a/n: Sa mga excited po sa patayan, gusto ko po muna ipakita sa inyo ang susunod na field kaya be patient po at dadating tayo sa kamatayan niyo :D
----------------------------------------------------------------------------------------------------
Oasis and the Dates
Scarlet's POV
Pagkarating namin dito sa desert oasis which is puro tubig lang ang nakikita namin eh, kinuha na rin namin ang tumbler na nasa mga bag namin pati na yung mga tumblers na pinadala ng mga kasamahan namin. Habang nilalagyan ko lahat ng tumblers ay kumukuha naman si Gray ng bunga ng date palms at nagbabantay naman sina Drake at Zed baka bigla nalang kaming atakihin habang nag-iipon ng mga supplies.
May nagpaputok naman ng baril at biglang bumagsak sa buhangin si Gray pati ang isang tangkay ng dates. "Gray!" Sigaw ko sa pangalan niya. Dahan-dahan siyang tumayo at nagtago sa likod ng puno ng dates.
"Yumuko ka lang at magpatuloy sa pagkuha ng tubig." Bulong naman ni Drake sa akin. Buti nalang at isa nalang ang tumbler na di ko pa nalalagyan. "Fire Killers, I should've known. Kasama nila si Shawn." Bulalas naman ni Zed na ngayon lang naisipang magsalita pero sino si Shawn?
"Muntik na akong matamaan kanina, pinaputukan ako ng baril ng isang bata. Tara na, tama na siguro 'tong nakuha kong dates. Bilis! Bago pa tayo maabutan ng mga killers na yun." Sinuot ko na ang bag ko at agad na tumakbo, nakaramdam ako ng isang matulis na bagay na lumilipad sa gawing kaliwa ko kaya nagbend ako ng konti paatras at nakita ko ang isang pana na umiikot pa sa ere at tumusok sa buhangin. Nanlaki ang mga mata ko, muntikan na ako dun ah.
"Ayos ka lang, Scralet?" Tanong sa akin ni Gray na nasa likod ko, tinanguan ko lang siya. Nakakatakot naman 'tong mga kalaban namin, sagad kong tumira. Pinapaulanan na nila kami ng mga pana. Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa hita ko at nagpagulong-gulong ako sa buhangin. "Scarlet!" Pasigaw na sambit nila sa pangalan ko.
"Mauna na kayo, bilis! Kunin mo bag ko Gray! Nandyan ang mga tubig, bilis na! Maabutan na nila kayo." Pagtataboy ko sa kanila, magiging pabigat lang ako kung bubuhatin pa nila ako pabalik. Pero hindi nila ako sinunod at binuhat pa ako di Gray, yung bridal style ang dating. "Gray?" Tumatakbo parin siya habang karga niya ako. Sina Zed at Drake naman ang nakabantay sa likod, ginagantihan din nila ng paputok ang Fire Tribe.
Papasok na kami sa City of Ruins nang papalabas din dun ang galing sa Green tribe, o sabihin nalang natin na Wind thieves. Gulat ang mga expression nila nang makita kami pero hinayaan nila kaming dumaan at nagpatuloy rin sila sa pagtakbo. Habang papalayo sila ay sumigaw pa ang kaisa-isahang lalake na kasama nila, "Salamat nga pala sa dates!" Napatingin naman si Gray sa kamay niya na kanina ay hawak hawak lang ang isang tangkay ng dates pero ang natira nalang ngayon ay ang hawakan nalang. "Damn those fvcking thieves!" Napatawa nalang kaming tatlo sa mga sinasabi ni Gray. Wala na kaming magagawa, nanakaw na nila yung dates at mahirap labanan ang mga yun lalo na't out numbered kami at sugatan pa ako. Naisip rin siguro ni Gray yun kaya pinabayaan niya nalang.
Nakarating na kami sa mga kasamahan namin. Sinalubong nila kami. "Buhay ka pa Zed? Tsk." Salubong ni Kei sa kanyang kakambal. "Tsk. Shut up, Kei. Matutulog na ako." Pumasok siya sa isa sa mga bahay at hindi ko na alam ang ginawa niya. "Tsk. What a jerk. Hala! Napano ka Scarlet?" Alala namang tanong ni Kei sa akin.