Hired Killers
Ametheia's POV
"Maganda ba?" Tanong ko sa tatlong taong nakagapos sa kani-kanilang mga upuan. What a nice sight! Ang papanget nilang umiyak! Nakakarindi ang bawat tinig! Nakakairita! Kung tutuusin, pwede ko na naman silang patayin ngayon din pero uunahin ko munang durugin ang puso nila habang unti unti ko nang inuubos ang mga manlalaro kasama ang mga anak nila.
"Zombie, hindi yan tunay. Walang zombie sa totoong buhay!" Bulalas ni Rick. Humalakhak ako sa sinabi niya at nagpahid ng mga mata na napaluha sa paghalakhak. Pinutol ko ang aking tawa at hinarap sila na seryoso ang mukha. "Totoo ngang walang zombies sa totoong buhay, baka naman nakakalimutan niyong ako ang gumawa ng larong ito kaya't kung ano man ang gusto kong gawin sa laro ay magiging posible." Humalakhak ulit ako nang makita ko ang mga matatalim nilang mga tingin sa akin.
Kinuha ko ang isang remote at pinindot ang red button. Bumukas ang ilalim ng kinatatayuan namin at lumabas doon ang pinakamamahal kong kuya, si Kuya Rade, na nasa loob ng tube. "Tignan niyo, kilala niyo naman siguro siya? TIGNAN NIYO!" Napasigaw ako nang pilit nilang wag tignan si kuya. Ayaw parin tignan ni Tikoy ang kuya ko kaya't nilapitan ko siya't marahas na pinalingon ang kanyang matigas at makapal na mukha.
"At Tikoy, I'm sorry about your daughter, what is her name again? Khathie? At first, I didn't know that she was your daughter 'coz she's not using your surname. Well, someone killed her. Someone I hired." Tumawa ulit ako nang makitang naiiyak na naman si Tikoy. GOD, he's fvcking ugly! Hindi nagmana mga anak niya sa kanya at nagulat akong may pumatol pa sa kanya.
It's true that I hired someone to join the game, not just one but three to be exact. If they accomplish their mission, I'll give them what they want IF they'll get out of there... ALIVE.
**********
Vanix's POV
Napahinga ako ng maluwag nang makita kung sino ang umakap sa dalawang lalake na nagbukas ng pinto. Sina Yazzy lang pala at Hope na hinihingal pa at nakapatong sa ibabaw ng dalawang lalake. "Oww..." hinimas pa ni Caelum ang kanyang ulo dahil na nabagok pa ito nang bigla silang sunggaban ng dalawa. "Who the he-- IT'S YOU! Where did you go? You really are an idiot, aren't you?! And you two, don't make the people here worry about you!" Napapapikit lang si Yazzy sa bawat sermon ni Caelum sa kanya.
Napaupo si Caelum habang nakapatong parin si Yazzy sa kanya at mariing nakapikit baka dadagdagan pa ni Caelum ang sermon sa kanya. Sa halip na sermonan ay niyakap lang siya ni Caelum na ikinagulat niya. Nang makabalik sa katinuan ay napag-alaman niyang nakaupo pala siya sa mga hita ni Caelum at nakasubsob ang mukha ng lalake sa kanyang balikat.
"Ehem," pekeng ubo ni Yazzy para maistorbo ang pananahimik ni Caelum sa balikat niya. Mas humigpit ang yakap nito at nagpumiglas na si Yazzy. Di ko naman mapigilang ngumiti ng palihim sa mga nakikita pati rin kasi ang magbestfriend na sina Ean at Hope ay nagyayakapan na.