KABANATA 2 (PART 2)
"Ysa!! Ysabella!" Tawag ng isang babaeng may athletic built na pangangatawan, fair skin, sky blue hair with greenish eyes sa babaeng may long black wavy hair, gray eyes pointed nose at heart shaped lips na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.
"What?" Malamig na tugon ni Ysa kay Jordane. Si Jordane ay galing sa US at umuwi lang dito sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo. "You dropped this!" Inabot niya kay Ysa ang pulang card. Nanlaki ang mga mata ni Ysa at agad na kinuha at pinasok sa kanyang bag ang card. Walang pasalamat niyang tinalikuran si Jordane at bumalik sila sa pagtatawanan at kwentuhan. Kumuha si Jordane ng isang asul na card sa bag niya para ipakita kay Ysa pero nakalayo na pala ito sa kanya.
Umalis nalang din siya pabalik sa kanilang klase. Habang naglalakad sa hallway, nabangga siya ng isang babae na may long black hair with red curly ends, morena at may magagandang itim na mata, si Saraffica na mas kilala sa pangalang Raffy. Nagliparan ang mga papel na dala nito sa ere kasama ang isang pulang card na kagaya sa asul na card ni Jordane.
"Naku! Sorry po! Hala! Yung mga papel ko!" Sigaw nito at agad na pinulot ang mga nagkalat niyang papel sa sahig. Habang nagpupulot si Raffy ng mga papel ay agad na umalis si Jordane may nakasalubong pa siyang isang babae na may long brown wavy hair, may chubby na rosy cheeks at may dimples sa kaliwang pisngi habang nakapout. Hinahabol ito ng lalakeng gwapo na may messy light brown hair with matching brown eyes. "Crystal! Hintay!" Tawag nito dun sa babae. Umalis nalang si Jordane na napapailing.
"Bilisan mo kasi, Kei! Psh." Inis na sabi ni Crystal, napatakbo naman si Kei papunta sa tabi niya at ngayon ay sabay na sila sa paglalakad. "Wag ka na kasing magtampo, Crystal. Magtatampo na nga lang rin ako, hmp!" Humalukipkip pa ito at huminto sa paglalakad.
"Aish! Nakikiuso ka sa pagtatampo ko? Ako dapat yung magtampo kasi di mo man lang sinabi sakin na sasali ka sa larong yun! Tsk. Sige na nga, lilibrekita sa Jollibee. Wag ka nang magtampo." Pangungulit naman ni Crystal na ngayon ay nakapuppy eyes at pout kay Kei. May sumabat naman sa kanila, isang lalakeng parang bagong gising na nakasuot ng plain brown V-neck shirt, plain white shorts at may hawak na shades, "LQ?" wika niya na nang-aasar.
"Psh. Umalis ka na nga Zed." Galit na wika ni Kei, kakambal niya si Zed ngunit di sila pareho ng apilyedo dahil pina-ampon si Zed sa pamilya ng mga Takishima dahilan narin ng pagkakalayo ng loob nilang dalawa. Akmang aalis na si Zed nang tawagin siya ni Crystal at tinanong kung sa'n siya pupunta at ang taning sagot niya lang ay, "Matutulog ako sa rooftop." At umalis na siya ng tuluyan.
Kinukulit uli ni Crystal si Kei at laging sinasabi na ililibre niya ito sa Jollibee. "Sige na nga! Libre mo ko ha?" Pagsuko ni Kei kay Crystal at nagtungo agad sa Jollibee. May nakita sa daan si Crystal na isang brown na card kaya pinulot niya ito at laking tuwa niyang pinakita iyon kay Kei. Makakasali na rin siya sa laro dahil ang napulot niya ay isang pass sa laro na katulad kay Kei.
Pagpasok nila sa Jollibee ay bumungad agad sa kanila ang mahabang pila sa tatlong counter. "Ang haba ng pila." Wika ni Kei. Pero agad din namang pumwesto sa linya, libre daw kasi ng bestfriend niya. "Diba si Kraisler yun?" Turo ni Crystal sa isang lalake na brown hair at brown eyes na nakasuot ng berdeng polo. Kunot noo itong nakapila sa linya at halatang nauubusan na ng pasensya bukod sa mabagal na pag-usad ng pila ay marami ring nakatingin sa kanya.