Chp.13//Beginning (Last Chapter)

178 10 2
                                    

[A/N: Mwehehehe alam ko pong bigla kayong naguluhan sa last chapter ko kaya naman.. Churiiiiiii ^_^v Hahaha lilinawin ko na pong lahat sa chapter na to pramis! XD ]

<Yesha's POV>

Ang daming nangyari. Ang daming pagbabago. Simula ng nakilala ko si Dem, gumulo na ang lahat.

*flashback*

"One hundred days."

"Huh?"

"Yanangdahilan kung bakitnagliwanagangkwintasmo at nawalanka ng malay. Babala."

Walaakongmaintindihansasinasabiniya.

"Matulogkamuna at siguradongpagkagisingmomaaalalamonaanglahat."

Yunganghulikongnarinigbagoako muling nawalan ng malay.

*End of flashback*

Si Demetry, si Daryll. Naaalala ko na kung sino ba talaga sila sa buhay ko.

Yesha? Hindi ako yun.

Kulang pa pala lahat ng nalalaman ko.

Ang dahilan kung bakit kakaunti lang ang naaalala ko sa pagkabata ko.

Si Tiya Ysabelle, tsk.

Lahat pala ng nalalaman ko, puros kasinungalingan lang.

Yung asul na baul. Nandoon lahat ngnkasagutan sa mga tanong ko. At mabubuksan yun after one hundreds days.

At pag bumalik na ng buo ang mga alaala ko, malaking gulo ang maaaring mangyari, yung ang panahon kung kailan magigising na ang kambal ko.

Ako, hindi lamang pala ako basta lobo o bampira. Kaya pala marami ang naghahanap sa akin, dahil kakambal ko si Kira. Hindi ko rin alam kung papaano nangyari yun.

Ang tunay kong pangalan, Ryuki Hiraii. Kakambal ni Kira Hiraii.

Lahat ng laman ng kwentong to simula sa simula. Hindi totoo. Dahil wala naman pala talagang Yesha Collins o Yesha Van Alen.

Napakamapanganib ko daw kaya kinailangan nila akong patulugin ng ilang taon. Kasama noon ang pagkawala ng mga alaala ko.

Magulo? Oo alam kong magulo.

Mas madali siguro kung kakalimutan niyo nalang ang naging umpisa ng storya ko, dahil wala ni isa doon ang totoo.

Binago nila ang mga alaala ko. Binigyan ako ng ibang pangalan at ibang mukha. Kinailangan nilang gawin iyon.

Si Daryll at Dem, sila ang mga kababata ko, ang mga best friend ko. Sa pagkakaalam nila patay na ko. Hanggang sa malaman ni Dem ang tunay na nangyari sa akin at pinilit na makatulong.

Si Tiya Ysabelle, ang mga Collins, ang mga tinuring kong magulang at pamilya, mga tagapangalaga ko lang pala sila.

Ang mga Ashwood at Blackwell, nasa kanila ang kakambal ko, at pinaghahanap naman nila ako ngayon.

Si Dem, palihim siyang nakikiopera sa amin. Nagtaksil siya sa pamilya niya para sa akin. Pero si Daryll, hindi ko alam kung kaya ba nyang gawin ang ginawa ni Demetry para sa akin.

Si Kira, ang kakambal ko. Maaaring nasa paligid lang din siya. Tulad ko noon, walang maalala. Paano ko kaya siya makikilala kung maging siya ay nagbago ng mukha at pangalan?

Tuwing weekend, nakakalabad kami ng academy. May bahay kami sa labas ng lungsod. Sa totoo lang bahay din yun ni Dem, nakakasama ko sila doon. Si Dem pati narin si Chand at Jayfer.

Si Chand, kapatid siya ni Dem. At kababata naman ni Chand si Jayfer.

Hindi Ashwood si Chand dahil sa magkaiba sila ng ama ni Demetry.

Silang tatlo ang naging pamilya ko simula ng magisingnako sa katotohanan. Katotohanan na hindi pa buo. May mga naalala ako, pero kulang pa yun. Marami pa akong tanong sa pag-iisip ko, mga tanong na kailangan masagot.

Pero sa tingin ko, ito na ang simula.

Simula sa totoongmundo ko.

Bloody PurityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon