Chp.3//Stacey

243 8 1
                                    

[A/N: This chapter is dedicated to ChillCharmer ^^~ ]

Nandito ako ngayon sa dorm. Kahapon, pagkatapos ng pag-uusap naming yon ni Daryll ay hindi na siya pumasok sa mga sumunod na klase.

Bago mag-uwian ay ipinatawag ako sa head master's office na siyang pinagtaka ko.

Ano naman ang kailangan nila sa akin at kailangan nila akong ipatawag? Hindi kaya alam na nila ang sikreto ko?

Pagkarating ko doon ay bumungad sa akin ang dalawang matipunong lalaki at isang batang babae. Siguro ay nasa mid40's na ang dalawang ginoo samantalang high school pa lamang ang babae base sa uniporme niya.

Dito rin siguro siya nag-aaral sa Blackwell Academy base sa uniporme niya. May high school division at college division kasi ang academy. Sa north wing ang high school samantalang sa south wing naman ang college.

Nakaupo ang isa sa upuan sa harap ng isang desk na nakilala ko dahil sa pangalan sa plate niya sa mesa. Kung ganoon ay siya pala si Mr. Johnny Blackwell, ang may ari ng academy na ito.

Nakaupo namang magkatabi ang batang babae at ang isa pang ginoo sa harap nito. Mukhang mag-ama ang dalawang to.

Lalo tuloy akong nagtaka kung anong ginagawa ko roon. Iniisip ko tuloy kung bakit ako pinatawag.

Naputol ang pag-iisip ko ng nagsalita na si Mr. Blackwell.

Yung batang babae. Stacey Nebres pala ang pangalan niya. At ayon kay Mr. Blackwell ay siya ang magiging roommate ko.

Ayoko man sana ay hindi naman ako pwedeng tumanggi.

Nakatitig sa akin noon si Stacey kaya marahan ko rin siyang tinitigan. Doon ko lang napagtanto na kaparehang kapareha ng mga mata niya ang mata ni Daryl.

Magkakaanu-ano kaya sila? Impossible namang magkapatid sila dahil magkaiba ang mga apelyido nila.

Noong hapon ding yun ay lumipat na ng kwarto ko si Stacey.

Napag-alaman kong nagpakamatay pala ang dati niyang roommate sa mismong silid nila kaya siya inilipat sa akin.

Nalaman ko ring anak pala ni Mr. Blackwell si Daryll at yung lalaki naman sa opisina kanina ay kapatid ng ina nito. Kung ganoon ay magpinsan pala sila ni Stacey.

Siguro'y sa ina ni Daryll nakuha ang malaabong kulay ng kanyang mata. Itim na itim kasi ang kulay ng mga mata ni Mr. Blackwell.

Ngayong may kasama na ako sa silid ay kailangang mas mag-ingat na ako. Hindi nila pwedeng malaman ang tunay kong pagkatao.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Kanina pa naka alis si Stacey dahil mas maaga ang pasok niya kaysa sa akin.

Nang matapos akong maligo ay may napansin akong bagay na nakakalat sa sahig.

Isang kwintas.

Kwintas na may pendant na six-sided star.

Nagulat ako. Katulad ito ng kwintas ko. Ang pinagkaiba lamang ay crescent moon ang pendant ng akin. Pero, paanong nagkaroon ng ganito si Stacey?

Ang kwintas na ito ay siyang pinagmumulan ng kapangyarihan naming mga bampira. Ang kwintas na nasa sa akin ay galing sa yumao kong ina.

May possibilidad kayang may lahing bampira rin si Stacey? Gusto ko siyang tanungin pero sigurado akong mas lalo lamang siyang maghihinala sa akin. Hindi pa ito ang tamang panahon para matuklasan nila ang pagkatao ko.

Inilapag ko na lamang sa bedside table niya ang kwintas.

Kung may lahi nga siyang bampira. Ibig sabihin ay mas lalo akong dapat mag-ingat laban sa kanila.

Nagbihis na ako ng uniporme ko at dumiretso na sa classroom ko.

Medyo napaaga yata ako dahil tatalo palang kaming nandito sa silid aralan.

Kung hindi ako nagkakamali ay Troy ang pangalan niya. Siya ang presidente ng klase sa pagkakaalam ko.

Narito narin pala si Daryll. As always, nakasaksak na naman sa tenga niya ang ear phones habang nakatungo sa mesa.

Maya maya ay nagsidatingan narin ang iba naming mga kaklase.

Hindi katagalan ay dumating narin ang proffesor namin at nagsimulang magturo.

Nang matapos ang klase ay nagulat na lamang ako ng biglang nagsalita ang katabi ko.

"Ang balita ko roommate mo na raw si Stacey."

Walang emosyong sambit niya sa akin. Napatango na lamang ako bilang sagot.

"Mag-iingat ka sa kanya."

And with that lumabas na siya ng klase.

Mag-iingat ka sa kanya.

Bakit? Hindi kaya may alam siya tungkol sa katauhan ni Stacey? Or worse baka pareho sila ng katauhan?

Pero bakit niya ako binigyan ng babala?

Hindi naman kami magkaibigan sa pagkakatanda ko. At ano naman ang kayang gawin ni Stacey sakin?

Stacey. Sino ka ba talaga??

--

[Crescent moon necklace ni Yesha at the side]

Bloody PurityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon