Chp.11//His POV

157 9 2
                                    

[A/N: Dedicated sayo to Camille! Miss na kita! T^T Love you best! :**]

<Daryll's POV>

"Dad bakit niyo namang hinayaang magtransfer si Demetry rito?!"

Andito kami ngayon sa opisina ng magaling kong ama!

"And to top it all, magiging kaklase ko pa siya?!"

"I'm sorry Daryll but my decision is final." maigting na sambit nito.

"Tsh! You know what he've done to me 2 years ago! And yet hinayaan niyo siyang lumipat sa school ko?!"

Sheeessshhh!

Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa at agad na akong lumabas ng opisina niya.

Dumeretso na ako sa klase ko at padabog na binuksan ang pinto.

*boogsh*

"Mr. Black, hindi porket anak ka ng may ari ng eskwelahan na ito ay pwede ka nang umasta ng ganyan sa loob ng klase ko!"

Tss. Pakielam ko sayo tanda? Pwede kitang paalisin sa eskwelahan ko kung kailan ko gugustuhin.

Bakas sa mukha nito ang galit.

Inikot ko ang aking paningin. May iba akong mga kaklase na mukhang natakot sa akin, ang iba'y mukhang nagulat at ang iba'y mukhang wala namang pakielam.

Nakita ko naman agad si Demetry na nakatitig lang sa akin. Tsh. May balak pa atang agawan ako ng upuan!

Si Yesha naman parang walang pakielam! Hindi man lang ba niya pipigilan si Demetry na umupo sa upuan ko?! Alam naman niyang ako nakaupo dun eh! Tsk tsk.

Dumeretso na lang ako sa upuan ko.

Si narinig ko namang nag smirk si Demetry at dun na lamang umupo sa bakante sa harapan ko. Tsh! Panira ng view!

Wala ako sa mood buong klase. Ewan ko ba naiinis din kasi ako kay Yesha! Ilang araw kasing absent ng wala namang pasabe! Di ba niya alam na may mga nag-aalala sa kanya?! Halos araw-araw akong kinukulit ni Stacey sa kakatanong kung nasaan kaya siya!

Maya-maya lang ay natapos rin ang klase.

Agad namang tumayo si Yesha na akmang aalis na kaya naman hinawakan ko agad siya sa kaliwang pulso para pigilan.

"Sumama ka sa akin. Mag-uusap tayo."

Hihilahin ko na sana siya palabas ng biglang hawakan ni Demetry ang kabila niyang kamay. Ano namang kailangan nito kay Yesha?! Teka, close ba sila?!

"Sa akin siya sasama."nakititig lang sa akin si Demetry habang sinasabi niya iyon kaya naman siyempre ginantihan ko ang mga masasamang titig na iyon.

"Sino ka naman?" sagot ko sa kanya. After what happened two years ago. Wala na kong nakikilalang Demetry. Hindi ko na siya kilala.

Inilapit naman niya ang mukha sa teinga ni Yesha at may kung anong ibinulong saka naunang lumabas ng klase.

"Bibitiw rin naman pala," akala ko makikipag tug-of-war pa siya eh! "halika na."

Hihilahin ko na sana si Yesha palabas ng bigla ako nitong pigilan.

"Patawad. Sa susunod na lamang siguro tayo mag-usap. Kailangan kong sundan si Demetry."

A-ano?! Teka nga! Magkakilala ba talaga sila?! Aish!

Hindi na ako nakasagot pa dahil dali dali na siyang tumakbo palabas ng silid.

Bwisit!

Lumabas na lamang din ako para makapagpahangin.

Naglakad na ako patungong greenhouse.

Bloody PurityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon