Kabanata 9

415 20 63
                                    

Nagdilim na Kalangitan

Sa gitna ng mga malalaking gusali at mga sasakyang nagkalat sa daan makikita mo ang isang madugong labanan.

Labanan sa pagitan ng mga Wind Thieves at Earth Hunters. Nagpapalitan ng mga putok at kanya-kanyang wasiwas ng mga sandata.

"Walang natatamaan! Lima lang sila pero masyado silang madudulas!" Wika ni Gray sa mga kasamahan niya.

"Napansin namin iyon, Gray. Di mo na kailangang isigaw pa." Wika naman ni Zed na naghihikab habang nakupo lang.

"Mabuti pa ay mag-isip muna tayo ng plano dahil nasasayang lang ang mga bala natin sa kanila." Suhestiyon naman ni Kraisler.

"Hoy, Kei, nagsasayang ka lang daw ng bala." Sabi ni Zed sa kanyang kakambal. Napatigil naman ang kanyang kakambal sa pagtira at saka siya nilingon na nakakunot ang noo. "Anong sabi mo?! Eh kung iharang mo kaya yang katawan mo nang may silbi ka naman!" Ganti naman ni Kei na umuusok na ang ilong sa galit.

"Haha, tamo 'to! Lumalaki butas ng ilong mo! Haha." Asar na naman ni Zed sa kanyang kakambal, muli siyang naghikab at binalingan ng tingin si Kraisler. habang si Kei naman ay pinipigilan ni Crystal na sumugod para banatan ang kakambal niya. "So, ano na gagawin natin?" Tanong ni Zed sa matalinong si Kraisler.

Napahawak si Kraisler sa kanyang baba at nagsimulang mag-isip. Habang nag-iisip si Kraisler ay bigla nalang sumulpot na isang babae sa kaliwang bahagi ng kanilang pinagtataguan. "You bastards! I'm so pissed off right now! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!" Sigaw nito saka sila pinaulanan sila ng bala. Nagpagulong-gulong ang iba para makaiwas sa mga bala niya at yung iba naman ay sinasalag ang mga bala sa pamamagitan ng kanilang mga espada.

Bigla nalang natigil ang pagputok ng mga baril ng babae at saka nila ito sinilip. Nagtago na kasi sila sa likod ng isang pader. Napaluhod ang babae at bigla nalang nagsisisigaw at umiiyak. "Kei! Chance na natin 'to! Tirahin mo na!" Utos ni Kraisler kay Kei. Pinalitan ni Kei ng magazine ang kanyang mga baril at agad na tinutok ito sa ulo ng babae na patuloy parin sa pag-iyak habang bagsak ang dalawang kamay sa lupa.

Handa na si Kei sa pagtira, when he pulled the trigger, the gun's noise echoed and silence comes after that. "YAZZY!" Some girls shouted a name.

"Kraisler! Did I get her? Did I?" Masiglang tanong ni Kei na napapa-english na. "YAZZY!" Muling sigaw ng mga babae.

Caelum's POV

The Death's Game [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon