ahmm.. *ehem*," pagpa-paramdam ni Tito sa likod ko, kaya naman lumingon agad ako.

"Tito.." Baling ko naman sakanya.

"Halika dito.." Pumunta kami sa isang Couch malapit sa kwarto ni Maxine.

"Salamat.. Salamat, dahil ambait mo sa anak ko.." Yun lang pala..

"Ahhh.. Tito, wala po yun.. Tumutulong lang." Pawalang malisya kong sagot.

"No. Let me tell you something about her.. Alam kong hindi pa kayo masyadong magka-kilala ni Maxine.. Pero, kung alam mo lang.. She's a very kind daughter and woman of a kind.. Matulungin, pero.. Nung once na mamatay ang mommy nya.. She's not like that anymore.. Dahil yun sa kapatid nyang nag-rebelde sa pamilya namin. Naging maldita, masungit, at sumama ang ugali.. Ako na ang nagso-sorry at humihingi ng pasensya sa ugaling pinapakita nya sayo.." Maikling pagpapa-kilala sakin ni Tito kay Maxine.

"Hehe.. Okay lang po, iniinindti ko nalang po.. Atsaka, alam ko pong napaka-sipag nyang Tao." Sagot ko naman.

"Candon.." Humawak sya sa kanang balikat ko, kaya nagulat naman ako.

"T-tito ??"

"Candon.. May plano na ko sa anak ko ehh... Her Future Life.." Laking gulat ko nalang ng sabihin nya yun sakin.

"What do you mean, Tito ?"

"Matagal-tagal ko na ring napag-isipan to.. Kaya naman.." Tumingin sya ng deretsa sakin.

"Tito ??"

"And I cho--" naputol Ang sasabihin ni Tito ng dumating si Isha.

"Tito.. Hinahanap po kayo ni Maxine." agaw eksena naman to si Isha.

"Ahh bakit daw?"

itutuloy...

Accidentally In Love with a Mafia Boss (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon